Chapter 16: Meet the family

464 57 2
                                    

Meet the family

Pagbaba namin ng sasakyan iginaya niya ako papasok sa isang simpleng apartment na katabi ng Simbahan at nag umpisa ng kumatok si Jake.

"Huy!" Saway ko sa kanya. "Ang aga aga nang gigising ka."

Biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isang lalaki na mukhang may edad na.

"Ano Jake? lasing ka nanaman?" Sabay tingin sa akin ng lalaki na nagsermon agad kay Jake.

"Tito si madam. Madam tito ko." Pakilala niya na parang walang narinig na sermon at diretso pasok sa bahay.

"Tuloy ka. Pumasok kalang. Wag ka mahiya." Pagpapatuloy sa akin ng tito ni Jake.

"Good morning po pasensya na sa abala." Dahil may manners ako hindi kagaya ni Jake, binati ko muna siya bago pumasok.

"Wow Madam? biglang bumait? Kanina siga ka ha." Nang aasar na sinabi sa akin ni Jake.

"San ba kayo galing at ang aga aga niyo pumunta dito?" Biglang tanong ng tyuhin niya.

"Sinundo ko siya sa Airport nag inom kami di na nakauwi." Walang ganang sagot ni Jake.

"Hindi kapa umuuwi? Baka hinahanap kana sa inyo saan kaba galing?" Gulat na tanong ng tito niya na akala mo ay nagtanan na kami.

"Galing ibang bansa yan wala maghahanap dyan walang tao sa kanila." Si Jake na ang sumagot para sa akin.

Hindi na muling nagtanong ang tito ni Jake ilang minuto pa inimbitahan nila kaming mag almusal at naiilang ako dahil abala na talaga ang pagpunta namin ng sobrang aga.

Pagkatapo kumain babalik na sana kami sa salas ng magulat ako at ang daming tao. Agad akong nagtago ng bahagya sa likod ni Jake dahil may hiya naman ako kahit papaano.

"Tito sino yang kasama mo?" Tanong ng batang lalaki na mukhang nasa apat na taon.

"Si Madam yan."

Pag upo namin sa mahabang sofa sa sala nila ay agad akong dinumog ng mga bata.

"Madam diba mahilig ka sa bata?" Tanong ni Jake.

"Lagi kaba dito?" Biglaan kong naitanong sa kanya habang may karga kargang siyang baby na mukhang nasa ten months na at sobrang puti at taba.

"Uo lahat ng apartment dito kamag anak ko ang nakatira, motherside. Yang mga batang yan anak ng mga pinsan ko eto naman asawa ni Romer pinsan ko din." Turo niya sa nanay nung baby.

"Talaga buti hindi ka nakukulitan andami nito."

"Hindi naman nakita mo tong sofa na to." Turo niya sa kinauupuan namin. "Pag nakainom ako dito ako umuuwi dito ko natutulog gusto ko kasi pag gising ko marami ako makikita na bata."

Napangiti nalang ako sa nalaman ko tungkol kay Jake na mahilig siya sa mga bata. Wala kasi akong hilig sa mga bata bukod sa kapatid, pamangkin at anak ng mga kaibigan ko, pero mukhang dapat ko ng gustuhin ang pagkahilig sa kanila. Nakilala ko ang mga kamag anak niya sa Mother side at mukhang mababait naman idagdag pa na akala yata nila ay karelasyon ako ni Jake.

"Madam nakita mo to?" Tanong ni Jake sa akin na ipinapakita ang buhol buhol na tali habang tinatanggal niya.

"Oo manipis na lubid bakit magbibigti kana?" Pabalang kong sagot sa kanya.

"Baliw. Eto kase gusto ko! Challenge challenge madam.."

Napatahimik ako sa sinabi niya pakiramdam ko may pumitik sa dibdib ko. Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang sinabi ni Jake sakin patungkol sa taling pinakita niya kanina.

Perfectly Imperfect (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon