Chapter 32: Sudden change of plan

395 30 0
                                    

Author's note: Guys please vote and comment.

Sudden change of plan

Tanaw ko na ang toll kung saan kami dadaan para makarating ng Pampanga. Kinakabahan ako nanlalamig ang kamay ko. Hindi ako makapaniwala na makakarating ako sa lugar na to.

Noon ay binibiro lang ako ni Nic na ibang level na daw kung dito ako makarating dahil sabi ni Jake sa kanya ay wala itong naisamang babae sa kanila bukod sa ex girlfriend niya na nakarelasyon niya for six years.

"Madam nakita mo yang plaza na yan, oval ang tawag nila dyan. Dyan sila pumpwesto pag gabi para magtinda." Hindi ko naiintindihan ang sinabi ni Jake kaya tumango nalang ako.

"Nako Madam! baka hindi kana umuwi pag natikman mo yung barbeque ni Tita." Maingay na sabi ng tauhan ni Jake na si Bok.

Pagliko ng sasakyan ay agad din itong tumigil kulay pink na bahayna may malaking garahe na sa palagay ko ay ginawang dining area natanaw ko ang loob dahil maninipis na grills lang ang nakaharang dito at sa labas. Mukhang presko dahil sa tapat  nito ay may bubong at ilang puno na nagbibigay ng lilim.

Nahuli akong bumaba ng sasakyan dahil nag aalala ako sa magiging reaksyon ng mga tao.

"Madam tara wag kang tumayo mag isa dyan." Pagtawag sa akin ni Jake para sumunod sa kanya papasok sa gate.

Bago pa naman talaga pumasok ay tanaw na kami ng mga tao sa loob at ganun din kami dito sa labas dahil kagaya ng sabi ko manipis na grills lang ang nakaharang dito.

Pagpasok ko ay natahimik ang lahat ng tao na nasa loob at napansin ko na abala silang lahat sa pagtutuhog ng napakaraming barbeque.

"Ma si Madam boss ko haha." Pakilala ni Jake sa akin sa babaing may edad na. "Madam si Jell at Jane kapatid ko." Pakilala naman niya sa iba pa.

Ngumiti ako sa kanila ng mapansin ko ang dalawang batang babae sa tabi ni Jell.

"Hello." Nakangiti kong bati sa kanila.

"Mga anak ko." Itatanong ko palang sana ng maunahan ako ni Jell.

"Nak kain na muna kayo." Pagyaya ng mama ni Jake sa amin.

Wala akong gana masyado dahil kaharap ko ang parents ni Jake, naiilang ako sa Mama niya na pinapanood kami, lalo na ako.

Pagkatapos kumain ay pumunta si Jake sa tapat para magpahangin at makipag kwentuhan. Habang naiwan ako sa garahe kaya nakipag kwentuhan na lamang.

"Uhm Tita may cataring na kayo bakit ang dami pong barbeque." Sinubukan kong gumawa ng conversation dahil awkward ang sitwasyon.

"Hindi neng paninda namin to doon sa oval gusto mo ay sumama ka mamaya para makita mo. Ano nga bang pangalan mo at Madam ang tawag sayo ni Jake."

"Ay sige po subukan kong sumama mamaya kung hindi pa po kami uuwi. Lian po name ko tita Lian Guevara po." Magalang kong sinabi sa kanya.

Naging palagay na ang loob ko sa pamilya ni Jake at mukhang natuwa naman sila sa akin.

Dumating ang hapon iniwan ako ni Jake sa mga kapatid niya dahil mag babasketball daw siya.

Wala pa akong tulogkami nila Jakepero nagawa pa niyang mag basketball habang ako naman ay may lakas pa para makipag inuman sa mga kapatid niya.

"Ate alam mo bang pangawala kalang." Sabi ni Jell.

"Anon pangalawa,tsaka wag mo akong tawaging ate. Twenty palang ako."

"Syempre kuya ko si Jake kaya ate kitateka mabalik tayo sa usapan. Si Tin lang ang nadala ni Kuya dito at pangalawa ka may isa siyang sinama dati pero di naman bumaba ng sasakyan kaya hindi counted yon ikaw ang pangalawang nakilala namin na girlfriend ni kuya."

"Teka sino si Tin? hindi ako girlfriend ni Jake. Magkaibigan lang kamisumama lang ako dito." Sinubukan kong linawin ang kapatid ni Jake, na mukhang confused.

"Si Ate Tin gf ni Kuya for six years hindi mo ba siya kilala? tsaka sigurado ka na hindi ka girlfriend ni kuya?" Naguguluhan niyang tanong.

"Nako Jell wala akong kilalang ex ng kuya mo dahil mahigit one and half year palang kaming magkakilala. At hindi niya ako girlfriend parehas kami ng gusto ng kuya mo. Lalaki." Biro ko nalang.

"Madam dito ko nalang mag holyweek." Paanyaya ni Jane.

"Hindi ko sigurado baka hindi pumayag ang kuya niyo." Nagsisinungaling lang ako, ang totoo ay nakaplano na kami nila Ford na magpupunta sa Puerto Galera.

"Hindi yan madam kami nang bahala. Sasabihin namin kila mama para siya ang magsabi kay Kuya." Pursigidong sinabi ni Jane sa akin.

Inabot pa kami ng ilang oras sa labas ng bahay at nag iinom, hindi ako makapaniwala na malakas mag inom ng alak ang mga tao dito.

Hindi ako nakakaramdam ng kalasingan ngunit nakaramdam ako ng antok dahil wala pa akong tulog samantalang si Jake ay tulog na sa loob ng bahay pagkatapos maglaro ng basketball.

"Madam wag ka pumasok sa loob ngayon mo lang kami nakabonding sulitin mo na." Makulit na si Jell, nawalan na ako ng pag asang makatulog.

Ilang minuto pa ay dumating ang mama ni Jake at sinuway ang mga kapatid niya kaya nakatakas ako at nakapag pahinga sa bakanteng kwarto, nakatulog ako dahil hindi na kaya ng katawan ko ang puyat.

Nagising ako dahil naramdaman ko na parang may nanonood sa akin, hindi nga ako nagkamali dahil nasa tabi ko yung dalawang batang pamangkin ni Jake.

"Tita sabi ni Tito hindi ka na daw uuwi dito ka nalang." Inosenteng sabi ni Kylie sa akin.

"Huh? bakit asan ba si tito Jake mo?"

"Nasa car na po niya paalis na." Bibong sagot niya.

Napabangon ako nawala sa isip ko na hindi kami dito magpapalipas ng gabi at uuwi rin kami sa Manila. Lumabas ako at nakita ko si Jake na nasa loob ng sasakyan niya.

"Pogi ang samasama talaga ng ugali mo bat mo ako iiwan."

"Sino nagsabi?"

"Yung pamangkin mo."

"Maniwala ka dun inaantay ka nga namin magising. Andito ko sa sasakyan dahil umulan pinapainit ko lang yung makina."

Bumalik na ako sa loob para ayusin ang gamit ko at ang sarili ko wala pa ako sa wisyo dahil naputol ang tulog ko kaya ng marinig ko ang tanong nila sa akin ay sumang ayon nalang ako.

"Yehey! dito mag hoholyweek si Madam." Sabay sabay nagpalakpakan ang mga kapatid at pamangkin ni Jake sa pinsan.

Napaharap ako sa kanila ng masalita ang mama ni Jake.

"An dito kana mag holyweek huh aasahan kana namin ako na bahala kay Jake. Walang magagawa yun isa pa mukhang papayag din yun dahil nakarating ka naman na dito."

Ngumiti nalang ako at tumango dahil nalilito ako hindi pupwede sudden change of plan nanaman. Isa pa ay nakapangako na ako sa mga kaibigan ko pero hindi rin ako makatanggi dahil kita ko na masaya ang mga tao dito sa pag sang ayon ko sa gusto nila.

Perfectly Imperfect (Editing)Where stories live. Discover now