Chapter 42

182 23 42
                                    

Chapter 42

SETH'S POV

"Kamusta ka na?" I asked habang naglalakad kami papunta sa room niya.

"I'm fine, you?"

"Okay rin. Uhm, Its been a year since huli tayong nag usap." Sabi ko.

Ngumiti siya ng tipid. "Yeah." Ikling sagot niya.

Punyemas kinakabahan ako!

"Bakit ka pala binuhosan ng tubig ni Mila?" I asked.

"Inutusan lang daw siya kaya ginawa niya 'yun." She answered.

"May iba pa bang umaaway sayo bukod sa kanilang dalawa?" Takang tanong ko.

Umiling siya. "Wala naman. Sila lang dalawa lang naman ang may lakas loob na mang trip sa akin eh."

"May kaibigan ka bang galit sayo?"

Umiling siya. "Wala naman. Okay na din kami nina Faye, so imposibleng sila ang nag-utos 'nun,"

"Di bale lalabas din yang katotohanan sa huli. May boyfriend ka na?" I suddenly asked.

"I dont have a time for that dahil mas importante ang mga pangarap ko. Ang boyfriend ay makakapaghinatay pa naman yun dahil nasa tabi tabi lang yung taong para sa akin,"

Nasa tabi mo na nga ako eh.

"Masaya ako dahil wala ka pang boyfriend."

Ay tangina! Bakit ko pa yun nasabi?!

"Huh? Bakit ka masaya?"

I smiled. "Dahil naka-fucos ka lang sa pag-aaral."

Tumango tango siya.

"Salamat sa paghatid." Pagpasalamat niya ng nasa harapan na kami ng puntuan ng room.

"Wala yun. Sige bye!" Pagpaalam ko.

She just nodded at pumasok na sa loob. Umalis na ako.

♡♡♡

JAI'S POV

Pagkapasok ko sa classroom agad hinanap ng mga mata ko si Sean, hindi ko siya nakita.

Lumapit ako kay Tan. "Tan? Nakita mo ba si Sean?" I asked.

"Nasa second floor sila, Jai, kasama niya sina Kaizer at Vince."

"Sige, salamat!"

Agad naman akong umakyat sa second floor ng building. Pagdating ko wala naman sina Sean doon, may narinig akong nahulog ng kung anong bagay nasisigurado kong galing yun sa dulo ng second floor.

Huminto ako sa huling room ng sa second floor ng building na 'to. Bubuksan ko na sana pero may narinig akong boses, nilagay ko ang aking tenga sa pinto para marinig ng klaro.

"Kingina mo! Hindi yun magagawa ni Lauree!" Ang hula ko ay boses yun ni Luke.

Akala ko nasa hospital siya? Hyst.

"Kahit kaelan hindi ako nagkakamali mag hanap ng impormasyon!" Rinig ko ang boses ni Sean.

"Pero ngayon nagkakamali ka! Hindi gagawin ni Lauree yun kay Caleb! Alam kong mabuting tao si Lauree kaya hindi yun magagawa kay Caleb!"

Ano ang tinutukoy niya?

"Luke, kumalma ka nga." Rinig kong  pagpapakalma ni Kaizer.

"Lumabas na nga sa resulta na si Lauree ang—" Hindi ko narinig ang sinabi ni Sean ng may biglang tumawag sakin.

Lumingon ako sa gilid ko at nakita kong papalapit si Jake sa pwesto ko. Agad aking lamapit sa kanya at hinatak na siya papalayo dun.

"Jai, anong problema?" He asked ng makababa na kami.

"Baka narinig nila ang pagtawag mo sakin kaya hinatak na kita."

Tumango siya. "Ano ba ang ginagawa mo dun?"

"Hindi ko naman sinasdyang makinig sa usapan nila. Pumunta talaga ako dun dahil may sasabihin ako kay Sean."

"Ah ganon ba? Hintayin mo siya dito dahil tatawigin ko lang, okay?" He said.

I nodded.

Habang naghihintay ako kay Sean naramdaman kong may nakatingin sakin pagtingin ko sa rooftop ng building ng Section one to four nakita ko si Lauree na nakatingin sakin, ngumiti siya ng tipid ng mag tama ang mga mata namin, I smiled back.

Mayamaya lang may tumbi sa kanya, si Ivann. Sinundan ni Ivann ang tingin ni Lauree dahilan para mag tama ang mara namin, he smiled and I smiled back.

"Jai, hinahanap mo daw ako sabi ni Jake?" Napabaling ako sa aking kaliwa ng may nag salita, si Sean.

"Ah, oo. Pwede bang mag request?"

Tipid siyang tumango. "Sure."

"Pwede mo bang alamin kung sino ang nag-utos kay Mila para buhusan si Belle?"

Tipid siyang tumango. "I will."

"May update na ba kung sinadya bang gagawin kay Caleb yun?" I asked.

Umiwas siya ng tingin. "Wala pa akong nahanap babalitaan na lang kita kapag may nahanap na akong impormasyon." Sabi niya at umalis.

I'm Just For You (Book One) | ✓Where stories live. Discover now