Chapter 40: I just realized

388 25 0
                                    

I just realized

Jake: Pupunta ka daw ba?

Jake: akala ni Cis pupunta ka daw?

Puro "daw" hindi ba pwedeng siya naman ang nagsabi hindi niya ba talaga kayang ibaba yung pride niya para sa akin at kailangan ba talagang gumagamit pa siya ng ibang tao.

"Hay nako hayaan mo na yan madam ipakita mo naman yung importansya mo." Utos sa akin ni Nic dahil panay ang tingin ko sa cellphone ko na may mga text ni Jake.

"Madam umamin ka nga saken sa palagay mo minahal ba ako ni Jake?"

"Hindi ko masagot ayaw kitang masaktan pero siguro nagustuhan naman o kaya kung hindi ka umamin dati baka may naiba."

"Pano kung di kaya ako umamin no? mamahalin niya kaya ako?" Matagal nang nasa isip ko ang tanong na to. Marami nga bang maiiba kung naging challenge ako sa kanya.

"Hindi natin alam ikaw na nagsabi mahirap basahin si Jake. Hindi rin namin alam anong nasa isip niya kahit kami naguguluhan."

"Madam alam mo may napansin ako noon kay Jake feeling ko may sakit akong nakakahawa."

"Bakit?"

"Kase ayaw na ayaw niyang naiiwan kaming dalawa hindi niya ako kinakausap o kaya umiiwas. Awkward siya sa akin."

"Talaga? ngayon mo lang nasabi sa akin yan. Ayaw kitang paasahin pero minsan kase kaya tayo awkward sa isang tao kase may gusto ka o kaya naman natatakot kang mapalapit sa kanya."

"At sa palagay ko dun siya sa takot mapalapit."

"Alam mo kase madam hindi ikaw yung babaeng hinahanap ni Jake. Iniwan na siya ng ex niya dati para pumunta ng ibang bansa ikaw din madam darating yung time na aalis kana. Isipin mo nalang paaano kung naging kayo tapos kailangan mo ng umalis hindi mo ba naiisip na mauulit kay Jake yung nangyari. Sa pangalawang pagkakataon maiiwan uli siya.  Alam ko mahal na mahal mo siya pero kaya mo bang ipagpalit yung mga pangarap mo para kay Jake kung sakaling sabihin niyang mahal ka rin niya?"

Natahimik ako sa sinabi ni Nic ngayon ko lang naisip to. Oo nga ano nga bang ipinipilit ko noon ay gusto ko lang naman mapansin niya ako at suklian ang ginagawa ko para sa kanya. Paano nga ba kung nagkataong nagustuhan niya ako at parehas kaming naging handa sa pagpasok sa relasyon na iniwasan namin noon. Hindi ko naisip na paano nga ba kung minahal niya ako iiwan ko rin pala siya ako pala ang mang iiwan.

"Madam naintindihan mo ba? hindi ikaw yung babaeng para sa kanya sa palagay ko ang hinahanap niya e yung makakasama niya dito at sabay silang magiging successful at hindi yung pupunta sa ibang bansa dahil nandoon ang buhay niya habang siya ay nandito."

"Madam hindi ko naisip yan." Napailing nalang ako.

"Madam may isa pa akong tanong bakit ba maeffort ka masyado?"

"Madam ayoko na kase ng regret ayoko na pagdating ng panahon magsisi ako dahil hindi ko nagawa lahat. Gusto ko lang gawin lahat ng pwedeng magawa para sa kanya para pag sumuko na ako alam ko sa sarili ko na I really did my best baka kase dumating yung time na hindi ko na mapigilan magtanong atleast hindi niya ako masusumbatan na hindi ko ginawa yung lahat para sa kanya kaya hindi niya ako minahal pabalik, kase madam ginawa ko na talaga lahat. Lahat lahat."

"Eh kelan mo ba balak sumuko?"

"Madam naaalala mo nung gustong gusto ko si Ryan diba sumuko ako nung sinabi niyang hindi na niya masusuklian yung love and effort ko ganun din kay Jake, kahit isang text lang na nagsasabing tumigil kana wala kang mapapala kase sa ganoong paraan ako mawawalan ng pag asa."

"Madam magkaiba sila si Ryan prangka yun. Si Jake naman hindi niya kayang sabihin sayo dahil hindi niya kayang mawala ka dahil ginagawa mo lahat para sa kanya."

"Madam sa palagay mo nagte take advantage siya sa akin?"

"Hindi Madam hindi siya nagtake advantage sayo dahil bago pa niya hilingin naibigay mo na." Nakatitig siya sa mata ko habang sinasabi to.

"Madam paano kung mabalitaan mong may girlfriend na siya?" Sunod niyang tanong.

Napaisip ako hindi rin to sumagi sa isip ko kahit na kailan. "Wala madam titigil na ano pang gagawin ko kung meron na siyang mahal diba?"

Hindi ako naging totoo sa sagot ko kay Nic dahil sigurado ako na matagal pa dadating yung time na yon. Kilala ko si Jake pagdating sa usapin nang pakikipag relasyon siya na mismo ang nasabi sa akin matagal pa niyang balak pumasok dito. Marami pa syang gustong gawin at wala pa sa isip niya yun.

Pero paano nga ba kung nagbago na siya ng pananaw, paano nga ba kung may babae siyang magustuhan. Ano nga bang gagawin ko.

Perfectly Imperfect (Editing)Where stories live. Discover now