Chapter 33: It's him always, over everyone

373 30 0
                                    

Author's note: Guys please vote and comment.

It's him always, over everyone

"Madam may kasalanan ako sayo." Malungkot kong sinabi kay Ford. "Nakasama ako kila Jake sa Pampanga niyaya nila ako na doon mag holiday."

Kumunot ang noo niya. "Tapos? anong sagot mo?" Hindi ako nagsalita tumingin nalang ako sa kanya ng parang nagpapaawa.

"Hay nako sinasabi ko na nga ba may ibang nararamdaman ako sa text mo madam."

"Sorry Ford." Nahihiya ako sa kaibigan ko, alam kong papayag siya na huwag na akong sumama pero alam kong magtatampo parin siya.

"Alam mo naman pilitin kapa namin sumama kung ayaw mo na diba siguradong hindi ka mag eenjoy sa Puerto kung palalampasin mo yung pagkakataon na makasama si Jake at makilala pa ng pamilya niya. Gaano kaba katagal don?" Tinaas ko ang isang daliri ko bilang sagot sa kanya.

"Isang linggo ka sa Pampanga sigurado ka? pamilyahan na ba yan? Hahahaha." Tumatawa siya pero alam kong sumama ang loob niya seven years na kaming mag bestfriend at basang basa ko na siya.

"Madam Ford sorry alam ko nakaplano na to pero nagbago nanaman isip ko, ako nagplano ng bakasyon pero sa iba pala ako makakarating. Sana maintindihan mo ko."

"Naiintindihan naman kita ngayon alam mo na yung pakiramdam ko? yung pagiging tanga ko kay Mark. Hindi ko laging sadya na piliin si Mark bago kayo pero mahal ko yung tao."

"Sorry dati pa naman kita naiintindihan pero siguro nga may mga pagkakataon na talagang mas pipiliin mo yung taong mahal mo bago yung mga kaibigan mo."

"Baka Madam yan talaga ang role ng kaibigan, hindi sila ang pinipili natin dahil hindi naman sila mawawala, lagi lang naman silang nandyan. Baka nga nawala na sayo ang asawa, bf pati kabit mo pero sila basta tunay hindi na mawawala. Baka tumatakbo kapalang pabalik e nasa harap mo na sila." Seryoso niyang sinabi.

Paulit ulit akong humingi ng despensa sa kanila dahil sa nangyari dahil sa biglaang pag back out ko at ni Nic dahil hindi na ako kasama.

Nandito si Nic ngayon at kainuman ko, nakwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa Pampanga. Masaya ako sa paniniwala ko na gusto ako ng pamilya ni Jake.

Wala akong narinig na salita o komento kay Nic tungkol dito, alam kong marami siyang gustong sabihin pero hindi niya ako kayang masaktan.

Nabanggit niya sa akin na inimbitahan siya ni Clint na sila nalang ang magsama sa holy week. Nagpasalamat ako kay Clint dahil isa yun sa kinakabahala ko ang mag isa si Nic ngayong holiday.

"Madam may itatanong ako pwede bang maging prangka ako sayo."

"Sige Madam ano yun?"

"Bakit mo ba talaga nagustuhan si Jake, sorry for the word pero hindi na siya yung Mr.Perfect na gusto mo, wala na yung lalaking nagustuhan mo." May diin niyang sinabi sa akin.

Nilagok ko yung isang baso ng beer bago ko sagutin yung tanong ni Nic.

"Paano ko siya nagustuhan? siguro dahil perfect siya, dahil nasa kanya lahat ng quality na hinahanap ko sa isang lalaki, o baka iba lang talaga siya sa lahat?"

"Hindi na nga siya ganun Madam—

Pinutol ko yung sasabibin ni Nic.

"Pero mali pala ako Nic, habang tumatagal yung pag sasama namin bilang magkaibigan unti-unti ko nalang kasi nakita na may mga pangit din sa kanya, na may mga pagkakamali din siya, na nakakasakit din siya, na kagaya ko rin pala siya at sa paraang yun, dun ko naramdaman na mahal ko na pala siya."

Hindi na sumagot si Nic, nakita ko yung lungkot sa kanya. Naaawa sa akin yung kaibigan ko at wala na siyang ginawa kundi makinig sa akin.

"Perpekto siya sa paningin ko madam sa paraan na may mga flaws and imperfections pala siya, hindi na siya yung lalaking nagustuhan ko kase nung nakita ko na may mga mali din siya dun ko na siya minahal." Naka ngiti ako pero mabigat yung dibdib ko, kumikirot at parang namamanhid na ako.

"Madam mahal ko si Jake, sorry kung laging siya nalang bago kayo."

Perfectly Imperfect (Editing)Where stories live. Discover now