Chapter 10: So it's true

608 77 3
                                    

So it's true

Dumaan ang sabado at linggo na walang Jake na nagparamdam.

Pero may isang nangungulit sa akin sa facebook at hindi ko alam paano tatanggihan dahil crush ko talaga siya noong highschool palang.

Si Glenn gwapo, maputi, matangkad, mayaman, at part time model. Kung sa pag uugali naman ay hindi ko masasabing perpekto siya dahil lahat naman siguro ay may flaws, at barkada ko siya dati pa at taon narin kami hindi nagkita kaya pinaunlakan ko nalang ay pagyaya niya.

Monday na ngayon at papasok na ako sa Facility dala dala ang malaki kong backpack, na may lamang pamalit na damit para mamaya pag nagkita kami ni Glenn.

Pagkatapos ng nakakapagod na araw sa loob ng facility ay umupo muna ako sa couch at nagpalipas ng oras tutal mamayang alas sais pa ang usapan namin.

Pupunta lang naman kami sa Eastwood para kitain si Paul, na common friend namin na galing sa ibang bansa.

Nakatanggap ako ng text galing sa kanya at sinabing nasa labas siya ng facility, nagulat ako dahil usapan ay sa Eastwood na kami magkikita, at dahil ayoko na siyang paghintayin ay dinampot ko nalang basta ang gamit ko sa loob at sumakay na sa sasakyan ng hindi nag bibihis.

Habang umaandar ang sasakyan ay nagkamustahan kami dahil matagal tagal na din ang huling pagkikita naming dalawa.

Tinitignan ko siya habang nag mamaneho at kapansin pansin ang paglaki ng katawan niya at lalo pa siyang gumwapo. Siguradong madame ng pinaiyak ang isang to.

Pagdating sa Eastwood ay nag desisyon kami na kumain muna sa Krispy Kreme dahil matagal tagal na akong hindi nakakakain ng donut, huli na ang donut incident ko kay Jake.

Habang abala ako sa pakikipag usap kay Glenn ay agad kong nakita ang palapit na si Paul kasama ang isang tibo yata na naka scrub suit din kagaya ko, pinakilala nila bilang si Riel. "Nice may karamay na ako."

Nagpakilala lang kami sa isa't isa at agad na naghanap ng magandang bar sa Citywalk.

Umorder sila ng alak at ramdam ko na kung sasabayan ko sila paniguradong hindi ako makakapasok bukas at hindi pwede yun dahil isang linggo pagkatapos ng OJT ko ay flight ko na paibang bansa upang magbakasyon kila Mama at ayoko ng bawasan ang araw ng pahinga ko bago nga ang alis ko.

Hindi ko maiwasang hindi makipag kulitan kay Glenn dahil namiss ko ang isang ito, at hindi maiwasan hindi maalala ang mga nangyari nung highschool pa kami. Pinaalala pa niya kung gaano daw ako kapatay na patay sa kanya.

"Akala ko kanina pag lapit ko kung sino na kasama nitong si Glenn, kala ko may gf na, bagay na bagay kayo. Bat hindi nalang maging kayo." Usisa ni Paul sa amin.

Muntik ko na maibuga yung iiinom ko, una sa lahat ay ngayon lang uli kami nagkita at wala akong planong makipag relasyon lalo na kay Glenn na medyo may pagka isip bata.

"Tama nga, bagay na bagay kayo. Malay mo Lian mapatino mo ang isang to.." Gatong pa ni Riel habang nakaturo kay Glenn.

"Nako kung nung highschool niyo sinabi yan baka hindi lang relasyon ang ibigay ko dyan pipikutin ko na yan." Biro ko na nagpatawa sa lahat.

Nakita ko ang pag ilaw ng cp ko na palowbat na at 5% nalang. Biglang pumasok ang text ni Jake sakin.

Mr. Perfect: Hi Madam, balita?

"Balita mo mukha mo!" Bulong ko sa sarili ko habang nag uumpisang mag type ng message sa kamalas malasan naman ay nag off na ang phone ko at gustuhin ko man makitext ay hindi ko kabisado ang number niya. At wala akong kabisadong numero bukod sa number ni Mama at number ko.

Perfectly Imperfect (Editing)Where stories live. Discover now