Chapter 12: Never expect. Never assume. Never ask. Never demand.

515 62 3
                                    

Author's note: Guys please vote and comment.

Never expect. Never assume. Never ask. Never demand.

Natapos ko na ang Ojt ko sa facility naging maganda ang resulta ng case presentation ko at nakatanggap ako ng ilang papuri na ikinasaya ko dahil pinaghirapan ko talaga ito.

Dahil isang linggo na lang bago ang flight ko pa ibang bansa nagdesisyon ako na dito nalang sa bahay nila Ate Jenn magpalipas ng mga araw.

Pagkatapos ng incident ko with Jake hindi na kami nagkita o nagkatext man lang kaya nag decide ako na mag iwan ng mensahe sa kanya.

Nakipag ayos ako or I should say na sinabi ko na kalimutan nalang niya yung sinabi ko dahil nabigla lang ako. Kahit na ayaw tanggapin ng sistema ko na ganoon lang ang nangyari.

Ako: Jake galit kaba saken? di kana nagttxt e. Sorry dun sa sinabi ko tyka kalimutan mo na yun, nabigla lang ako, alam mo na praning.

Mr.Perfect: Madam oks lang ako. Nawala cp ko kaya hindi ako narereply kung nagttext ka. Kakagaling ko nga lang sa globe pra same number padn.

Dahil sa text ko na yun naging maayos kaming dalawa pero hindi na muling nabanggit ang text ko tungkol sa pag tatapat ko sa kanya.

Matagal din kaming hindi nagkasama kaya niyaya ko siyang lumabas. Usapan ay alas dyis susunduin na niya ako sa bahay ng mga pinsan ko pero alas onse na ay wala pa siya.

"Sabi ko sayo tayo nalang mag inom eh." Sabi sa akin ni Ate Jenn na kanina pa nang aasar dahil wala pa si Jake.

"Ne di na dadating yun nauntog na siguro." Gatong pa ni Kuya Jp.

Sumimangot nalang ako at hindi na pinansin ang mga pinsan kong kanina pa nang aasar.

Pagdating ng eleven thirty ay nakatanggap na ako ng text galing kay Jake na humihingi ng sorry dahil hindi siya makaalis sa bahay ng kaibigan niya, pero papunta na daw siya.

Ilang minuto pa ay sinabi niyang malapit na talaga siya.

"Lalabas na ako andyan na si Jake." Paalam ko sa mga pinsan ko. Sana lang ay may magbenta pa ng alak dahil may liquor ban ngayon dahil botohan na bukas.

"Ay magpapaload pala ako." Biglang sabi ni Kuya Jp at nauna ng lumabas sa akin.

"Hon tara kunin mo na yung sinasabi mo saken na nasa sasakyan." Ani ate Jenn sa bf niya.

Takang taka naman ako sa mga pinsan ko na ngayon pa naisipan lumabas, at tama nga ako ng hinala pag dating ko sa labas ng gate ay nakatayo lahat sila doon at mukhang nag aabang.

"Anong trip niyo? chichismis lang kayo eh!" Inis kong sabi sa kanila.

"Tignan lang namen kung gwapo si Jake." Sabi ni Ate habang sabay sabay silang tumatawa.

Maya maya lang ay tumigil na sa harapan namin ang sasakyan ni Jake at agad akong sumakay para hindi na siya bumaba ng sasakyan.

"Bakit nasa labas silang lahat?" Bungad ni Jake pagsakay ko palang.

"Nakikichismis lang gusto ka daw makita." Walang gana kong sagot.

"Sige dito kana lang magpapakilala lang ako." Sagot niya sa akin at palabas na ng sasakyan.

"Teka wag na! aasarin lang ako niyang mga yan." Hila ko sa kanya para hindi siya makalabas.

May narinig kaming katok sa salamin ng sasakyan at agad ibinaba ni Jake ang bintana.

"Umuwi ka ng maaga ha yung susi dala mo ba? mag ingat ka." Sabi ni Kuya Jp na mukhang seryoso pero alam kong hindi naman talaga, sabay tingin kay Jake.

Perfectly Imperfect (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon