Chater 26: It's always a choice

397 36 4
                                    

Author's note: Guys please vote and comment.

It's always a Choice

"Ang galing talaga ni Lebron number one." Sabi ko kay Nic at Jake nang hindi ko inaalis ang tingin ko sa panonood ng basketall dito sa loob ng bar.

"Sus! unggoy!" Bitter na sinabi ni Jake dahil naalala ko last season ng NBA ay pumusta siya ng ten thousand sa kalabang team.

"Pero kahit number one siya ikaw ang mas number one! galing mo eh." Sarcastic kong sinabi sa harapan niya.

"Nic narinig mo yun number one daw ako sa kanya." Ani Jake na nagyayabang kay Nic. "San ba ako number madam? sa puso mo?"

"Ang kapal mo talaga ang ibig ko sabihin sa basketball! feeling ka nanaman." Pagtataray ko sabay irap sa kanya.

"Hay ewan ko sa inyong dalawa ang gulo niyo, sinabi ng ayoko ng sumama eh dahil parang chaperone ako dito." As usual magkakasama kami kanina sa Ritz ng naisipan ko lumipat dito sa Antipolo at walang nagawa si Nic dahil hindi siya nakababa ng sasakyan para makauwi.

Pagkatapos ng gabing yun kung saan ay parang ginawa nalang biro ni Jake ang pagkakagusto ko sa kanya ay mahigit dalawang buwan ko siyang hindi nakita

At dahil patapos na ang unang sem ko bilang fourth year college student inubos ko nalang ang panahon ko sa eskwelahan at kay Jarell sa pagsuporta sa mga game niya ng basketball.

Nandito ako ngayon sa klase ko sa Values Education kung saan ang ginagawa lang namin ay magtanong ng kahit ano at sasagutin ng Professor ko.

Siya talaga ang paborito ko sa lahat dahil na eexplain niya ng maayos ang kahit na anong itanong mo sa kanya.

"Sige Lian ano yun." Ani Sir Art dahil nag boluntaryo ako magtanong.

"Sir paano mo masasabi pag nakatadhana talaga na makilala mo yung isang tao na mamahalin mo?"

"AYUN OHH INLOVE SI AN!"

"Yihieeee." Sigaw ng mga hinayupak kong kaklase.

"Syempre una sa lahat aalamin mo muna kung ano ba kasing goal mo nung mga panahon na nakilala mo yung tao na yon baka naman gusto mo na talagang mainlove o gusto mo ng manligaw kaya nang una mong makita o makilala yung tao hindi mo na siya makalimutan at naisip mo nalang na nakatadhana talaga na mahalin mo siya.

"E paano kung nasa iisang school lang naman kayo destiny parin ba yun Sir? syempre magkikita at magkikita kayo." Parang kami ni Jake hindi ko na siya nakalimutan unang kita ko palang sa kanya pero destiny parin ba na makita ko uli siya kung iisa lang ang circle of friends namin kung hindi man eh madami naming common friends.

"Ayun na nga yung punto nun dude nasa iisang lugar lang pala kayo bakit hindi mo siya napansin dati bakit kailangan pa ng isang pangyayari para makuha niya ang atensyon mo ng hindi niya rin sinasadya. Tadhana yun dahil hindi niyo sinadyang parehas pero eto ang malupit dyan dude yung mga susunod na pangyayari na makita mo siya hindi nalang basta tadhana yun maaring ginusto mo narin na makita uli siya kaya gagawa ka ng paraan. Hindi mo pwedeng ibase lahat na ay tadhana to nagkasalubong kami ni crush sa hagdan ng school t*ngina nasa iisang eskwelahan kayo malamang magkakasalubong kayo niyan." Nagtawanan kami lahat dahil ganito talaga mag paliwanag si Sir pero siguradong lahat ay nakikinig.

"Ang punto ko ay kayo parin ang gagawa ng kapalaran niyo. Maaaring sa una hindi sinasadya dahil parehas kayong walang ideya na nag eexist pala ang isa't- isa, yun ang tadhana dahil walang may gusto sa inyong dalawa na magkakilala kayo pero pinagtagpo parin kayo pero yung kasunod nun choice na yun dude kung gusto mo siya kausapin o kilalanin. Choice mo na kung makita mo uli siya ay gagawa ka ng paraan para magkalapit kayo o hindi, choice nga rin kung kakausapin mo siya nung pinagtagpo kayo ng tadhana."

Nakuha ko ang punto ni Sir sa sinabi niya siguro nga ay destiny na matatawag kung wala kang alam na may ganito palang klase ng tao hanggang sa makilala mo siya at di mo na makalimutan, pero ang mga susunod dun choice ko na kung susubukan kong kilalanin siya para mapalapit sa kanya.

Sa ilang months na hindi kami nagkita ni Jake ay tinetext ko siya paminsan minsan pero hindi na kagaya ng dati. I should give my heart a break dahil parang sa sobrang sakit ay magkasakit na ako sa puso, literal na sakit sa puso. Parang nagsawa ako bigla. Mas gusto ko mag focus sa sarili ko at sa pag aaral ko dahil limang buwan nalang ay gagraduate na ako ng college.

Nakatanggap ako ng text galing kay Ryan.

Ryan: Ninang ka ha dalawa kayo ni Nic tyka si Mr.Perfect mo haha. Ipopost ko sa fb yung details.

Napangiti ako habang binabasa ko yung message niya sinong mag aakala na yung taong gusto ko dati ay gagawin akong ninang ng anak niya yung taong dahilan kung bakit nagkakilala si Nic at Jake yung lalaking hilig ko na sundan sa bar kaya nakilala ko si Jake.

May mga pagkakataon nga talagang pagtatagpuin kayo ng tadhana pero hindi ibig sabibin ay kayo na ang itinakda, minsan siguro ay choice mo na rin kung ipipilit mo o isusuko mo yung isang bagay na hindi naman pwede.

Sabi nga ni Sir Art sa una ay maaaring destiny nga ito dahil wala kang ideya pero yung mga susunod dun ay choice mo na dahil ikaw ang gagawa ng sarili mong kapalaran.

Ikaw ang magdedesiyon kung gusto mong malaman kung para sayo ba ang isang tao sa pamamagitan ng pag alam kung oo o hindi. Kung oo choice mo kung gagawa ka ng way para sa inyo at kung hindi naman choice mo parin kung lalayo kanalang.

Perfectly Imperfect (Editing)Where stories live. Discover now