Chapter 39: He's not into you

369 27 0
                                    

Author's note: Guys please vote and comment.

He's not into you

Pagkatapos ng inuman namin diretso kami sa condo nila Rj para magpahinga. Siya at ang asawa niya yata ang takbuhan ng lahat pati itong condo nila.

Nakaupo lang ako sa couch pakiramdam ko nakahanap ako ng peace of mind na relax yung isip ko kaya nga lang hindi maiiwasan na hindi buksan yung topic tungkol sa nangyari sa akin.

"Kuya sorry lagi nalang akong humihingi ng payo sa inyo pero sa huli hindi ko rin naman sinusunod." Paghingi ko ng tawad.

"Alam mo kase Lian ang pagmamahal hindi hinihingi kusa yang ibinibigay. Maghintay ka lang darating din yung tamang lalaki para sayo."

"Dumating naman siya hindi nga lang para sa akin."

"Alam mo kung nakakayaman ang payo mayaman kana."

"Bakit kuya?" Nagtaka ako dahil nalihis ang usapan.

"Ang dami nang nagbigay sayo e hahaha." Patawa niyang sagot.

"Oh kaya naman sana trophy nalang yung mga advice namin sayo tas ididisplay mo sa cabinet para kapag kailangan mo ng payo pipili kana lang." Lahat ng sinabi ni Kuya Rj hindi lang basta biro lahat may ibig sabihin.

Siguro maaaring ibig sabihin niya sa mga birong yun ay paulit ulit na sila sa sinasabi nila pero hindi naman ako nakikinig, patuloy parin ako sa ginagawa ko. Halos lahat nasabi na nila at ang dapat kong gawin ay tandaan ko nalang ang mga to para kung sakaling uulitin ko yung mga pagkakamali ko ay aalalahanin ko nalang yung mga payo nila.

"Ano pre my idadagdag kapa?" Tanong niya kay Clint.

"Wala na. Nasabi niyo nang lahat." Sagot niya kay Rj.

Pero bumaling si Clinton sa akin at nagsalita uli. "Ikaw ng magdedesisyon kung makikinig ka o uulit kapa basta nandito lang kami para sayo pero mas gusto ko sana kung tumigil kana nahihirapan din kami para sa'yo."

Kinabukasan pag kauwi ko naisipan ko magbukas ng facebook at chat naman ni Ryan ang tumambad sa akin.

Ryan: Balita ko nagdrama ka sa bar kagabi huh?

Me: ayos ka naman!!!! alam mo naman kung anong nangyari e

Ryan: ang tanga mo kse friend hindi ka man lang nag pa choosy! naalala ko yung huling pinormahan ni Jake ang laking ganda mo

Me: ohh anong nagyari? naging sila ba

Ryan: Hindi ko alam pero pachoosy yun pa hard to get. Ikaw kase pag gusto mo dapat makuha mo by hook or by crook!

Me: hindi ko na kse alam gagawin ko ginawa ko na lahat Ry! wala parin

Ryan: Alam mo friend anong nakikita ko sayo?

Me: dyosa?

Ryan: hinde!

Me: e ano?

Ryan: sa mga ginagawa mo ngayon para kang naglagay ng lubid sa leeg mo hinihintay mo nalang kailangan ka mamatay.

Hindi ko na sinagot si Ryan dahil masyado na akong maraming natanggap na payo kagabi pa.

Tinawagan ko nalang si Nic at nagtanong sa kanya.

"Nic sabihin mo sa akin pangit ba ako?"

Narinig ko ang pagtawa niya. "Sino naman nagsabi sayo? maganda ka at isa pa wala akong friend na panget."

"Madam bakit kase ganun? may itsura naman ako, matangkad, may pinag aralan hindi rin ako hampas lupa, may bahay ako, may pera pero bakit hindi ako magustuhan ni Jake? hindi naman ako kahiya hiya ahh."

"Simple lang madam. Hindi ikaw ang gusto niya. He's not into you."

Perfectly Imperfect (Editing)Where stories live. Discover now