Chapter 8

246 28 39
                                    

Chapter 08

Love


JAI'S POV

Lunes na ngayon at masaya ang naging weekends ko dahil nakasama ko ang mga Pazzo nung Sabado. Nasa bahay lang ako buong araw nung Sunday. Pagpasok ko sa classroom ay wala paring nag bago. Maingay at magulo parin ang classroom.

"Good morning, Jai!" Nakangiting bati ni Caleb sa akin.

"Morning," I greeted him back.

"Pwede mo ba akong samahan sa canteen? Nagugutom kasi ako." Sabi nito.

"Alright."

Nilagay ko muna ang backpack ko sa akin upuan bago sinamahan si Caleb papuntang canteen. Pagkapasok namin sa loob ay agad itong bumili ng sandwhich, umalis na kami kaagad pagkatapos.

"Salamat sa pag sama sa 'kin." Wika nito habang naglalakad kami pabalik sa clasroom.

"Naku wala 'yun." I said.

"Hindi mo pala sinabi sa akin na same village kayo ni Kaizer." Pagkuwan ay sabi nito.

"Hindi ka naman nag tanog."

Napanguso ito.

"By the way, matagal na pala kayong magkakilala ni Kaizer, hindi mo man lang sinabi sa akin." May pagtatampo sa boses nito.

Kumunot ang noo ko. "What are you talking about?"

"Nakita ko ang litrato mo kasama si Kaizer sa mansyon nila. Meron pa ngang isang litrato do'n na kasama niyo ang Kuya ni Felix." Kwento niya.

"Pano ko naman naging close si Kaizer pati narin ang Kuya ni Felix?" wala sa sariling tanong ko kay Caleb.

He shrugged his shoulders. "I don't know."

Pano kaya kami nagkakilala- napapikit ako ng mariin nang sumakit bigla ang ulo ko.

"Saan tayo pupunta?" tanong ng isang batang babae.

Wait... The little girl was me...

"Sa park, bibili ng ice cream." Sagot ng isang lalaki.

Hinawakan ng isang lalaki ang kamay  ko at naglalakad na kami papuntang park.

The kid who hold my hand looks like Kaizer.

"Libre mo Kuya, ha." Sabi ko sa isang lalaki na medyo hawig ni Felix.

"Alright. Ililibre ko kayo."

"Jai? Jai, okay ka lang?" napamulat ako sa boses ni Caleb.

Napakurap-kurap ako bago bumaling sa kaibigan ko. "H-huh? Y-yeah, i'm f-fine."

Tinititigan ako nito ng mabuti na para ba'ng sinisugurado kung okay lang ba ako.

I gave him a assuring smiled. "I'm alright, Cal, don't worry."

Halata sa mukha nito ang hindi kumbinsido pero tumango rin ito sa huli. Tahimik lang naming tinatahak ang daan papunta sa classroom namin. Kahit sumasakit ang ulo ko ay hindi ko na lang pinapahalata 'yon dahil ayaw kong mag-alala pa sa akin si Caleb.

Muli kong inalala ang nakita ko kanina sa aking isipan at nagtataka parin ako kung bakit ko kasama si Kaizer at kamukha ni Felix na Kuya niya siguro? Magkakaibigan ba kami noon pa? Kung magkaibigan pala kami ni Kaizer eh bakit kung itrato niya ako parang ibang tao na ngayon niya lang nakilala?

I sighed secretly at napailing na lang.

May nagawa ba akong mali noon kaya ganon na lang ang trato sa akin ni Kaizer?

I'm Just For You (Book One) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon