Chapter 17

215 27 28
                                    

Chapter 17

JAI'S POV

Dinala ko si Belle sa clinic dahil may sugat ito sa tuhod. Ginagamot na siya ngayon ng nurse.

"Thanks, nurse" Pagpapasalamat ni Belle sa nurse ng matapos gamutin ang sugat niya. Tumango lang ang nurse at ngumiti.

"Thank you" Pagpapasalamat ko din sa nurse. Nhumiti din ito at tumango.

Lumabas na kami sa clinic ni Belle at ihahatid ko siya sa classroom niya dahil baka may umaway naman sa kanya.

"Thank you kanina, Jairah" Pagpapasalamat niya sakin at ngumiti.

I smiled back. "Wala yun. Sorry ng dahil sakin napahamak ka naman"

"Hindi mo kasalanan na napahamak ako"

I sighed. "Ako ang dahilan kung bakit pati yung kaibigan mo galit sayo at ako talaga yung sumulat sa salamin na yun"

"What?" Gulat na sabi niya.

"Gusto ko lang naman na patunayan kay Ivann na hindi ikaw yung may sabi na malandi si Lauree."

"Its okay. Hindi mo na kailangang patunayan kay Ivann na hindi talaga ako yung nag sabi nun dahil kahit may pruweba ka kakampihan niya parin sina Klea at Mila" Malungkot siyang ngumiti.

"Bakit? Dating babae ba 'yun ni Ivann?" Tanong ko.

Nagkibit balikat siya. "I dont know. Hindi ko alam kung bakit niya laging inasikaso si Klea keysa kay Lauree"

"Uhm, pwede ba akong mag tanong sayo about sa inyo ni Seth?" I asked her.

Ngumiti siya ng tipid. "Sure."

"Bakit mo iniwasan si Seth?"

She smiled. "Pinaubaya ko na siya sa taong mahal niya."

"Uhm, pwede mong ikwento ang love story niyo? Dahil mas maganda kapag buo ang istorya eh" I said. She smiled.

BELLE'S POV

flashback

Habang nag-babasa ako ng libro sa field ay may bigla na lang tumabi sakin. Tinignan ko kung sino yun, si Seth. Binalik ko na lang ulit ang ingin ko sa libro pero kinuha niya 'yun.

"Ibalik mo yan sakin." Utos ko.

Ngumuso siya. "Mamaya mo na 'to basahin. Mag usap na lang tayo tutal may anim pang minuto natitira bago ang susunod na klase natin."

"Mag hanap ka na lang ng ibang pwede mong makausap. I want to study, kaya ibalik mo na sakin yang libro ko."

He smiled. "Sige, ibabalik ko yung libro mo pero labas tayo mamaya."

"At saan naman tayo pupunta?" I asked.

"Mag dadate tayo mamaya. Susunduin na lang kita pagkatapos ng klase natin sa hapon" Sabi niya at binalik na ang libro ko. Bago pa ako makapagprotesta tumakbo na siya papalayo sakin.

No choice.

Pagkatpos ng klase namin sa hapon ay agad kong niligpit ang aking gamit. Biglan na kang akong kinalabit ni Faye, napatingin ako sa kanya.

"'Yung boyfriend mo naghihintay na sa labas." Sabi niya at ngumiting aso. Kumunot naman ang nuo ko sa sinabi niya.

Wala naman akong boyfriend, ah.

"Wala akong boyfriend" Sagot ko at sinara na ang bag.

"Ayun, oh" Sabi niya sabay turo sa labas. Napatingin naman ako dun at nakita ko si Seth at nagtama ang mata namin at ngumiti siya.

I'm Just For You (Book One) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon