Chapter 14: Vacation, Family and History

475 59 2
                                    

Vacation, Family and History

Isang linggo, isang linggo na ako nandito sa Grand Cayman kung nasaan ang pamilya ko at ilang linggo pa ako mamamalagi para makapiling sila bago ako bumalik ng Pilipinas para tapusin ang huling taon ko sa kolehiyo.

Nakaupo lang ako ng tahimik sa loob ng sasakyan habang pinag mamasdan ang mga taong nadadaan namin na nasa labas ng mga bar at mukhang nagkakatuwaan na. Habang pinapanood ko ang mg tao agad sumagi sa isip ko na kung wala ako ngayon dito at nasa Pinas ako sigurado akong baliktad ang sitwasyon, alam kong ako ang nasa labas ngayon para magpunta sa bar at iba ang nakaupo sa kinauupuan ko ngayon pero iba ang sitwasyon ngayon dahil taon ko hindi nakasama ang family ko kaya dapat kong ipriority na makihalubilo sa kanila.

Byernes ng gabi ngayon at nakasanayan na nila ang pagkain sa isang mamahaling restaurant at dahil medyo kilala ang pamilya ko sa isla obligado na magsuot kami ng magarang damit, sapatos at hanggat maaari ay alahas, siguradong may makakakilala sa kanila kaya kailan ay nakapostura ang lahat lalo na ako dahil baka kailanganin nila ako ipakilala sa ibang masasalubong at makakabatian nila sa magarbong restaurant.

Kung tutuusin ay hindi ko naman talaga kapamilya ang mga taong kasabay kong maghapunan ngayon sa harapan ko, pero si Mama ay ikinasal sa stepfather ko na may dalawang anak na halos kaedad ko lang din at ngayon ay kapamilya ko na. May kapatid ako kay Mama at sa stepfather ko na sampung taong buwang gulang pa lamang. Kasundo ko naman sila at wala kaming problema dahil kung tutuusin ay itinuring naman akong anak ng stepfather ko at ganun din ako sa kanya.

Hindi lang talaga ako sanay na may kasamang pamilya, nasanay na akong mag isa dahil thirteen palang ako ay mag isa na akong namuhay. Five years old pa lang ako ng unang umalis si Mama at magpunta dito sa Cayman kung saan nagtatrabaho ang halos lahat ng kamang anak namin at wala siyang magagawa kundi iwan ako sa nanay niya na hindi rin naman niya kinalakihan. Naging mahirap para sa akin mamuhay kasama ang mga taong hindi naging maganda ang trato sa akin, pero wala akong magagawa dahil masyado pa akong bata para mag solo, at alam ko ang hirap ng buhay.

Hindi prinsesa ang naging buhay ko sa kanila, madami naging problema at naging komplikado ang lahat kaya pag tungtong ko ng second year highschool ay hinayaan na ako magsolo ni Mama dahil nalaman niya ang nangyari sa akin at hanggat maaari ay ibinaon ko na lahat sa pinakailaliman ng alaala ko lahat ng bagay nag nagpasakit sakin. Binigyan niya ako ng kalayaan kung saan ko man gustuhin mag aral, kung saan ko gusto pumunta o kung ano man ang gawin ko basta susundin ko ang lahat ng kagustuhan niya kabilang na ang huwag na huwag mag aasawa ng maaga at magtapos ng pag aaral. Dahil sa dami ng nangyare sa buhay ko isinet ko na ang sarili ko mga dapat at gusto kong gawin. Gusto ko na kahit hindi maganda ang naging kapalaraan ko noon ay magiging maayos naman ang hinaharap ko.

Masasabi ko na isang happy go lucky ako na tao gaya ng iniisip ng iba dahil ginagawa ko ang lahat ng gusto ko at magpapasaya sa akin ng may LIMITASYON, pero sa kabila nun kahit kailan ay wala akong naibigay na problema kay Mama lalo na sa pag aaral.

Buong buhay ko ay bilang na bilang lamang ang masasabi ko na tunay kong naging kaibigan, yung iba lalapit lang pag may kailangan, meron naman kapag wala lang makakasama ay tyaka ako naaalala at hindi ko sila masisisi dahil malayo ako sa lahat ng tao noon pa. Kaya ng makuha ko ang freedom na ibinigay ni Mama, nagpasya akong basagin ang pader na nakaharaang sa akin para sa posibilidad ng mga bagong kaibigan. Pinili kong mapabarkada sa may mga edad sa akin dahil sawa at pagod na ako sa drama ng buhay, sawa na ako umintindi, sawa na akong magparaya sa lahat ng bagay, kaya pagkakataon ko na siguro upang kumilala ng mga taong mas uunawa sa akin, mas iintindi at mas pahahalagahan ako gaya ng ginawa ko noon, at kabilang sa mga taong yun si Nic at ang Ecnelis Band, si Ford at Jay kasi ay kababata ko na talaga noon pa man.

Pag dating naman sa usapin ng mga kamag anak ay malayo talaga ang loob ko sa kanila siguro nga ay dahil matagal akong nalayo sa kanila lalo na sa totoong ama ko at hindi ko na inalam paano sila naghiwalay ni Mama dahil sa palagay ko ay wala naman mababago malaman ko man o hindi dahil ako ay ako, nakabuo na ako ng sariling pagkatao at wala ng makakapagpabago. Ang tanging kapamilya lang na malapit ako ay kay Ate Jenn at Kuya Jp dahil kahit na nawalan kami ng komunikasyon at ano pa man ang mangyari ay laging sila ang nakakaunawa sa akin.

Kung tungkol naman sa buhay pag ibig, hindi ako naniniwala sa relasyon pero nirerespeto ko ang paniniwala ng iba ukol dito, tingin ko naman ay lumaki ako at ang mga pinsan ko ng maayos, dahil halos karamihan ng kamag anak ko both sides ay broken family. Idagdag mo pa na marami akong nakilala na hindi rin nagtagumpay sa pakikipag relasyon ang ilan dito ay personal ko pang kakilala. Mas pinaniniwalaan ko na pwede kang magmahal at mag effort ng hindi humihingi ng relasyon sa taong yun, dahil hindi sukatan ang titulo kung paano niyo pang hahawakan kung ano man ang mayroon kayo. Mas mahalaga sa akin ang salitang give and take, kung ano ang ibinigay ko ay siyang makukuha ko. Kung minahal mo ako mamahalin din kita. Kagaya ng nangyari sa amin ni Ryan ng sinabi niyang hindi na niya masusuklian ang ginagawa ko ay tinigilan ko na siya, siguro ay napag tanto niya na hindi ko rin kayang pumasok sa relasyon at hanggang doon nalang ako. Nang makilala ko si Jake pakiramdam ko ay nakaharap ko ang lalaking version ko, at inisip ko nalang na siya ang tamang lalaki para sakin.

Lumipas pa ng lumipas ang panahon at ilang araw nalang bago ang pag uwi ko, at kailangan mo na talagang bumalik dahil tatlong linggo na akong huli sa klase.

Nakahiga ako ngayon sa kama nila Mama at nakikipaglaro sa kapatid ko.

"Lian sino si Jake?" Biglang tanong ni Mama.

" Wala barkada ko." Patay malisya kong sagot sa kanya.

"Sigurado ka?" Habang sinusukat ako ng tingin. "Bakit iba ang nakikita ko sa facebook yung mga pictures niyo yung mga pinopost mo?" Dagdag pa niya na lalong bumuwag sa depensa ko.

"Okay fine! nakilala ko dati ayaw naman sa akin eh friends lang daw. Hayaan mo na yun, tapos na yun." Pag amin ko nalang.

"Oo hayaan mo na talaga ang bata mo pa mag-aral ka nalang muna ang laki na ng nagastos namin sa'yo." Sagot ni Mama at bagsak ang balikat nalang  akong tumango.

"Akala ko pa naman maiintindihan niya ako, dahil siya ang nanay ko." Pagdamdam ko nalang sa sarili ko.

Narinig kong may mahinang pahabol si Mama na sinabi sa akin. "Isa pa kung gusto ka niya, ay gusto ka niya hindi na mababago yun at kung kayo ay kayo talaga.... dadating ang tamang panahon para dun."

Tumingin nalang ako kay Mama at tumango at saka inilagay sa isip ko ang sinabi niya. "Timing parin pala.."

Pag natapos ang bakasyon ko na to alam kong magsisimula na ang bagong kabanata sa buhay ko kasama ang lahat ng nag aantay sa akin sa Pilipinas at ang lalaking mukhang aagaw sa mga prinsipyo at paniniwala ko.

Andito na ako ngayon sa Airport kasama ang pamilya ko.

"Lian, you soon come back okay? just finished your studies and go back. I love you my daughter." Anang stepfather ko, sabay halik sa noo ko.

"Gusto mo paba bumalik?" Tanong ni Mama hindi ko alam kung ang ibig sabihin niya ay kung gusto ko paba bumalik ng Pinas o kung gusto ko pang bumalik dito sa Isla. Tango nalang ang isinagot ko dahil kung ano ang gusto niya ay yun din naman ang susundin ko.

Tapos na ang summer vacation ko kapiling ang family ko at tama na siguro ang pag isip ko sa mga bagay na nakaraan na dahil kahit anong gawin ko hindi ko na to maibabalik.

Ang iisipin ko nalang ngayon ay ang makabalik na sa mga taong malaking parte na ng buhay ko at gumawa pa ng masasayang alaala na sila ang kasama and I believe this is the right time para doon. Who knows baka ang memories na gagawin ko can be the greates history of my life na pag inalala ko magpapabalik sa akin ng milyong emosyon na naramdaman ko ng ginagawa ko ang mga bagay na yun.

Perfectly Imperfect (Editing)Where stories live. Discover now