Chapter 66

152 23 28
                                    

Chapter 66

CALEB'S POV

Nandito kaming lahat sa underground ng mansion nila Jairah. Pagkababa ni Kaizer galing sa taas, may pag-alala sa kanyang mukha.

Nakatingin kaming lahat sa 72inches flat screen at nakita namin screen, bumukas ang pinto at pumasok ang limang lalaking nakaitim.

Lumabas si Jairah sa madilim na parte tinakpan niya ang bibig ng lalaki at dinala sa dalim na parte, hindi siya nakita ng limang lalaki dahil nasalikod nila si Jairah. Nakita kong hinand to hand combat ni Jairah ang lahat na lalaki.

"The heck..." Sambit ni Lee.

"Si Jairah ba talaga yan?" Pagsisigurado ni Vince.

"Yup. She is good in hand to hand combat." May pagmamalaki sa boses ni Kaizer.

Hindi nakita ni Jairah ang lalaki sa likod niya kaya nahampas siya ng baseball bat sa kanyang braso.

"Jairah!" Sigaw ni Kaizer.


THIRD PERSON'S POV

Nakahandusay si Jairah sa sahig at iniinda ang sakit ng kanyang braso kung saan nahampas ng lalaking nakaitim.

Akmang ihahampas uli ng lalaki ang baseball bat kay Jairah pero malakas na sinipa ni Jairah ang kamay ng lalaki dahilan mabitawan ang baseball bat. Agad tumayo si Jairah at malakas na sinikmura ang lalaki at sinipa sa tiyan dahilan mawalan nang balanse ang lalaki.

Nilapitan ni Jairah ang lalaki at malakas niyang sinipa sa mukha dahilan mawalan ng malay ang lalaki. Kinasa ng lalaki ang kanyang barili at tinutok niya iyon kay Jairah, agad na binato ni Jairah ang baseball bat sa lalaki. Pumutok ang baril at dumaplis ang bala sa kaliwang braso ni Jairah, hindi niya namalayan.

Sabay sumugod ang dalawang lalaki kay Jairah. Akmang tatama na ang kamao nang lalaki kay Jairah at mabuti nahawakan ni Jairah ang nakakuyom na kamo ng lalaki at walang sabing sabi binalibag niya iyon.

Sinipa ni Jairah ang isang lalaki sa tiyan, napahiga ito sa sahig. Agad nilapitan ni Jairah ang lalaki at malakas niyang sinuntok iyon. Bumangon ang binalibang ni Jairah kanina at kinuha niya ang baseball bat, ihahampas ng lalaki ang baseball bat pero mabilis nakaiwas si Jairah.

Kinuha ni Jairah ang kutsilyo sa kanyang buhok, nakatago iyon kaya hindi nahalata. Agad niya iyon binato sa lalaki at tumama iyon sa leeg ng lalaki. Nilapitan ni Jairah ang lalaking at mas diniinan niya pa ang pagkasaksak sa kutsilyo. Unti-unting pumikit ang mga mata ng lalaki. Agad na chineck ni Jairah ang pulso ng lalaki pero hindi na iyon tumitibok. Isa ang batay at apat ang walang malay.

Seconds had passed dumating na din si Theo kasama si Jace at Maxon.

"Isa ang patay at apat ang walang malay. Kayo na ang bahal sa kanila." Sabi ni Jairah bago umalis.

I'm Just For You (Book One) | ✓Where stories live. Discover now