Chapter 90

134 18 45
                                    

Chapter 90

JAI'S POV

Nandito kami ngayon sa hideout namin sa hotel na pagaari ng parents ko. Ginagamot ngayon ni Radli ang sugat ko sa gilid ng aking labi. Konti lang ang pasang nakuha ko.

Pina-check ko narin ang sport car na napalunan ko kanina sa under ground fight para safe.

"Thank you," pag-sasalamat ko ng matapos ng magamot ni Rad ang sugat ko.

"Ano ba kasi ang pumasok sa isip mo't sumali ka sa under ground fight?" He asked.

"Para mailabas ang galit ko kahit sandali." Simpleng sabi ko.

He sighed. "Kailan mo ipapaalam sa kanila na bumalik na ang alala mo?"

Nagkibit balikat ako. "I don't know."

"JAIRAH!" Dumadagong-dong ang boses ni Evan nang makapasok.

Napatayo ako galing sa pagka-upo.

"Ano 'tong nabalitaan kong sumali ka sa under ground fight?!" galit niyang sabi.

"I'm just bored, that's why,"

"Pasalamat ka at may sugat ka kung hindi baka baldado ka na!"

"Hey! Just chill, okay?! I'm fine kaya don't worry." I said.

"Tsk. Sana hindi na lang bumalik ang alala mo, dahil bumalik ka sa totoong ikaw!"

Malungkot akong ngumiti. "Sana nga," lumabas na ako.

Huminto ako sa harapan ng locker ko, I enter the passcode at nag-unlock yon. Bumungad sakin ang isang kahong kulay ash gray at may disenyong panda, my fav.

Agad kong kinuha yun at sinara na ang locker. Walang estudyante sa paligid dahil class ours pa.

Habang nag-lalakad palabas sa FIS school ay binuksan ko ang kahon. Bumungad sakin ang mga litrato namin ni Kaizer, nakangiti. May nakasulat pa 'don ng 'Happy Birthday Love!'

Wala sa sariling napahawak ako sa pendant rose ng kwintas kong binigay si Kaizer nung March 20, sa mismong monthsary namin—wait, ano na ba ang date ngayon?

Agad kong tinignan ang date sa iPhone ko and it's July 21. Cazzo! Tinignan ko ang recent message ni Kaizer.

4:30 P.M, July 20

From: Kaizer

'Hi love! Evan told me that u're fine at hindi ka makakapasok, sobrang nag-alala ako sayo kanina pero nabawasan yun nang tumawag ang pinsan mo. I want to see you kaya pumunta ka mamaya sa condo ko, five sharp❤ I love you!😘'

7:00 P.M, July 20

From: Kaizer

'Love, where are you?'


'Love? Are you fine?'


'I'm worried.'


10:00 P.M, July 20

From: Kaizer

'Are you home? Baka tulog ka na, g'night. See you tomorrow, Love. I love you!😘❤'

Napakurap-kurap ako sa nabasa, merong 80 missed calls galing sa kanya.

Mierda! Bakit ko ba kasi iniwan ang phone ko sa sasakyan?!

Bigla akong mapait na ngumiti nang maalala ko naman ang eksenang yun.



#StaySafe

I'm Just For You (Book One) | ✓Where stories live. Discover now