Chapter 31: Stay

381 31 0
                                    

Author's note: Guys please vote and comment.

Stay

Pagdating namin dito sa shop na pinapatayo ni Jake ay tahimik lang ako hanggang sa mag umpisa kaming mag inom, walang lumalabas sa bibig ko at hindi ko alam kung ano pang dapat kong sabihin dahil nasabi ko ng lahat dati.

Pero hindi nagtagal yung katahimikan dahil inumpisahan niya akong asarin. Magkaharap kami ngayon, binibiro niya ako na para bang walang nangyari noon. Bumabalik nanaman lahat pero sinubukan kong itago yung emosyon ko pero hindi ko mapigilan na hindi siya patulan.

"Ui naka doll shoes siya." Asar ni Jake sa akin habang tinutusok tusok ang tagiliran ko.

"Malamang naka dress ako alam mo naman mag rubber shoes ako. Tanga lang?" Masungit kong sinabi.

"Oo babae ka nga ngayon eh."

"Babae naman talaga ako hindi mo lang napansin dati dahil lalaki ang hanap mo!!" Kanina pa talaga siya at pikon na ako.

"Kaya ba nagkakaganyan ka?" Makahulugan niyang sagot sa akin habang nakangisi.

Natatawa nalang si Nic at ang dalawang tauhan ni Jake dahil sa palitan namin ng asaran.

"Teka mag ccr lang ako." Paalam ko sa lahat.

Nahihilo na ako habang naglalakad pero hindi dahilan yun para hindi ko marinig ang pinag uusapan ni Jake at Nic habang nasa c.r ako.

"Naka move on na kaya siya kaya wag mo ng asarin." Sabi ni Nic.

"Hindi, hindi pwede yun. Okay naman siya sakin huh?" Magulong sagot niya.

"Okay siya sayo? alam mo bang sinasabi mo? hayaan mo na siya kung hindi mo naman kayang suklian yung ginagawa niya para sayo."

Hindi ko na narinig yung naging sagot ni Jake dahil tingin ko ay pinapakiramdaman nila ang pagbalik ko.

Nagtuloy tuloy lang kami sa inuman hanggang sa mag alas tres ng madaling araw.

"Pupunta kaming Pampanga mamaya ihahatid ko si Papa."

"Sama kame!" Hindi ko mapigilang lumabas sa bibig ko ang mga salitang madalas ko sabihin noon kay Jake.

Nakita ko na napailing si Nic dahil ayaw niya ng idea ko, at lasing na ako.

Nagdecide si Jake na ihatid na kami habang nasa sasakyan at hindi ako tumigil sa pangungulit. "Sama kame! sama kame! sama kame!"

"Hindi pwede madam nakainom na tayo." Paalala sa akin ni Nic.

"Pogi nangako ka noon na gagawan mo ako ng

serbet isama mo ako." Paulit ulit kong sinabi. Pakiramdam ko ay sarili ko na ang kalaban ko ngayon dahil sa nangyayari.

Pagdating sa masinag ay dumiretso si Jake papunta sa village nila Nic imbes na lumiko papunta sa amin. Simula noong nagbago siya sa akin ay nagbago na rin ang route niya. Inuuna niya na akong ihatid at pagkatapos ay si Nic naman pero nagtataka ako at inuna niya si Nic ngayon.

"Oh bat lumampas samin? Itigil mo to sa masinag lang ako wag mo na ako ihatid si Nic nalang."

"Hindi! ihahatid din kita." Pagtanggi ni Jake sa gusto kong mangyari.

"Basta Madam kung sasama ka mag ingat ka doon sana natuto kana dati." Mahinang sinabi ni Nic na ako lang talaga ang nakakarinig.

"Huh? e ayaw nga niya ako isama eh." Takang sinabi ko sa kanya.

Hindi na umimik si Nic hanggang sa makarating kami sa kanila. Pagbaba niya ay agad siyang nag paalam at tumingin sa akin ng makahulugan.

"Sa masinag lang ako wag mo na ako ihatid kaya ko sarili ko."

"Bakit ayaw mo ako pumunta sa inyo?" Ani Jake.

"Wag na hindi mo naman ako isasama eh."

"Pupunta na nga tayo sa inyo diba kukuha tayo ng damit mo." Pagkumbinsi niya.

"Kukuha akong damit?"

"Hindi Madam panty lang kunin mo." Nakakaloko niyang sagot.

Pagdating sa bahay ay nagmadali na akong magpalit ng damit at maglagay ng gamit sa bag sakaling kailanganin ko.

Bumalik kami sa shop at nagpalipas ng ilang oras bago bumaye, dahil nakainom kaming lahat.

Napagbuntong hininga nalang ako ng mahimasmasan ako at nawala ang tama ng alak sa akin. Gusto ko ng umurong sa pagsama pero wala akong magandang dahilan dahil pursigido ako kanina at kasalanan ko naman.

Napapikit ako at naisip ang kagagahan ko. Lagi kong sinasabi na pagod na ako sa mga bagay na wala namang ending. Yun pala ay urong sulong ako kaya nangyayari to pero at thw same time hindi ko maiwasan dahil sa mga ginagawa ni Jake.

Pakiramdam ko ay ayaw niyang mawala ako, pero hindi naman siya gumagawa ng paraan para manatili ako.

Perfectly Imperfect (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon