Chapter 44: We'll meet again someday.

619 28 0
                                    

Author's note: May Epilogue pa po

We'll meet again someday.

Mabilis na lumipas yung panahon five months akong naging abala sa trabaho at ngayon ay nag resign na ako dahil may importante akong dapat na asikasuhin.

Patuloy parin kaming nagkakasama ni Jake hindi ko alam kung anong nangyari sa sinasabi nilang bagong girlfriend niya dahil hindi ko ito nakilala.

Madaming nagbago sa amin sa pakikitungo namin sa isa't-isa. Nawala na yung wall yung feeling ng awkward nakakapag usap na kami ng maayos at nabibiro ko na siya sa feelings ko tungkol sa kanya kagaya ng dati.

Siguro dahil mas nagmatured na ako at hindi na big deal sa akin yung mga bagay na nagyari sa amin noon at idagdag pa ng marinig ko mismo sa tita niya na hinihintay lang ni Jake ang ex niya, habang ako naman ay naghihintay lang kay Jake.

May dahilan siguro lahat ng ito ang kailangan ko nalang gawin ay hintayin ang dahilan kung bakit hindi nag work out yung mga bagay na inaasahan ko para saming dalawa.

Nagyaya ngayong gabi si Nic na magpunta kila Jake dahil hindi na raw nagpaparamdam sa kanya.

As usual na gawain namin nag iinom pero hindi kagaya ng madalas na gawain na kwentuhan at maingay, ngayon ay tahimik lang ang lahat dahil nanonood kami ng pelikula sa cable.

Nang matapos ang palabas tsaka nagsalita si Jake.

"Bakit ngayon ka lang naligaw Nic?" Matagal kasi silang hindi nagkita.

"Hindi ka kasi nagpaparamdam kaya ako na mismo nagpunta dito."

"Ano ko patay kailangan magparamdam?" Basag niya kay Nic.

"Patay ka naman talaga." Sabat ko sa kanila.

"Bakit naman ako naging patay dead kid ganoon?"

"Hindi, patay ka kase... patay na patay ako sayo kaso condolence nalang sa puso kong nasawi dahil sayo." Nagtawanan nalang kaming lahat sa sinabi ko.

Isang buwan nalang ay aalis na ako dito sa Pilipinas kaya sinusulit ko na siguro ay isa to sa dahilan kung bakit nagbago na si Jake ng pakikitungo sa akin dahil matagal akong mawawala. Wala ng makulit.

Wala akong ibang ginawa kundi tumambay sa kanila. Quality time kumbaga.

Minsan ay magdadala ako ng cd at manonood lang sa tabi niya habang busy siya sa laptop o kaya naman naman ay oorder kami ng pagkain at magkukwentuhan. Normal na ang ginagawa namin hindi na sunog atay ot buwis buhay.

Nagkakapag biruan din kami pero hindi na talaga nabuksan yung issue kung bakit kami nagka ganoon dati kung bakit maraming nangyari at kung para saan ba talaga yon.

Siguro nga tama si Nic na ang pinaka closure namin ay yung hindi na ako nagpumilit pang malaman kung ano yung nasa isip ni Jake at kung ano ba talaga yung nararamdaman niya, dahil kung malaman ko man ay para saan pa nga ba at anong pang gagawin ko kung tanggap ko naman na ang lahat.

Hindi narin magandang may maiwan pa akong questions sa kanya kung sakaling sagutin niya yung mga tanong ko dahil sa isang sagot niya ay mag uumpisa nanaman ang mga katanungan kaya mas mabuting huwag ko nang alamin at isipin na yun na ang wakas.

"This song is for Lian andoon po sila sa gilid." Turo ni Max samin ni Nic bago siya nag umpisang kumanta.

You always ask me
Those words i say
And telling me what it means to me
Every single day
You always act this way
For how many times i told you
I love you for this is all i know

Nandito kami ngayon sa Libertad sa bagong bar na nakahiligan namin puntahan.

Bar kung saan tumutugtog sila Clint.

Nakikinig lang kami kay Max ng makita ko ang pagpahid ni Nic sa luha niya.

Come to me and hold me
And you will see
The love i give
For you still hold the key

"Bakit ka umiiyak?" Ok naman sila kanina ni Clint kaya bakit siya umiiyak.

"Naiiyak ako for you nung sinabi mong naka move on kana kay Jake. Totoo na talaga at isa pa aalis kana." Sabi niya na tuloy sa pag iyak.

"Yun lang?" Natatawa kong sinabi.

"Tsaka nanghihinayang ako parang ako yung nasasayangan sayang talaga." Mas lalo pa siyang naiyak.

Every single day
You always act this way
For how many times i told you
I love you for this is all i know

I'll never go far away from you
Even the sky will tell you
That i need you so
For this is all i know
I'll never go far away from you

Kung naging malafairy tale ang kwento namin ay maaari kaming nagkatuluyan kung siguro ay nakilala ko siya sa right time, right place at perfect moment malamang na siya ang right person para sa akin.

Tama si Nic nakakapanghinayang lalo na kung aalalahanin ang mga naging sakripisyo ko at nang iba pa. Ang mga time, effort, panahon at pagmamahal pero kapag naiisip ko yung mga natutunan ko, yung mga naintindihan ko, yung mga memories nawawala yung panghihinayang, yung mga natitirang sakit, ang mahalaga sumaya ako sa kabila ng mga nangyari.

Nakatanggap ako ng reply sa family ni Jake dahil nag iwan ako ng message kanina na nagpapaalam at nagpapasalamat.

Jane: Madam mahal ka din namin, minahal mo rin kase kami. Mag ingat ka sana magkita pa uli tayo, malungkot si Mama hindi na kayo nagkita.

Napangiti nalang ako dahil minahal din nila ako at maligaya ako na malaman yun.

Natapos yung pangalawang set nila Clint at lumapit sa table namin.

"Kamusta?" Tinapik ako ni Kuya Rj at kinamusta.

"Okay lang kuya." Nakatingin lahat samin, nakikinig.

"Kamusta na kayo ni Jake?"

"Okay naman, okay na ako kuya. Okay kami. Naintindihan ko na." Simple kong sagot.

Humila siya at umupo sa tabi ko. "Alam mo ba kung saan nagmula yung mga babae?"

"Hindi ko alam kuya." Dahil hindi ko talaga alam.

"Sa tadyang, bawat babae ay hinugot sa tadyang ng isang lalaki. Ibig sabihin may nagmamay ari na sayo dahil sa kanya ka nang galing, hindi natin alam kung sino siya pero siguradong akong hinahanap ka na niya. Sa tamang panahon tamang pagkakataon mag kikita kayo, mamahalin ka nya gaya ng pagmamahal mo kay Jake at sa iba pang pwede mong makilala bago kayo magtagpo sa tamang panahon."

Wala na akong masabi gusto ko nalang umiyak sa sobrang galak. Mahal na mahal ko talaga yung mga kaibigan ko dahil sila yung naging pamilya ko dito sila yung umalalay sakin nung lubog na lubog na ako hindi lang sa pag ibig pati narin sa iba pang issue ng buhay ko.

Sigurado akong magtatagpo tagpo uli kami, mag iinom, magkukulitan, mag aasaran, mag babasagan at magpapaalala sa isa't isa ng mga nangyari noon at sabay sabay nalang namin tatawanan to.

We'll meet again someday.

Perfectly Imperfect (Editing)Where stories live. Discover now