Chapter 37: I'm stupid

335 26 0
                                    

Author's note: Guys please vote and comment.

I'm stupid

Jake: Nic bakit umiiyak si Madam? ikaw yung kausap niya dba?

Nic: aba malay ko! sinama sama mo jan di mo naman pala aasikasuhin.

Jake: masama pakiramdam ko, alam nman niya un

Nic: bahala ka! kayo mag usap

Jake: wag mo sasabihin nagtxt ako

Jake: sinabi mo pa talaga na nagtxt ako

Nic: huh? wala naman akong sinabi

Hiniram ko ang cellphone ni Jake para makitext pero sinandya kong magbasa ng mga messages at nakita ko ang convo nila ni Nic.

I really wonder bakit ayaw na ayaw niyang ipapaalam na napapansin din naman pala niya ako, yung mga bagay bagay tungkol sa akin. Bakit lagi niyang pinapakita sa akin na wala lang ako sa kanya.

Ganun ba talaga ako kadesperada sa tingin niya na bawat gagawin niya sa akin iaassume ko na may something kaya mas mabuti na umarte siyang wala siyang pakialam.

Hindi ba pwedeng minsan ay concern din siya hindi dahil sa may gusto ako sa kanya kundi dahil magkaibigan kami.

Huling gabi na namin dito sa Pampanga napag kasunduan ng lahat na sumama sa oval at tumulong sa tindahan.

Habang nasa harap ako at abala sa pagpindot ng cellphone ko para mag add at minus ng sukli nagsalita si Janjan, pamangkin ni Jake.

"Madam bakit hindi kayo nag uusap ni Tito?" Sabi niya habang nakatingin sa nakaupo niyang tito.

"Hindi ko rin alam."

"Siguro magkatext kayo no?"

"Hindi rin tignan mo ohh nag kocompute ako ng sukli." Bakas sa mukha niya ang pag tataka.

"Bakit ganun? ang gulo."

"Wag mo ng itanong parehas lang tayong naguguluhan haha." Pekeng tawa ko.

"Madam gusto mo ba si tito?"

Naging tapat ako sa kanya. Tumanggi man ako o hindi halata naman kasi. "Tatagal ba ako dito at gagawin ko ba lahat ng to kung hindi pero sa tingin ko last ko na to."

"Wag Madam! sumusuko kana kaagad sinama ka nga niya dito. Hindi yan nagsama ng kahit sino bukod kay Ate Tin at sayo tas isa pa gusto ka ng lahat dito."

Nginitian ko nalang siya. Ako din gusto ko silang lahat sa limang araw ko dito pakiramdam ko may ko koneksyon na ako sa kanila.

Pag uwi sa bahay nagkayayaan silang mag swimming pumayag kami ni Jake.

Pagdating sa resort nagbihis kaagad kami ni Jane at ang iba pa para makapag babad na kaagad sa tubig.

Habang nasa pool kami may lumapit sa akin napansin niya siguro na nakatingin ako kila Jake na nasa cottage.

"Madam pinapakinggan mo kung anong pinag uusapan nila no?" Walang ibang tao sa resort nun kami lang kaya medyo tahimik at rinig namin ang usapan ng bawat isa.

"Hindi ahhh." Lumangoy ako palayo sa kanya.

Bumalik ako sa cottage at umupo malayo kila Jake pero sapat para marinig ko sila.

Nag uusap sila tungkol sa mga naging babae ni Jake.

"Eto pre nagustuhan ko to ka officemate ko pinadalhan ko pa yan ng cake at bulaklak sa opisina pero di ko na natuloy ligawan." Maingay na sinabi niya.

Napansin ko na nakatingin lahat sa akin tingin ng nag tataka lahat sila nag aassume na may something samin ni Jake kaya bakit ganoon ang usapan.

Maingay si Jake nakainom at patuloy sa pagbibida ng mga larawan ng mga naging babae niya.

"Eto pre ex ko maganda yan tsaka matalino nakapunta na yan dito gustong gusto yan sa bahay kaya lang nasa singapore na siya pero nag uusap parin kami." Mayabang niyang sinabi.

"Eh si Madam ano mo ba si Madam?" Tanong ng kausap niya, nagtatanong siya na para bang wala ako malapit sa kanila.

Natahimik, lahat nakikinig. Hindi naman ako bulag para hindi mapansin na nagpepretend lang sila na may kanya kanyang ginagawa pero ang totoo ay pare parehas kaming nakikinig sa isasagot ni Jake.

"Wala bakit?" Walang interes niyang sagot.

"Akala ko gf mo pre todo effort eh." Nagtawanan sila at ang iba pa.

"Hindi no ayos ka naman. Wala lang yun." Sinagot niya ng totoo yung tanong sa kanya, pero may mali. Sobrang insensitive. Parang wala ako dito parang hindi nila ako nakikita, parang hindin ko sila naririnig.

Pagkatapos niyang sabihin yun lahat ng mata sakin nakatingin, tingin na may halong awa at pagtatakha.

Nasaktan ako pero hindi ko pinakita. Patuloy akong nakipag kwentuhan sa kaharap ko na parang napipilitan lang dahil naaawa sa akin at sinasakyan lang ang ginagawa ko o maaaring dahil hindi pa nag sink in sa kanya yung mga narinig niya.

Parang gustong mag unahan pumatak ng luha ko pero pinigilan ko. Mas gusto kong mamatay nalang sa sama ng loob kaysa ipakita sa kanila yung feelings ko, na nasasaktan din ako at hindi ako manhid.

Nagpanggap ako na hindi ko sila naririnig, kahit alam kong ako yung pinag uusapan nila, nagpapanggap akong hindi nasasaktan sa mga pag tanggi ni Jake.

Pakiramdam ko ay mas gusto ko nalang maging bobo kesa tanga. Dahil ang bobo walang ginagawa, pero ang tanga lahat ginagawa. Lahat ginawa ko para sa kanya kaya naging tanga ako.

Nang pakiramdam ko ay humupa na ang emosyon ng lahat sa mga narinig nila nagpaalam ako na mag babanlaw na.

Dinampot ko yung bag ko at mabilis na naglakad tsaka bumuhos yung luha ko, naaaawa ako sa sarili ko pakiramdam ko wala akong kakampi ng gabi na yun. Sino ba naman ako hindi naman ako taga dito at ipinilit ko lang ang sarili ko na sumama.

Gusto kong magsumbong kay Ford o kay Nic pero hindi maaari dahil ako ang may gustong sumama dito. Ito yata ang unang beses na naramdaman kong kawawa ako. Isang babae na pinipilit yung sarili sa lalaking hindi naman yata ako nakikita at ang mga ginagawa ko para sa kanya.

He think I'm stupid. Totoo naman talaga nagpapakatanga ako para sa kanya. Ano nga bang hinahabol ko madami akong nakilala pero bakit ba bumabalik ako sa kanya. Wala naman akong napala puro sama ng loob.

Nang nakauwi na kami sa kanila natulog na kaagad ako. Bukas panibagong araw na, babalik na ako sa mga kaibigan ko na totoong nagmamahal sa akin.

Kinabukasan habang nasa byahe kami malungkot ako malungkot na malungkot. Pakiramdam ko may nawala sa akin may nasayang sa pagkatao ko. Hindi ko maisip kung ako pero sigurado akong merong nawawala kinakapa ko yung dibdib ko. Gusto kong mahanap kung ano yun pero hindi ko maramdaman.

Perfectly Imperfect (Editing)Where stories live. Discover now