Chapter 25: Greatest pain

449 35 1
                                    

Author's note: Guys please vote and comment.

Greatest pain

"Wag ka munang sasakay bumili ka ng alak sa tindahan." Bungad ni Jake sa pinsan niya na nawala ang ngiti dahil sa utos niya.

Natawa nalang ako dahil ala siyete palang ng umaga at eto kami nag iinom parin at nagbabalak ipagpatuloy habang nasa byahe.

Nakasanayan ko na talaga siguro at ni Jake na kapag kami ang magkasama ay walang dapat malasing, walang tulugan at higit sa lahat walang liguan.

Nakasimangot na bumalik ang pinsan niya at umupo sa likod dahil sa gustong mangyari ni Jake. "Ikaw ang tanggero mag iinom tayo habang nagdadrive ako papunta ng montalban."

Habang nasa byahe ay wala kaming ginawa kung hindi magtawanan dahil sa pagkanta ko. Sabi nila ay aabutin ng dalawang oras ang byahe namin pero kahit nalaman ko ito ay di man lang ako nakaramdam ng pagod at antok siguro ay dahil makakasama ko ng buong araw si Jake at parang nag joyride na rin kami.

Pag dating sa lugar kung saan kami pupunta ay hinanap namin ang gotohan ng tyuhin ni Romer.

Nang mahanap namin itong pwesto ay inalok nila kaming kumain pero tumanggi ako.

"Kumain ka Madam masarap to hindi nga lang pangmayaman." Biro sa akin ni Jake.

Sa huli wala akong nagawa kung hindi kainin kunwari ang goto habang pasimple kong nilalagay lahat sa mangkok ni Jake na alam naman niya.

"Hay sa wakas nakapag hilamos din." Sabi ko sa kanya habang magkatabi kami sa upuan dahil hinatid kami dito sa bahay ng tyuhin ni Romer para makapag pahinga daw kami na mukhang malabo.

"Ohh Mer bumili kang isang case." Abot ni Jake ng isang libo sa pinsan niya na hindi makapag reklamo sa kanya.

Naiwan kaming dalawa dito at sa palagay ko ay awkward ang sitwayon. Hindi na kagaya ng dati na kahit kami lang ay hindi nauubusan ng pag uusapan ngayon ay parang kailangan pa ng pakiramdaman.

"Madam alam mo ba sa isang daang natulungan ko dalawa lang hindi nagtanong bakit hindi pa ako nag aasawa." Basag niya sa katahimikan namin. "Alam mo kung sino yun?"

Pagkasabi palang niya nito ay ramdam ko na kaagad kung sino ang tinutukoy niya. "Hmmmm mama at papa mo tama ba ako?" Nag aalangan kong sagot sa kanya na nakangiti lang sa akin.

"Uo sila nga lahat kasi ng pamangkin ko sa pinsan, mga inaanak, tito, tita at kung sino sino pa kapag may ibinigay ako sa kanila sobrang saya nila nagpapasalamat talaga pero ang kasunod nun kailan ka mag aasawa."

"At ang parents mo lang ang hindi nagtanong sa'yo nun ganun ba?" Seryoso kong tanong sa kanya para kumpirmahin ang sinabi ko.

"Oo madam pakiramdam ko kailangan pa nila ako parang nandito talaga ako para tumulong sa kanilang lahat." Seryoso niyang sinabi sa akin.

Pagkasabi niya nito sa akin ay parang nabawasan ng kaunti ang pader na nakaharang sa amin ni Jake mayroon na naman akong nalaman tungkol sa kanya. Masaya ako dahil bihira lang siya magkwento ng tungkol sa personal niyang buhay.

Bukod sa parents mo kaya ba hindi ka nag aasawa kase may inaantay ka?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.

"Kailangan pa nila ako tumutulong din ako sa pag papagawa ng bahay sa Pampanga, marami lang talaga akong pangarap kaya wala pa sa isip ko yan kahit na sinasabi nila na tumatanda na ako." Hindi niya nasagot ang tanong ko.

"E yung ex mo ano ba ngyari dun?" Lakas loob kong tinanong sa kanya.

"Nasa ibang bansa na pero nagkakausap kami paminsan minsan sa facebook tsaka pag umuuwi siya ako ang sumusundo sa kanya. Naalala mo nung dumating ka at sinundo kita ang dami nagtext sa akin ng gabing yon akala nila siya ang dumating." Ngumuso nalang ako sa sagot niya dahil hanggang ngayon ay may communication parin sila.

Perfectly Imperfect (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon