Prologue

677 40 134
                                    

Prologue

New life


JAI'S POV

After one year nakabalik na din ako sa wakas dito sa Pilipinas, boring kasi sa New York eh nasa bahay lang ako palagi dahil homeschooled ako. Thanks to Kuya Matt dahil tinulungan niya ako sa plano kong tumakas para maka-uwi sa Pilipinas, nasa Italy kasi ang parents ko dahil busy sila sa kanilang business kaya nakatakas ako.

Pina-uwi lang naman ako sa New York dahil may binug-bog akong istudyante sa FIS (Fabian International School) na muntik ko nang mapatay, kaya my parents decide na pabalikin ako sa New York.

Pagdating ko sa Pilipinas, nag-enroll ka-agad ako sa VIS (Value International School) doon din nag-aaral ang dalawang pinsan kong sina Ivann at Faye, doon din nag-graduate si Kuya Zaiden.

Nang dito ako ngayon sa bahay ni Tita Lynn at nasa harapan ko ngayon si Kuya Zai na seryoso ang mukha. Akala ko kasi nasa California siya at busy business niya pero bad timing ata ako.

"Leigh, 'wag mong sabihin na hindi alam nila Tita Mace na nandito ka." Matalim na sabi ni Kuya Zai.

"Then I don't." Sagot ko

Sinamaan niya ako ng tingin. "Nag-iba ka na, Leigh, kapag tinanong ka ng mabuti, sagutin mo din ng mabuti."

"Tama naman yung sagot ko sa tanong mo Kuya, diba?"

"Tss. Bukas na bukas ihahatid kita sa New York, intindihan mo?"

Napaayos ako ng tayo dahil sa sinabi ni Kuya. "No! Wag mo akong pa-uwiin sa New York. I'm bored there, Kuya."

"I don't care if you're bored there, Leigh, mag-alala sila Tita."

Nag puppy-eyes ako. "Kuya, don't worry malalaman din nila na ng dito ako sa Pilipinas." Umupo ako sa single sofa. "At nakapag-enroll na ako sa VIS." Imporma ko.

"I don't care if you already enrolled there. Bukas na bukas ibabalik kita sa New York."

Tumingin ako kay Tita Lynn para humingi ng tulong.

She winked at me and smile. Bumaling siya sa kanyang panganay. "Nak, Zaiden, hayaan mo na si Leigh. Alam mo naman si Leigh ayaw na ayaw niyang i-homeschooled siya kaya nga gumawa siya ng paraan para makapag-aral ulit dito sa pinas." Sumulyap si Tita sakin. "Don't worry Zai, mababantayan siya ng kapatid mo at pinsan niyo dahil doon siya nag-enroll sa VIS."

Kuya Zaiden sighed. Mabuti't Mama's boy si Kuya, hindi talaga matatanggihan ang ina. "Fine. Hindi na kita papa-uwiin sa New York." Pagsusuko niya.

Nays one.

Agad akong ngumiti ng malapad kay Tita. "Thanks Tita Lynn, you're the best talaga." I said and I hug her and she hug me back. Kumalas ako sa yakap at tumingin kay kuya Zai. "Thanks Kuya Zai, promise iiwas na ako sa gulo." I smiled to assure him.

Ginulo niya ang buhok ko. "Kapag may ginawa 'kang hindi ko na gustohan ako mismo ang hahatid sayo sa New York."

I smiled. "Noted."

Marami-rami pa kaming pinag-uusapan after that, at pagkatapos ay hinatid na ako ni Tita Lynn sa isa sa mga guest room nila dito. Agad ko naman nilagay ang mga damit ko sa closet at inayos ko din ang school uniform at mga gamit ko para sa school, dahil bukas na ako papasok. Half of first sem na ako nakapag-enroll kaya madami na akong namiss sa class. Pero okay lang kaya pa namang humabol.

Kinabukasan pag-dating ko sa VIS agad kong hinanap ang classroom ko. Last section ako dahil hindi maganda ang records ko at sinabi din ng guidance sakin na nag-iisa lang akong babae sa Section Five. I'm so shocked when she said that. Sino ba namang hindi magugulat kapag nalaman mong ikaw lang ang babae sa classroom?

I'm Just For You (Book One) | ✓Where stories live. Discover now