Chapter 30: I want to talk to you

389 32 4
                                    

Author's note: Guys please vote and comment.

I want to talk to you

"Wow Madam handang handa kana sa pagpunta sa Puerto huh." Ani Ford habang tinitignan ang bago kong swimsuit at bag na binili ko talaga para sa bakasyon namin.

"Ako pa papakabog?" Maarte kong sagot. Ano sa palagay mo ito nalang susuot ko bukas o ito." Pakita ko sa mga dress na hawak hawak ko.

Bukas ay interview ko sa isang company na inapplyan ko. Ako mismo ang naghanap ng trabaho at hindi ako sumubok humingi ng tulong sa mga kamag anak ko.

Confident ako para bukas dahil sa tingin ko naman ay qualified ako para dito,kung hindi ay hindi naman ako magsusubok na mag apply. Dahil sawa na ako sa rejections. What I had a couple of months ago ay sapat na ayoko na pati ang career na pipiliin ko ay ireject din ako.

Nandito na ako sa building ng isa sa pinaka malaking brewery company sa Pilipinas, hindi lang sila kilala sa brewery kilala rin sila dahil sila ang may ari ng PAL, meatshops, at kung ano ano pang produkto kaya kilala rin sila bilang corporation.

Kapag natanggap ako dito ay magiging masaya na talaga ako. Magiging masaya ang holiday ko.

Dalawang oras na ako nakaupo pero wala parin ang mag iinterview nag alisan na ang ibang applicant. Ito na ang pinaka matagal na oras na naghintay ako pero nagtyaga ako dahil nandito na rin naman ako.

Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na ang babaeng mag iinterview at pinatawag na kami isa isa.

Nang ako na ang pinatawag ay nanlamig ang kamay ko pero nilakasan ko ang loob ko dahil I know that I deserved this job.

Tinanong nila ako tungkol sa goals ko sa buhay kung bakit dito ko naisipan mag apply at pinabasa ng ilang spiels.

Pinapili nila ako lugar kung saan ko gusto magtrabaho kung sakali kaya pinili ko ang Eastwood dahil dito ako mas madalas. Binigyan nila ako ng kapirasong papel, nakasulat dito ang address kung saan ang second interview ko. Pero sinigurado na ng interviewer na tanggap na ako dahil sila naman ang nasa main office at branch lang nila ang nasa Eastwood, formality lang daw kumbaga.

Nagpaubos nalang ako ng oras sa mall at kung saan pang mga lugar habang nag aantay kay Nic dahil tinatamad na akong umuwi.

Pagdating ng mga alas otso ng gabi ay nagkita na kami sa Ritz, ilang buwan din kaming hindi nagpunta dito.

"Madam kamusta ang interview?"

"May trabaho na ako pero after holyweek pa ang next interview. Ayos na rin yun dahil magbabakasyon tayo. Excited na nga ako eh." Masayang masaya kong sabi kay Nic.

"Expected na namin ni Clint na matatanggap ka, matalino ka naman madam."

"Oh bakit nasali si Clint dito?" Mapang asar kong tanong kay Nic na mukhang kinikikig pa. "Siguraduhin niya lang na aayusin na niya ngayon, hindi lang ikaw ang nagbigay ng second chance sa kanya, kami rin noh!" Pangaral ko.

Nagkabalikan na sila ni Clint one month ago, nasa inuman kami nun, actually gig nila yun pero ibang banda ang kasama.

Masyadong mabilis ang pangyayari, isang taon na silang hiwalay pero hindi parin sila nagpapansinan. Kaya ng magsama sama kami sa isang table ay nagsalita ako, salita na hindi ko lang sa kanila pinapatama kung hindi para sa sarili ko rin. "Mag usap lang kayo, ay magiging okay na." Simpleng salita, pero kahit papaano sa palagay ko ay nakatulong sa kanilang dalawa.

"Madam lagi ka namin napag uusapan ni Clint. Sobrang thankful siya dahil sa sinabi mo." Kitang kita ko sa mata ng bestfriend ko na masaya siya. "Pero sabi ni Clint kahit natulungan mo kami ay makinig ka parin sa kanya. Wag kana masyadong dumikit dikit dun kay Max, wala kang mapapala dun."

Napangiti nalang ako sa sinabi ni Nic dahil over protective sila sa akin.

Kaclose ko kasi ang vocalist sa bagong band nila Clint pero natatawa rin ako dahil inisip nila na maaari akong magkagusto dito. Masyado na tong matanda, sa tingin ko nga ay matanda pa sa tatay ko. Kaya malabo ko naman matipuhan yun.

"Madam oo nga pala nagtext sa akin si Pogi sayo ba nagtetext?" Biglang pag iba niya ng usapan.

Almost five months ko ng hindi nakikita si Jake, simula nung huli naming pagkikita noong December hanggang sa magalit ako sa kanya noong birthday ko. Simula nun ay hindi na ako nagtext o nagparamdam sa kanya, paminsan minsan ay magtetext siya at magyayabang lang kaya sinasagot ko ang mga text niya at binabasag lang siya.

"Uo. Yayain mo dito text mo." Utos ko. "Ay wag na ako nalang try ko kung sasagot."

Sinubukan ko siyang tawagan at sumagot naman siya.

"Madam napatawag ka?

"San ka?tara Ritz tayo sagot ko."

"Nako Madam hindi ako pwede nandito ako sa shop may tinatapos."

"Shop? anong shop saan yan?"

"Yung shop na sinabi kong itatayo ko tas binara mo ako."

"Saan yan?"

"Dito sa tulay malapit sa tindahan nila Tita. Kung gusto niyo ay dalhin niyo nalang yung alak niyo dito tayo mag shot."

"Ahh yung malaking malaking tindahan, alam ko yan. Sige subukan namin pumunta."

Magkausap kami pero wala na akong maramdaman, possible bang naka move on na ako o baka naman kapag nakita ko siya ay bumalik na naman.

"Madam ano gusto mo ba pumunta dun?" Tanong ko sa kanya, pero kung hindi ang sagot niya ay hindi ko na siya pipilitin dahil lakad namin to.

"Sige Madam ng maiba naman namiss ko na si Pogi tsaka naninibago na ako dito sa Ritz."

"Ang sabihin mo ay sawa kana sa boy hunting dahil may bf kana haha." Biro ko sa kanya.

Nagpasya kami ni Nic na wag na magtaxi at mag jeep nalang dahil sa palagay ko ay alam ko ang tindahan na sinasabi ni Jake.

Naka focus akong mabuti sa daanan habang nakasakay kami sa jeep, hinila ko kaagad ang tali para magpara dahil nakita ko kaagad si Jake sa isang shop katabi ng tindahan.

Pagkatawid namin ay agad akong kumatok sa glass door ng shop.

"Pogi!" Tili ni Nic na tuloy tuloy na pumasok sa shop.

Nakatitig lang ako kay Jake. Halos limang buwan lang kami hindi nagkita ay nanibago na ako. Parang medyo pumayat siya.

Napaiwas ako ng tingin ng mahuli niyang makatitig ako sa kanya. Para hindi awkward ay binati ko nalang siya. "Hi Pogi, haggard na haggard ah."

"Jake sino yang bisita mo?" May lalaking lumabas galing sa may pinto sa loob ng shop.

"Ay Nic, Madam, si papa nga pala." Pakilala niya sa amin. "Pa mga tropa ko."

Salubong ang kilay ng tatay niya habang kinikilatis kami.

Tinulak ko si Nic para siya ang mas malapit pero hindi siya pumayag.

Nang tumingin uli kami ay lumambot na ang ekspresyon ng papa niya at mukhang nagbibiro lang naman ito.

Pagkaupo namin sa loob ng shop ay wala ng lumabas sa bibig ko na kahit anong salita.

Perfectly Imperfect (Editing)Where stories live. Discover now