Chapter 36: It's complicated

386 27 0
                                    

Author's note: Guys please vote and comment.

It's complicated

Pagdating ng gabi ay lumabas ako para makihalubilo sa mga kapatid niya habang iniihaw ang mga pinamili namin kanina sa palengke.

Nakaupo lang ako dito at si Jane habang nag uusap kami tungkol sa trabaho.

"Bat di mo sinubukan mag medrep Jane?"

"Sinubukan ko dati madam sa trabaho ni Ate Tin pero hindi ako nakapasa."

"Sayang naman subukan mo uli. Pwede mo ba ako kwentuhan tungkol dun kay Tin hindi ko kase siya na meet." Pagsisinungaling ko walang pagkakataon na magkakilala kami ng ex niya dahil isa't kalahating taon palang kami magkakilala ni Jake.

Ramdam niyang gusto ko ang kuya niya kita ko sa mga titig niya sa akin kapag tungkol sa kapatid niya usapan at sino bang hindi nakakaalam at hindi makakahalata sa kilos at effort ko palang nagsusumigaw na mahal ko si Jake.

"Six years sila ni kuya madalas silang dumalaw dito pero hindi kagaya ng sa inyo na matagal pero nasa ibang bansa na siya hindi ko na kasi nakakausap. Mabait yun madam pag nakilala mo." Natawa nalang ako sa idea ni Jane ang makilala ang ex ng lalaking kinakabaliwan ko.

Kinabukasan ay wala masyadong magawa wala pa kasi yung mga tao na madalas tumambay dito para makigulo, as usual tulog si Jake.

"Hindi ko maintindihan yang tao na yan kain tulog pero palagi talagang tulog sobra sobra na sa tulog. Ang hina ng resistensya." Reklamo ni Bok, yung tauhan niya sa shop. Taga dito rin kase siya at sinabay namin sa pag uwi dito.

May pumasok sa isip ko na gawin para maubos ang oras ko ang linisin ang napaka duming sasakyan niya.

Inumpisahan ko sa pag tanggal ng maduming damit para mapalabhan sa katulong, at kung ano anong basura. Nagpakuha ako ng hose, car wash na talaga ang ginawa ko.

Kung malalaman nila Nic ang ginawa ko ay siguradong uusok sila sa galit masyado na nga yata akong desperada.

Nang magising si Jake nagulat siya sa pagbabago sa sasakyan niya .alinis, walang kalat wala na ang maduduming damit at basura pero hindi siya nag pasalamat. Hindi man lang niya nakita yung effort ko.

"Hindi ka man lang magte thank you?"

"Sinabi ko bang linisi mo tong sasakyan?" Medyo napahiya ako sa inasta niya pero dahil tanga tangahan ako tumawa nalang ako ng peke kahit na masakit.

Last two days na namin dito. Back to normal na ang lahat balik negosyo na rin ang parents ni Jake.

Pinapanood kong magtuhog ng isang batyang barbeque ang mama ni Jake ng alukin ako nitong subukan.

"Nak gusto mo subukan? madali lang to kung gusto mo ay sumama ka sa pwesto mamaya. Masaya doon maraming tao."

"Sige po sama ako tindera niyo ako for today." Presinta ko habang nagsusubok magtuhog ng barbeque. First time ko rin ito pero pag tapos ng ilang subok ay natutunan ko na to.

Ginagawa ko ang lahat para maipakitang deserving ako for Jake sobra sobra na nga sa dapat na limitasyon at alam ko yun.

Dumating ang hapon at nagsialisan na sila para dalhin ang paninda sa oval, lugar kung nasaan ang malaking tindahan nila.

Bandang ala singko ng kumbinsihin ako ni Jake na magpahatid na doon at wag ko na siyang hintayin dahil hindi siya sasama. Hindi na ako tumutol kung mag iistay lang ako dito ay mag mumukha lang din akong kawawa dahil hindi niya naman ako kakausapin.

Nang maihatid ako dito sa ihawan ay marami ng bumibili tumulong ako. Ginawa nila akong taga kaha. May ilan din na humihingi ng extrang sauce yung iba ay nag papacute lang dahil tagalog daw ako.

Naging masaya naman ako sa pagtulong pero bandang las nuebe ay nagpahatid na ako sa bahay dahil nakakapagod.

Nandatnan namin si Jake na mukhang lasing na at kainuman yung mga kaibigan niya na taga dito.

"Madam tara bumalik tayo sa oval bibili akong pulutan." Wala akong ginawa kundi sumang ayon.

Lumabas ako at lumapit sa sasakyan, tutal nasa akin ang susi.

"San ka pupunta Madam? mag momotor tayo." Kung akala ni Jake ay matatakot ako ay mali siya. First time kong makakaangkas sa kanya sa motor.

Barubal siya magpatakbo maaaring dahil sa alak o dahil madilim na ay wala siyang suot na salamin nakakapit lang ako sa jacket niya gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa natatakot ako na magalit siya o  gawing katawa tawa ang gesture ko.

Napapatili nalang ako kapag feeling ko ay babangga kami o sesemplang.

Nakakatawang isipin pero kung mamamatay ako ng dahil sa aksidente sa motor at sya ang kasama ay hindi ako mag sisisi.

Nakarating kami sa ihawan at nakabalik sa bahay ng safe.

Habang nakaupo ako hindi ako tinitigilan ni Kylie sa pangungulit.

"Ninang." Sabi ni Kylie, magulo ang isip ang batang to iba iba ang tawag niya sa akin pero mas nakuha niya ang pansin ng tito niya dahil sa tinawag niya sa akin.

"Hahaha hindi mo ninang si Madam iba yun."

"Iba ba yun tito? akala ko siya yung ninang ko na girlfriend mo." Inosente niyang sagot.

Nakitawa ako pero nasasaktan ako iba talaga yung Tin parang hindi na nila makakalimutan kahit kaninang tanghali ng magmotor kami ng isa niyang pamangkin si Tin parin ang binanggit.

Mabait naman sila asikasong asikaso ako at hindi nila hinahayaan na ma OP ako pero may mga pagkakataon na binabanggit o nasasali sa usapan nila yung ex ni Jake.

Lumabas nalang ako at pumunta sa may dulo ng bahay at tinawagan si Nic sinabi ko ang lahat at ang tungkol sa ex ni Jake.

"Madam iba ka iba ang ex niya. Kahit anong gawin mo hindi na nila makakalimutan yun pero hindi ka narin nila makakalimutan syempre kase dinala ka na ni Jake dyan at nagustuhan ka nila. Pinakitaan mo sila ng mabuti kaya siguradong minahal kana nila. Hindi natin sila mapipilit na makalimutan yun kagaya mo ay may pinagsamahan din sila ng mga tao dyan."

Napaisip ako mas naging complicated na ang lahat. Paulit ulit. Paulit ulit akong umaasa at eto nanaman ako umaaasa parin naeexpect, nag aassume at feeling demanding.

Dati naiinis ako sa mga taong mahilig magsabi na it's complicated daw ang relasyon nila. Kung mahal naman nila ang isat'isa bakit hindi nalang maging sila o kaya naman kung gusto mo siya at hindi ka niya gusto bakit hindi nalang niya sabihin sayo para tigilan mo na siya.

Pero ang mas malala may mga tao na mas magulo pa sa salitang complicated hindi ka kayang mawala pero hindi ka naman kayang mahalin.

Perfectly Imperfect (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon