Wakas: The one that got away

968 31 11
                                    

The one that got away

Nakaupo lang ako dito sa lounge ng gate kung saan naghihintay ng oras para sa flight ko. Oras palayo sa mga taong mahalaga sa akin.

Kailangan kong umalis para sa mga pangarap ko, kailangan ko silang sundan. Bata pa ako marami pang panahon, maraming pagkakataon at ayokong magsisi sa huli dahil hindi ko kinuha ang pagkakataon na meron ako.

Pinangako ko sa lahat na babalik ako, babalik ako ng ako parin walang magbabago babalik ako sa kanila sa paraan kung paano nila kong minahal lahat.

Nakatext ko ang lahat, si Papa hindi na kami nagkita pero sinabi ko na mahal ko siya. Si Ate Jenn, si Nic, si Ford at ang iba pa lahat may kanya kanyang bilin may nagdaramdam dahil hindi na ako nakita, may masaya dahil nasa next chapter na uli ako ng buhay at meron naman nagbilin ng size ng sapatos.

Iooff ko na sana yung cellphone ko dahil tinawag na yung number ko para makapasok sa Jetbridge papunta sa eroplano pero may isang text na humabol.

Jake: Nasa airport kana siguro niyan madam, gusto ko lang magpasalamat sa lahat at sa effort mo. Hindi na ako magbabago, kapag nagbago ako ay hindi na ako si Jake. Magkikita pa tayo.

Natawa nalang ako tama naman siya kung magbago siya ay hindi na siya yung lalaking minahal at hinabol ko yung lalaking nakilala ko sa isang summer ng buhay ko, yung lalaking nabigyan ako ng libo libong emosyon at kakaibang experience at thrill ng buhay.

Hindi na ako umiyak dahil sabi nga ni Nic wala akong kasalanan sa nangyari.

Naka move on na nga siguro ako sa paraan na tanggap ko na may mga bagay na hindi para sa akin may mga bagay na hindi natin maipipilit.

May mga tanong na nakatadhanang hindi mabigyan ng kasagutan dahil ito yung magiging susi para magpatuloy sa buhay. Magpatuloy na hanapin yung mga sagot, at hindi natin namamalayan na yung mga natutunan na pala natin sa paghahanap ng sagot ay yung mismong sagot sa mga katanungan natin sa buhay. Paikot ikot pero totoo.

May mga tao na darating sa buhay mo para mahalin mo at kung swertehin ka ay mahalin kaniya pabalik.

Meron din naman na pagtatagpuin kayo pero hindi ibig sabihin ay para na kayo sa isa't isa.

Kagaya ko nalang may nakilala akong lalaki, hinangaan ko, kinilala ko, nagustuhan ko, inisip ko na perpekto siya at nasa kanya ang hinahanap ko sa isang lalaki ngunit sa huli ay mali ako dahil hindi pala siya yun dahil kagaya ko ay may mga flaws at imperfections siya pero ng makita ko yung totoong siya at ng tanggapin ko yun ay doon ko pa lang naintindihan na minahal ko na pala siya.

Ang pagmamahal pala walang pinipili, walang qualification, walang limit, walang oras, lugar at pangyayari. Kapag tinamaan ka ay wala ka ng magagawa.

Minsan masaya kami, magkasundo, magkaaway, nagkakalayo pero sa huli sa kanya parin ako bumabagsak, bumabalik. Nilayuan na niya ako, itinaboy, nasaktan pero pagkatapos ay kami nanaman ang magkasama.

Tinanong ko na rin yung sarili ko kung hindi siya para sa akin bakit hindi ako makatigil, bakit hindi ako makalayo. Kung hindi ako para sa kanya bakit hindi yun ang sinasabi ng isip at puso ko bakit hindi yon ang nararamdaman ko.

Hindi niya rin sinasadyang mabago yung paniniwala ko. Nagbago ako, naniwala na may second chance pa ako sa buhay para mangarap na magkaroon ng masayang pamilya lalo na ng maiparanas niya sa akin ang magkaroon ng masayang pamilya.

Nangarap ako na sana siya yung makasama ko habang buhay. Simpleng buhay, pamilya at mga anak, magkasama kaming tatanda pero sabi nga nila hindi lahat ng kailangan at gusto mo ay makukuha mo.

Maaari din namang matupad pero sa ibang tao nga lang.

Hindi ko alam kung ilang libo o milyon ang dahilan kung bakit nangyayari ang mga ganitong bagay may kaniya kanyang rason bawat tao, bawat pangyayari, bawat kwento.

May katanungan na hindi na masasagot, may taong hindi mo na makakalimutan, may taong hindi na mawawala yung pagmamahal mo pero hanggang doon nalang kayo.

Oo, hindi naging kami. Hindi kami kagaya ng ibang story na may happy ending, hindi happy ang ending ng love story ko kagaya ng inaasahan ng lahat sa isang istorya ng buhay.

Pero masaya ako sa naging resulta, masaya ako na isang beses sa buhay ko may isang lalaki akong nakilala na hindi na mawawala ang pagmamahal ko, magmahal man ako ng iba lagi na siyang may puwang dito sa puso ko.

Hindi naging kami walang nakasagot kung ano nga ba yung eksaktong dahilan, hindi ko na rin sinubukang alamin ang pinag dadasal ko nalang kung hindi siya para sa akin ngayon sana sa susunod na buhay ay para sa akin na talaga siya. Para na kami sa isa't isa.

Perfectly Imperfect (Editing)Where stories live. Discover now