Chapter 6: Closer to him

755 91 6
                                    

Closer to him

Lunes na naman ipupusta ko na higit pa sa kalahati ng populasyon ng mga mag aaral ang may ayaw ng araw na to kagaya ko.

Pero hindi ngayon dahil umpisa na nang bakasyon. Napasigaw nalang ako sa kwarto ko sa sobrang kaligayan.

Holy week na pala ngayon, at sigurado ako na isang linggo mamamalagi ang mga kabarkada ko dito sa bahay. Habang nagpapaikot ikot ako sa kwarto ko nakita ko ang pag ilaw ng cp ko, at tinignan kung sino ang text.

09162******: game na, shot na!

Si Jake pala ang nagtext at nagyayaya ng uminom, panigurado akong nagbibiro lang to, kaya sinagot ko ang text niya.

Ako: Good morning ! aga ha.. tara na

09162******: talagang payag ka aga pa kaya tulog kapa Madam

Natawa ako sa text ni Jake sa akin na ngayo'y nakiki Madam na kagaya ng pagtawag ni Ford at Nic sakin. Hindi rin ako matulog uli dahil alas onse na ng umaga.

Ako: Talagang Madam din tawag mo sa akin huh hndi na kita tatawaging kuya :p asan kba?

09162******: Nandito sa mall kumakain dame kaseng tao sa bahay ang gulo kaya umalis muna ako

Nagpatuloy lang kami sa pagtext hanggang tanghali.

Narinig ko ang tahulan ng mga aso ko kaya agad akong bumaba ng hagdan at sinilip sa may bintana kung sinong dumating, at nakita ko si Nic na nakatayo sa harap ng gate namin at nagbabayad sa tricycle driver.

Pinagbuksan ko ng gate ang bagong dating ko na kaibigan.

"Ang aga mo naman parang kahapon lang andito ka huh." Sabi ko sa kanya habang nakatingin ako sa napakalaking bag na dala dala niya.

"Syempre mahal na araw kaya dito muna ako." Sagot niya sa akin.

"Obvious nga ang laki ng bag mo baka dito kana tumira? may twalya kana dito, toothbrush, at mga damit tas ngayon dadagdagan mo pa?" Mahabang paliwanag ko sa kanya, ngunit dahil kaibigan ko nga siya parang hangin lang na dumaan sa tainga niya ang mga sinabi ko at tuloy tuloy na pumasok sa bahay.

"Madam mamayang gabi lutuan mo ako ng pininyahan please." Pakiusap ng kaibigan ko.

"Okay sige dahil mukhang madameng kakain dito sa bahay mamaya." Walang gatol kong sagot dahil siguradong andito nanaman silang lahat mamaya.

Hindi nga ako nagkamali at pagdating ng hapon ay nagdatingan na sila dala dala ang apat na bote na may lamang alak.

Nagdesiyon na kong magluto at pakainin ang mga kaibigan ko na hindi ko matatawag na bisita dahil palagi naman andito.

Pagkatapos kumain at konting pahinga nag umpisa na kami mag inom at itinext ko si Jake na baka gustong makisali sa amin ngunit bigo ako dahil hindi raw siya pwede may tatapusin siyang report sa trabaho bago siya umuwi sa Pampanga kung nasaan ang buong pamilya niya.

Tumigil na din siya sa pagtext habang ako naman ay tuloy tuloy lang sa pakikipag inuman ng biglang nag ring ang cellphone ko.

09162****** calling.........

"Hello?"

"Madam???"

"Sino to?"

"Si Jake to, di mo pa nase save number ko?.."

"Ay uo nga pala hahaha!! napatawag ka?"

"Wala naman nangangamusta lang ano lasing na kayo jan?"

"Nako mahirap lasingin tong mga to baka bukas pa kami matapos haha." Tatawa tawang sagot ko dahil medyo nahihilo na ako.

Perfectly Imperfect (Editing)Where stories live. Discover now