Chapter 8: I want to get to know you more

618 83 7
                                    

I want to get to know you more

Lunes nanaman at nagmamadali ako sa pag kilos dahil tinanghali ako ng gising at mukhang late na ako sa unang araw ng OJT ko sa isang private mental institution.

"Patay ako nito, sana hindi terror yung boss dun." Napabuntong hininga na lang ako sa naisip ko.

Pagkababa ko ng tricycle mula samin hanggang sa kanto ay pumara nalang ako ng taxi at nag baka sakaling hindi pa ako late.

Mukhang swerte naman ako ngayong araw na to dahil nakita kong nasa lounge pa ang mga kagaya kong estudyante na dito rin magpa- practicum at sa palagay ko sila ang makakasama ko sa loob ng 200 hours na OJT ko para sa Clinical Psychology na subject.

Kung tutuusin ay swerte naman na ako dahil natanggap ako dito bilang intern high profiled kasi lahat ng pasyente dito dahil nga isa itong private facility.

"Hi Miss OJT ka din ba dito? nag umpisa naba?" Tanong ko sa babaeng nakaupo sa may couch.

"Ay hindi pa sabi ni Ma'am babalik siya after 30 mins mag pakilala nalang daw muna tayo sa isa't isa since magkakasama tayo for 5 weeks." Sagot niya sa akin.

"Ah ganun? Lian Guevara nga pala." Pakilala ko habang inaabot ko ang kamay ko na akmang makikipag kamay.

Tinaggap naman niya ito ay nakilala ko bilang si Trish Bautista taga LaSalle at BS Psychology rin ang course. Nakilala ko pa ang dalawang makakasama namin si Ruel at Hazy.

Agad ko naman sila nakapalagayan ng loob siguro ay dahil narin sa apat lang naman kami na magkakasama sama para mag silbing student pyschologist sa buong facilty.

Ipinatawag na kami at itinuro ang mga rules and regulation ng facility pati na ang papers na pipirmahan namin na nangangako na sino man ang makita naming sikat na personalidad sa loob ay hindi na dapat makarating sa labas, confidentiality ika nga.

Inilibot kami sa buong facility at binigyan ng task na mag isip ng activity para sa mga pasyente kung saan hindi pwede ang may masaktan, lumabas ng facility o kinakailangan gumamit ng matutulis na bagay, kaylangan ang magawa namin ay para sa buong linggo at ayusin na rin ang third floor na ginagamit ng mga OT o Occupational Therapist.

Natapos ang buong araw dahil sa tagal ng pag iisip namin kung anong mga activity ang pwede namin ibigay sa mga pasyente.

Nagpaalam na kami sa isat'isa nauna na ako sa kanila dahil sa nakaramdaman na ako ng pagod dahil na rin sa puyat.

Ala siete na ako nakauwi dahil sa matinding traffic sa kamaynilaan.

Ten message received

Nakita ko pag bukas ng cp ko na marami ang nagtext na hindi ko na nagawang basabin sa byahe dahil sa sobrang pagod ko.

Madam Nic: Madam

Ford: walangya ka nalate ako!

At kung sino sino pa na nagpapasalamat sa napakasaya nilang holy week dito sa palasyo ko.

Mr. Perfect: Madam san ka? shot na tayo

Agad akong nag reply sa text na natanggap ko galing kay Jake, nakalimutan ko na ang plano kong pagtulog.

Ako: Sure!!!! san and what time?

Mr. Perfect: sa marikina sunduin kita ng mga 10 pm

Ako: kay sge text nalang idlip muna ako aga pa naman eh

Natulog muna ako dahil ala siete pa lang naman at pwede naman ako gumising ng mga alas nuebe para mag ayos.

"Parang tumutunog yung cp ko."

Perfectly Imperfect (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon