Chapter 29: I wish I had never met you

375 31 1
                                    

Author's note: Guys please vote and comment.

I wish I had never met you

Bandang alas dos ng madaling araw ng magising ako dahil tumunog ang cellphone ko.

Jessieboy: Madam tara shot tayo

Jake: san ka? sunod ka dito sa Ritz shot tayo

Hindi ko na sinagot ang message ni Jessie dahil sa palagay ko ay magkasama naman sila ni Jake.

Me: Jake alas dos na antok na talaga ako next time nalang.

Jake: wow kelan pa naging issue ang oras sayo?

Alam ko na ang ibig sabihin niya dito ay kelan ko pa naging dahilan ang oras para sa kanya dahil noon ay kahit anong oras ay susunod ako sa kanya. Basta para sa kanya.

Me: Nagyaya nga din si Jesiboy mukhang mgkasama naman kayo

Jake: ayos! niyaya kita ayaw mo tas niyaya ka ni Jesi sumama ka.

Hindi niya naintindihan ang sinabi ko na ang akala ko ay magkasama sila. Sa huli ay nag desisyon ako na replyan si Jessie at alamin kung magkasama nga ba sila, na agad naman nagreply ng hindi at inimbitahan uli ako.

Wala na akong sinagot na kahit sino sa kanila dahil tinatamad na ako at mag aalas tres na ng madaling araw. Isa pa ay nangako ako na titigil na muna sa ginagawa ko dahil baka sakaling makita niya ang importansya ko.

Ngunit dumaan ang pasko at bagong taon na walang Jake pakiramdam ko ay iniiwasan na naman niya ako, nagrereply siya sa mga kaibigan namin ngunit sa akin ay hindi.

"Akala ko ba nagmu-move on ka e bat nagiintay ka parin ng mga text ni Jake?" Ani Dylan. Nandito kaming lahat sa Psych lab dahil inaayusan ang lahat para sa pictorial ng gradpic ng batch namin.

"Bat ka mag mumove-on naging kayo ba?" Biglang sabat ng kaklase ko na nakikinig lang naman sa usapan at walang alam sa nangyayari.

"Excuse me? kausap kaba namin parang hindi naman." Mataray kong sinabi.

"At para malaman mo hindi kailangan ng relasyon para mag move on lahat may karapatan lalo na kung nagkaroon ng feelings, palibhasa wala kang ginawa kundi umepal ." Mahaba kong litanya dahil biglang kumulo ang dugo ko sa pagsabat niya.

"Tama na yan." Saway sa akin ni Dylan. "Ikaw naman ang hilig mo kase sumabat eto pa aasarin mo alam mong highblood lagi to." Sabi naman ni Dylan sa kanya.

Hindi ko sinubukan na humingi ng despensa sa kaklase ko dahil ilang beses na niya inubos ang pasensya ko at pagkakataon ko na para bumawi, dahil bakasyon naman na at alam kong hindi na kami magkakasalubong ng landas.

Alam ko na nangako na ako noon na mag mumove-on na ako pero may mga panahon na sinusubukan ko parin siyang kontakin lalo na kapag nakakainom ako dahil naiisip ko na baka sa tagal kong hindi nagparamdam ay makalimutan na niya ako ng tuluyan.

Hindi ko masisisi ang sarili ko dahil nagmamahal lang naman ako ang hiling ko lang sana ay maunawaan ako ng ibang tao dahil sigurado ako sa ayaw at sa gusto natin ay dadaan tayo sa ganitong parte ng buhay. Ang maging tanga pagdating sa pag ibig.

Lumipas rin ang kaarawan ni Nic at nangako si Jake noon na siya ang bibili ng cake ngunit hindi parin siya nagpakita. Nag valentines at magkakasama kaming lahat pero hindi parin siya sumipot.

"Madam bakit ganun laging sa akin hinahanap si Jake ang lakas maka one more chance parang walang Lian kung walang Jake. Hindi ba nila nakikita na wala naman yung tao bakit sa akin hinahanap." Sabi ko sa kaibigan ko na tahimik lang na nakikinig dahil frustrated ako ngayong gabi dito sa bar.

"Madam hayaan mo na wala naman alam yung mga tao dito sa bar kaya sayo siya hinahanap. Mag bibirthday kana sana ay bumalik kana sa dati nag iba kana hindi kana makulit hindi kana yung kilala namin na Lian na masayahin na pag tahimik gagawa ng paraan para umingay ang lahat, naging bugnutin kana." Malungkot na sinabi ng bestfriend ko kaya pinilit ko maging masaya ng gabing yun.

Birthday ko na ngayon at graduation kaya pinagsabay ko na ang celebration. Dating gawi ay nagswimming kami pero nagdesisyon ako na icelebrate to sa isang resort sa Marikina.

Umaasa ako na susunod si Jake dahil nasabi sakin ni Jessie na dito daw nagcelebrate noon ng kaarawan si Jake kaya gusto ko subukan magkaroon ng alala ng birthday ko kung saan ay may alaala din siya.

Wala akong pinagsabihan dahil alam ko na walang matutuwa sa plano ko bukod kay Jessieboy na nagsabi sa akin tungkol dito.

Nakatanggap ako ng mga pagbati sa facebook, viber, whatsapp at kung saan pang social media na naka member ako. Pati sa text ay may bumati sa akin, mga kaibigan ko sa gimikan, kamag anak, kaibigan, kaklase, mga common friends pati na rin sa mga kabarkada ni Jake, pero walang text miski na isa na nang galing sa kanya.

Pagdating ng alas onse ay halos nalasing na ang lahat napansin ko na parang hindi masyadong masaya ang mga kaibigan ko hindi tulad nang mga nagdaang taon.

"Lian bakit ba dito mo naisipan magswimming hindi maganda dito." Prangkang sinabi ni Ford.

"Syempre ano pa nga ba umaasa na susunod si Jake." Sabat ni Jay habang nakaakbay sa girlfriend niya.

Tumingin ako kay Nic para humingi ng tulong pero nakita ko na nakayuko lang siya.

Dahil sa tama ng alak ay nag umpisa na naman akong magmaktol at magsabi ng kung ano-ano.

"Ang gusto ko lang naman magcelebrate dito dahil umaasa ako na baka sumunod siya dito na baka maisipan niyang surpresahin ako pero walang dumating wala kahit na isang text tas ramdam ko na hindi kayo nag eenjoy." Alam ko na ako ang may kasalanan ng lahat at nagiguilty ako.

Umiiyak ako dahil disappointed ako hindi lang dahil kay Jake pero kundi sa sarili ko. Nag celebrate ako ng birthday ko nag effort si Ford, Nic at Jay pero parang hindi ako masaya parang si Jake lang ang kailangan ko at alam kong na disappoint ko rin ang mga kaibigan ko dahil sa inaasta ko.

Pinagpalit ko pa ang mga kabarkada kohindi ko inimbitahan ang lahat kagaya ng dati dahil si Jake parin ang isinang alang alang ko na baka ayaw niya na ng masyadong marami, na baka may mga kaibigan siyang yayain, na baka naiilang na siya sa mga kabarkada ko.

Pero ngayon na kaharap ko na ang mga bestfriends ko na mukhang hindi masaya narealized ko na hindi ko dapat ginawa ito dapat mas inuna kong isipin ang iba pa naming kaibigan na laging nasa tabi ko pero huli na tapos na ang kaarawan ko.

Mag aalas dose na tapos na ang pinaka espesyal na araw sa buhay ko at pinili kong ipagamot ang araw na to sa lahat ng kaibigan ko hindi ko man lang naisip na maaring eto na muna ang huling birthday ko na kasama ko sila dahil ano mang oras ngayong taon ay aalis na ako.

Habang umiiyak ako nakatanggap ako ng text.

Jake: Happy Birthday Madam :p

Mensahe galing sa kanya nang tignan ko ang oras ay 11:59.

At nagawa pa niyang magtext isang minuto bago matapos ang kaarawan ko sinadya niya ito para ipaalam sa akin na alam niya kung kelan ang kaarawan ko.

Imbes na matuwa ako ay galit ang naramdaman ko. Ang damot niya alam niyang sinadya ko lahat gawin to, alam niya dahil kaibigan niya mismo ang nag suggest na gawain ko to at imposible na wala siyang alam pero sa huli ay pinili niyang mas lalong pagtibayin ang ego niya, ego na meron siya dahil sa mga katangahan na ginagawa ko para sa kanya.

Hindi ko na naramdaman ang araw kung kailan tapos na ng pagiging teenager ko.

Sana hindi ko nalang siya nakilala, sana hindi ko nalang siya minahal, sana hindi ako umasa dahil ang sakit sakit na talaga.

Perfectly Imperfect (Editing)Where stories live. Discover now