Chapter 11: Challenge

610 68 7
                                    

Challenge

Linggo na ng tanghali at plano kong magpunta sa bahay ng mga pinsan ko at doon na magpalipas ng gabi para kinabukasan ay diretso pasok na ako sa facility.

Kailangan ko talaga magpunta doon lalo na't may laban ang Ginebra mamayang gabi.

Agad kong inilagay ang scrub suit at mga babaunin na mga damit sa backpack ko.

Pagdating sa bahay nila ay tinanong ko si Kuya Jp na pinsan ko at nakakabatang kapatid ni Ate Jenn. "Asan si Ate?"

"Nasa taas tulog puyat nanaman."

Umakyat ako sa taas at nakita kong tulog na tulog nga ito.

"Paniguradong puyat din to sa pag gimik." Bulong ko sa sarili ko habang sinisiksik ang pinsan ko sa higaan para magising.

Naramdaman ko ang pag galaw niya. "Ate Jenn gising na!" Sigaw ko sa kanya.

Si Ate Jenn ay pinsan ko sa father side, at sa lahat ng magpipinsan kami ang pinaka malapit sa isa't isa, and I never count her as my cousin. I always introduced her to everyone as my sister dahil wala kaming lihim sa isa't-isa and she treated me like a sister of her own too.

Kagaya nalang ngayon na nagising na siya at agad kong naikwento si Jake.

"Haha talaga hindi ko pa nga nakikilala yung Ryan may panibago nanaman?" Gulat niyang tanong sa akin.

"Hindi naman hindi siya bago sinabi ko bang may gusto ako? friends lang kami friends." Final kong sabi. "Tyaka sinasabi ko lang kinikilig ako sa kanya." Giit ko pa.

"Ayan ka nanaman sa friends mo." Sagot niya nalang sa akin na halatang hindi kumbinsido.

Inabot na kami ng gabi sa pagkukwentuhan at oras na ng laban ng Ginebra kita kong handang handa na si Kuya Jp sa panonood.

Hawak hawak kamay kami pati narin ang lola ko habang sumisigaw ng Ginebra na ngayo'y panalo na at pasok sa semi finals.

Dahil die hard fan kaming lahat naisipan nilang icelebrate ang pag pasok ng team sa semi finals at sakto naman ang pag dating ni Kuya Mark, bf ni Ate Jenn.

Dahil malapit lang naman ang restaurant sa simbahan ay nagpasya na muna kaming makinig sa misa na mukhang patapos na.

Habang papasok kaming apat sa gate ng simbahan ay bigla akong siniko ni Ate na parang natataranta. "Parang kilala ko na sino si Jake."

"Tssss. Pauso mo paano mo malalaman e di mo kilala yun." Kontra ko pa sa kanya.

"Tignan mo yang cp mo tutunog yan, dali!" Sagot niya sa akin na para bang sigurado.

At hindi nga nagtagal ay tumunog ang iphone ko at may mensahe galing kay Jake na nagsasabing suplada ako.

Agad kong inilibot ang mata ko para hanapin siya sa kasamaang palad wala akong suot na contact lense o kahit salamin man lamang, at nag umpisa ng mag labasan ang mga tao sa simbahan.

"Ate asan!" Agad kong tanong sa pinsan ko.

"Wala na ang bagal mo kase."

"Asan nga? paano mo nalaman na siya yun?" Pangungulit ko sa kanya.

Dahil tapos naman na pala ang misa ay bumalik nalang agad kami sa restaurant dahil baka mawalan pa ng pwesto.

"Nung naglalakad tayong apat papasok ng simbahan may nakita akong lalaki nakasandal sa pader sayo nakatingin kakaway sana sayo pero mukhang di mo naman nakikita so hindi niya tinuloy at nakita kong may pinipindot siya sa cp niya habang nakatingin sayo." Mahabang paliwanag niya.

Perfectly Imperfect (Editing)Where stories live. Discover now