Chapter 76

153 24 38
                                    

Chapter 76

JAI'S POV

Pupunta ako ngayon sa canteen ng mahagip ng mga mata ko si Sean, nakatago sa likod ng puno at parang may tinitignan. Walang ingay akong lumapit sa kanya, agad kong sinundan ang tingin niya na pinagtataka ko dahil nakatingin siya sa puwesto ng pinsan kong si Faye.

"Sino tinitignan mo?" tanong ko dahilan mapatalon ito sa gulat.

"Jai! 'Wag ka namang mangulat, para akong aatakihin sa puso." Inis niyang sabi.

"I'm just curious kung sino ang tinitignan mo." Ani ko. "Amin mo nga sa 'kin, may crush ka ba sa isa sa mga kaibigan ni Faye?"

Nanlaki ang kanyang mata sa tanong ko. He cleared his throat. "Wala. Uhm.. mauna na ako. Bye!" Patakbo siyang umalis.

"Sana hindi niya crush si Belle dahil ship ko sila ng pinsan kong si Seth." Bulong ko sa hangin. Yep, naalala ko na si Seth na pinsan ko pala.

Naalala ko tuloy ang kinwento ni Belle sa 'kin nung time na pumunta siya sa condo ni Seth para bisitahin ito dahil sa pagkakaalam niya ay may lagnat ang pinsan ko.

FLASHBACK

Nasa harap ako ngayon ng elevator at hinihintay na bumukas ito. Minutes had passed ay bumukas yun. Papasok na sana ako kaso nakita ko ang babaeng tahimik na umiiyak habang palabas ng elevator. Hindi ko nalang pinansin iyon at pumasok na.

Pinindot ko ang number 4 kung nasan ang condo ng pinsan ko. Huminto ang elevator sa 3rd floor at pumasok at pumasok ang dalawang babae. Nang tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na ako, agad akong lumabas ng bumukas na iyon.

Malapit na ako sa unit ng pinsan ko ng may lumabas na babae dun at mabilis ang bawat hakbang nito. Sinundan ko nang tingin ang babae bago mabilis na pumasok sa unit. Bumungad sakin ang pinsan kong nakahiga sa sofa, maputla. Biglang lumabas si Tita galing sa banyo may dala itong palanggana at bimpo.

"Nandito kana pala, hija." Wika ni Tita, nilapag niya ang palanggana sa coffee table.

"Sino po ang babaeng lumabas aa unit niya kanikanina lang?" Umupo ako sa pangisahang sofa.

Pinunasan niya ang mukha ni Seth gamit ang basang bimpo. "Hindi ko kilala, hija. Nakita ko lang na hinahalikan niya ang anak ko sa kusina."

Sana mali ang kutob ko.

"May girlfriend ba si insan?" Tanong ko.

Umiling si Tita. "Wala. Pero may nagustuhan, meron." Pinunasan naman nito ang braso ni Seth.

Nahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ni Tita. Mabuti nalang at hindi niya girlfriend ang babaeng lumabas kanina sa elevator.

END OF FLASHBACK

"Saan punta mo?" Tanong ko kay Seth ng makasalubong ko siya sa hallway.

"Pupuntahan ko ang girlfriend ko." Aniya.

"Girlfriend?"

"Si Belle."

"Omo! Congarts pinsan!" Masaya kong sabi.

"Y-you remember me?"

Nakangiti akong tumango. "Yup! At masaya ako dahil nagkatuluyan kayo ni Belle."

Ngumit ito. "Thank you, insan. Mauna na ako." Paalam niya. Tinango lang ang tinugon ko.

"Ano ang pinag-usapan niyo ni Seth?" Bungad sakin ni Caleb ng maka-upo.

"Sinabi kong naalala ko na siya." I answered.

"Talaga?!"

"Yup."

Napaigtad ako ng may biglang umakbay sakin. Si Kaizer.

"Hi love!" He kissed me on my cheeks.

"Hello." Nakangiti kong bati pabalik. "Alam niyo ba kung bakit absent si David?"

"Nope." Sagot ni Kaizer. Umupo siya sa tabi ko, nakaakbay parin sakin. Bumaling siya kay Caleb. "Alam mo ba kung nasan siya?"

Umiling ito. "Hindi. Nagtaka nga ako dahil absent siya. Noon kapag umabsent siya ay pinapaalam niya satin."

Biglang nag-ring ang phone ko. Agad kong kinuha ang phone ko sa bulsa ng coat ng uniform ko. Si Theo ang tumatawag.

"Wasup?" Bungad ko ng sinagot ang tawag.

"Kinuha nila Sato si Stevan at David." Sabi niya, may pag-alala sa kanyang boses.

"ANO?!" Bulalas ko dahila mapatingin ang mga pazzo sa 'kin.

"Don't worry. Trinack na ni Jace ang location kung saan sila dinala."

"The heck..." bulong ko sa hangin. "Saan kayo ngayon?"

"Hideout natin."

"I'll come there." Ani ko bago binaba ang tawag.

"What happen, love?" agad na tanong ni Kaizer.

"David and Stevan got kidnap." Ani ko.

"Sino ang kumidnap?"

"Si Sato."

Pagdating namin ng mga pazzo sa hotel na pagmamayari ng mga magulang ko, tinungo namin ang elevator. Nang makapasok na ang lahat I put my code agad namang nagsara ang elevator at imbes na pataas ang tungo ay bumaba iyon patungo sa 'ming hideout.







A/N: Thanks for the comments and votes! Stay Safe.

I'm Just For You (Book One) | ✓Where stories live. Discover now