Chapter 3: The perfect guy

1K 118 8
                                    

The perfect guy

Pagkatapos ng mahabang gabi ng inuman, at paulit ulit na pag busangot ng mukha ko sa lalaking kaharap ko ngayon nagpasya nang umuwi ang lahat dahil alas tres na ng madaling araw.

Pag baba ko palabas ng bar, kasunod namin si Jake na biglang tinapik si Nic sa balikat.

"Uuwi narin ako hatid ko na kayo?" Alok niya saba'y tingin sa akin

Tumingin din sakin si Nic na para bang nagtatanong kung payag ba ako, bago pa ako makasagot at narinig ko na ang maingay na halakhak ni Peter.

Tumakbo ako palapit sa kanya at biniro na gawin namin ang tulad ng dati. Kaya inilahad niya ang palad niya sakin at saka ko ito hinawakan at naglakad kami palapit sa kanila na para bang nag aantay ng sagot ko.

"Tara na magkape muna tayo sa 7/11 para mahimasmasan tayo." Sabi ko kay Nic ng hindi inaalis ang tingin ko sa kanya, tumingin naman ang kaibigan ko kay Jake at nakita ko na nagkibit balikat nalang ito at nag paalam na sa iba.

Habang naglalakad tawa ng tawa ang lahat dahil sa walang humpay na pakikipag lokohan ko kay Peter kung saang simbahan kami maaaring magpakasal ng alas dose ng madaling araw.

May isang Honda Getz na bumusina sa gilid at nagbaba ng bintana, napatingin ako sa kanya at nakita ko nanaman ang ngiting hindi ko alam kung para saan, at sabay kaway sa amin na nagpapaalam.

"Ang yabang." sa isip isip ko

Narinig ko ang tunog ng cp ni Nic, napalingon ako sa kanya. "Si Jake nag text ingat daw tayo, at sa susunod daw ulit." Hindi ko nalang pinansin yun at nagtuloy tuloy na kami sa paglakad.

Pagdating sa convenient store na madalas puntahan ng lahat pagkatapos ng inuman ay nagpasya si Peter at Clint na iinom pa sila sa madalas na tambayan ng grupo, pero dahil sa pagod ay nagbolontaryo na ako na uuwi at isama na lamang nila si Nic.

"Tara na, minsan nalang uli tayo magkakasama ohhh.." Ani Clint habang nagpapalipat lipat ng tingin sa akin at ky Nic.

"Hindi talaga ako pwede linggo na ngayon at kailangan ko magpahinga dahil finals ko buong week. Kung gusto mo ay isama niyo si Nic." Ngumiti lamang siya at sumagot na kung gusto nung isa ay bakit hindi.

"Hindi na pagod narin ako magpahinga na tayo." Sambit ni Nic pero alam ko na gusto niya sumama pero pinigilan niya dala narin siguro ng pagkailang kay Clint.

Nagpasya na kaming umuwi lahat at pumara na si Peter ng taxi para sa amin ni Nic at nagpaalam na kami sa isa't isa, ibinilin ko sa kanila na huwag kalimutan ang swimming sa susunod na sabado.

"Bat di ka sumama?" Tanong ko sa babaing katabi ko na ngayon ay mukhang nalugi.

"Ayoko na! nag mu-move on na ako baka mamaya bumalik nanaman tong feelings ko." Kita ko sa mata niya ang panghihinayang.

Nakauwi na ako ng alas kwatro ng madaling araw at agad na bumagsak ang talukap ng mata ko dala ng pagod at tama ng alak sa katawan ko.

Nagising ako sa sinag ng araw na nang gagaling sa bintana ng kwarto ko at sa biglaang bigat na bumagsak sa tagiliran ko. Nakita ko si Prince na sumisiksik sa akin.

"Prince! alis jan kasi naman ehh!" Taboy ko pero parang walang narinig ang alaga ko at dinilaan ang mukha ko.

Nag decide akong bumangon at pakainin na lamang sila.

Pagdating ng hapon parang may dapat akong gawin at hindi ko maalala. Nagbukas nalang ako ng laptop ko at nag log in sa facebook habang nagbabasa ako ng news feeds ay nahagip ng mata ko na friends na sa fb si Nic at Jake bigla ko naalala na ito pala ang balak kong gawin ang tignan ang fb niya.

Hindi ko alam kung bakit pero nahihiwagahan ako sa lalaking parang sumadyang sumira ng buong magdamag ko. Sinubukan kong tignan ang kanyang profile pero wala ako makita.

"Siguro dapat iadd ko nalang."

Pagka click ko ng friend request button agad lumabas sa notification ko ang pag accept niya sa request ko na para bang alam na alam na niya ang pag add na gagawin ko sa kanya dito sa facebook.

Sinubukan ko uling tignan ang profile niya at hindi nga ako nagkamali, kailangan ay friends muna kami bago ko maview ang profile niya.

Tinignan ko ang mga pictures niya nakita ko na mayroon siyang kargang bata na mukhang nasa limang taong gulang.

"Siguro anak niya." Sabi ko sa sarili ko habang patuloy ako sa pag tingin ng mga photos.

Kakaiba talaga ang pares ng mata niya parang tatagos sayo ang mga tingin at laging may iniisip tungkol sayo na hinding hindi mo malalaman, matangos ang ilong niya, medyo mapulang labi, matangkad at maganda ang katawan parang laging nakatambay sa gym, in short gwapo siya at wala akong maipipintas sa kanya.

Bigla nalang ako nakaramdam na parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha at bumilis nanaman ang tibok ng puso ko.

"Kaylangan ko na talaga mag patingin sa doctor." Sabi ko sa sarili ko habang hawak ang dibdib ko dahil sa lakas ng pagtibok.

Nagpatuloy pa ako sa pagtingin at nakita ko na may pictures siya kasama ang pamilya niya na napatunayan ko noong mabasa ko ang comment ng mga kaibigan niya sa larawan.

Family oriented siguro siya dahil bihira sa lalaki ang mag post ng napakaraming larawan kasama ang pamilya.

Napangiti nalang ako sa naisip ko. Nabasa ko rin na mukhang maganda ang kanyang trabaho at para bang stable na talaga siya dahil sa mga larawan na nag susumigaw na may karapatan siyang mag bakasyon kahit saan gustuhin.

Sinubukan ko din maghanap ng larawan na nagpapakita na may asawa siya pero wala akong mahanap. Siguro parang si Ryan babaero. Natawa nalang ako sa iniisip ko.

Pero bigla ako napatigil at naalala ang mga quality nang pangarap kong lalaki. Nakatapos ng pag aaral, may trabaho, stable, family oriented - yan ang pinaka mahalaga para sa akin dahil galing ako sa broken family. Bonus nalang sigurado na gwapo, matangkad at may sasakyan siya.

Pag katapos ng pag alala ko sa mga gusto ko ay tinawagan ko ang bestfriend ko na kanina pa iniinda ang hang over niya.

Habang nag uusap kami sa telepono ay napag usapan namin ang naganap na session kagabi. Hindi rin ako nakaligtas sa pang aasar ni Nic sa akin kay Jake.

"Madam malay mo siya na ang hinahanap mo, kaya pala hindi naging kayo ni Ry, dahil makikilala mo siya." Natawa nalang ako dahil ang tinutukoy niyang lalaki ay si Jake na sumira ng gabi ko.

"Hindi talaga magiging kame ni Ryan dahil gusto ko lang siya pero wala akong sinabing gusto ko siyang maging bf." Sabi ko sa kanya.

"Hayy nako.... ayan nanaman tayo." Ani Nic

"Napaka hopeless romantic mo talaga no?.. ang lakas maka movie ng iniisip mo, isipin mo nalang pinakilala sayo ng ex boyfriend mo yung guy dahil broken hearted ka sa lalaking pinalit mo sa kanya, at hindi mo siya nagustuhan saba'y makikilala ng bestfriend mo at sila ang magkaka gustuhan? ganun ba yun? aba pang MMK." Dagdag ko pa sa nakakalokong imahinasyon niya.

"Excited na ako sa sabado Madam, makikita ko na naman ang katawan ni Babes hehehe." Pag iiba niya sa usapan na tila nag nanasa sa katawan ng kababata kong si Ford.

"Nako wag ka na umasa dun kasama niya yung jowa niya, at wala ka ng pag asa sa kanya, maliban nalang kung maging lalaki ka hahaha!.." Saad ko sa kanya, dahil ayaw niyang tigilan si Ford sa pangungulit.

Patuloy lang kami nagbibidahan ng kaibigan ko habang nakatingin ako sa laptop ko kung saan nakikita ko ang larawan ng lalaking kanina pa namin pinag uusapan.

Nasabi ni Chelle kay Nic na he's single for 6 years and never had any romantic relationship with anyone, but he has a lot of girls and flings and there's an unknown reason bakit siya ganoon pero he never tried to open it with anybody. But the attitude he shown last night was way too far from what they said.

I admit gwapo siya, pero kita mo agad sa itsura niya na hindi mo malalaman kung ano ang nasa isip niya, mukhang mahirap siyang basahin. Pero sigurado akong kaya kong mapalapit sa kanya kung gugustuhin ko.

Madaming tumatakbo sa isip ko at ng mga oras na iyon, at nasabi ko nalang na I think he is the perfect guy..............

Perfectly Imperfect (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon