Chapter 38: You lose your pride

348 25 0
                                    

Author's note: Guys please vote and comment.

You lose your pride

Hindi ako nagpagpahatid sa bahay dito ako dumiretso kila Ate Jenn wala silang lahat, ang lola ko lang ang nandito.

Lumapit lang ako sa kanya at humiga sa tabi niya. Ayoko munang umuwi sa bahay ayokong mag isa hindi na yata ako sanay.

Ayoko pa sanang umuwi pero hindi ko na macontain yung nararamdaman ko sasabog na ako ano mang oras at ayokong ipakita yun sa lola ko. Ayokong mag alala siya.

Nagpaalam nalang ako na uuwi na pala dahil may kailangang tapusin.

Nang makarating ako sa bahay nakatanggap ako ng text kay Ford birthday ng Mama niya at niyaya niya ako na pumunta sa kanila.

"Oh Madam kamusta? anong nangyari sa bakasyon mo? hindi kana tumawag uli."

Tinitigan ko lang siya hindi ako makapag salita hinila nalang niya ako at dinala sa rooftop nila dahil tahimik doon.

"Madam..." Hindi ko na napigilan pumatak na yung luha ko sunod sunod parang hindi na siya titigil.

Niyakap nalang ako ni Ford at hinagod yung likod ko.

"Madam sabi ko kaya ako sasama kay Jake para malaman ko kung ano naba talaga may pag asa ba ako. Nalaman ko naman yung totoo pero ang sakit pala tapos.... tapos hindi naman niya ako pinapansin dun pinapabayaan niya ako. Ginawa ko lahat nakisama ako sa mga tao dun pati barbeque pinag aralan ko ituhog pati sasakyan niya kinar wash ko pero kahit thank you wala akong narinig sa kanya. Madam ang sakit sakit na talaga parang sasabog yung dibdib ko hindi ko na mahanap kung ano yung masakit. Gusto ko na talaga tumigil pero hindi ko magawa." Parang bata kong sinabi sa bestfriend ko habang tuloy tuloy yung luha ko na hindi na ata maubos ubos.

"Madam kelan kaba uuwi samin ng hindi umiiyak dahil kay Jake? kelan kaba lalapit sa akin ng masaya ka pagkatapos niyong magkasama ni Jake? tama lang siguro na sumama ka atleast alam mo na lahat nakita mo na kung sino talaga siya."

Pagkatapos ng gabing yun nakatulog ako ng mahimbing siguro ay dahil gumaan yung damdamin ko dahil sa pag iyak ko kay Ford.

Kinabukasan inimbitahan ako nila Nic na sumama sa kanila at magpunta sa bagong bar na kinahihiligan namin.

Pagpasok ko palang inasar na nila ako.

"Oh kamusta ang Pampanga at ang in-laws." Kagaya kagabi umiyak na naman ako.

Tahimik sila lahat habang pinapakinggan ako, sinabi ko lahat ng nangyari.

"Kaya tigilan mo na ang pagpunta doon." Sabi ni Nic.

"Kaya lang naman ako sumama kase pagkakataon ko na magustuhan ng pamilya niya."

"Madam magustuhan ka o hindi ng family niya hindi naman mahalaga. Kahit ayaw nila sayo at gusto ka ng tao wala silang magagawa. Sige nagustuhan ka nga ng pamilya niya ang tanong nagustuhan kanaba ni Jake?"

Hindi na ako nakasagot sa tanong niya dahil nahuli niya ako sa pagkakataon na to.

"Hindi ko na alam gagawin ko parang may nawawala na saken pag uwi ko dito sa Manila hindi ko alam kung ano mababaliw na ako kakaisip."

"Pride Lian. Yan ang nawala sayo. Pride." Seryosong sinabi ni Clinton sa akin.

Tahimik silang lahat. Iba talaga si Clint tahimik lang siyang tao hindi madalang magsalita pero kapag siya na ang nagpayo hindi kana makakasagot dahil totoo.

"Masyadong nang malalim yung hinukay mo tigilan mo na yan baka hindi ka na makaahon." Sabi niya pa ng hindi tumitingin sa akin.

Sa pagkakataon na to nagkamali na si Clint dahil lubog na lubog na ako at hindi na makakaahon. Huli na ang lahat para ipaalala pa niya.

Perfectly Imperfect (Editing)Where stories live. Discover now