Chapter 5: Thou shall not surrender

733 95 13
                                    

Thou shall not surrender

Pagkatapos ng kanta ay agad akong bumababa pabalik ng cottage at iniwan si Ford at Mark.

Habang pababa ako sa hagdan nagtataka ako kung bakit nakatingin ang lahat sa akin.

"HAHAHA!!" Rinig ko ang halakhak ng aking mga barkada habang palapit sa cottage.

"Epic talaga si Lian, akala ko mababasag na talaga yung mga bote ng alak natin buti tumigil na siya sa pag kanta kung hindi baka wala na tayo inumin." Ani Maezon, na tuloy parin sa pag sasalita at hindi pansin ang presensya ko.

"Oo talagang mababasag yan sa mukha mo pag di ka tumigil sa pang aasar sa akin." Sabay irap ko sa kanya na akala mo ay nagtatampo.

"Ikaw naman kasi ano bang naisipan mo at dun kapa talaga kumanta sa tuktok ng resort eh alam mo ng rinig ng lahat yung boses mo dun?" Sabat ni Nic na para bang may batang pinapagalitan.

Hindi ako sumagot pero sabay sabay naman kaming natawa lahat na na parang nagka unawaan nalang sa nangyari.

"Akala ko naman kaya ako tinitignan ng mga tao pagbaba ko kase kala nila may bumabang dyosa." Kunyaring nagtataka pa ako.

"Dyosa or delubyo?" Dagdag pa ni Allen na lalong nagpatawa sa aming lahat.

Nakita ko ang pagsabay ni Jake sa tawanan namin na parang malapit na talaga siya sa barkada habang katabi si Lhavmic na para ko ng anak anakan kahit naba dalawang taon lang ang tanda ko sa kanya.

Lumapit ako sa kanila at niyaya si Lhavmic. "Nak tara swimming na tayo pang pawala ng tama." At agad naman niyang inimbitahan si Jake na sumama.

Nakita ko ang pag hubad ni Jake ng sandong suot niya at ipinatong sa upuan, pagharap niya sa akin ay agad ko iniwas ng dahan dahan ang tingin ko dahil gusto ko din makita ang katawan niya, pero nahagip ng tingin ko na yon ang maliliit na letra ng tattoo sa baba ng balikat niya kahilera ng collarbone niya.

"Papa why so yummy? ang laki ng dibdib at ang laki ng braso, pwede ba lumambitin?" Kagat labing banat ni Peter habang hinahawakan ang mga parte ng katawan ni Jake na kanyang pinuri.

Kung hindi ko lang kilala to ay mapapaisip ako kung kalahi ba ni Peter si Ford at agad din akong natawa sa ideyang pumasok sa isip ko.

"Oi Peter tigilan mo pang momolestya mo kay Kuya baka madala ng sumama sa atin yan." Singit ko sa kanila habang pasimpleng binasa ang tinta na nakasulat sa balikat ni Jake.

"Thou shall not surrender"

Pagkatapos ng pag awat ko sa makulit na si Peter ay bumaba na kami sa pool at nagsimulang lumangoy habang si Nic naman ay panay ang picture sa paglunod na ginagawa ko ky Peter.

Tawa ng tawa si Jake habang nakaupo sa gilid ng pool na parang nanonood sa Comedy bar habang pinapanood kami ni Peter.

Pag tingala ko nakita ko ang napaka habang slide ng pool, simula sa pinaka taas na floor ng resort hanggang sa pinakababa na swimming pool.

Agad ko niyaya ang mga kasama ko, si Nic, Lhavmic, Peter at Jake.

Inakyat namin ang pagkataas taas na hagdan para lang makapag padulas kami pero pag dating sa taas ay may harang ito at hindi na pinapagamit dahil delikado.

Hindi naman nasayang ang pag akyat namin dahil may maliit na kiddie pool with slide kaming nakita.

Agad na nagbabad sa tubig si Nic, Lhavmic at Peter habang si Jake ay nakatayo lang veranda.

Dahil siguro sa dami ng aking nainom hindi nanaman na pigilan ng bibig ko ang pag sasalita ng nasa isip ko nalang dapat.

"Jake sabi ni Ryan kaya daw niya pinakilala Nic sayo kase nakita mo na siya dati tas natypan mo siya? May gusto kaba kay Nic?" Alam kong malakas ang pagkakasabi ko at rinig ng iba pa naming kasama.

Perfectly Imperfect (Editing)Where stories live. Discover now