Chapter 29

205 27 14
                                    

Chapter 29

JAI'S POV

Sabado ngayon at maaga pa akong gumising dahil sasamahan ako ni Evan sa ospital para sa check up ko. Magaling na din ang ilong ko at mabuti na hindi dumating ang balita sa guidance dahil panigurado sesermonan ako ni Kuya Zaiden.

Kaninang madaling araw ay bumalik na si Lola Leah sa Spain, hindi ako sumama sa airport dahil antok na antok ako. At babalik na ako sa bahay ni Tita Lynn kaya inayos ko ngayon ang mga gamit ko dahil pagkatapos ng check up ko kay didiretso na ako sa bahay ni Tita Lynn.

Pagkatapos kong nilagay ang mga gamit ki sa maleta ay bumaba na ako at kumain ng almusal dahil on the way na si Evan. Saktong pumasok si Evan sa mansyon nung tapos na akong kumain.

"Bakit may dala kang maleta?" Takang tanong niya ng makitang may maleta akong dala.

"Babalik na ako sa bahay ni Tita Lynn dahil wala na sina Mom dun." Sagot ko. Napailing naman siya.

"Let's go." Sabi niya. Tumango naman ako.

Siya ang nagdala ng maleta ko at lumabas na kami ng masyon. Binuksan niya ang compartment ng kotse niya at nilagay ang maleta ko dun, pumasok na ako sa shot gun seat. Pagkatapos niyang ilagay sa compartment ang maleta ko ay agad siyang pumasok, pinausad niya na ang kotse.

"I heard dumugo yung ilong mo sa school, how is it now?"

"Okay naman. Ikalawang beses nga nila akong binato pero hindi man lang bumalik ang nawala kong memorya." Sagot ko, i sighed.

Mahina siyang natawa. "Loko ka talaga. Sino yung bumato sayo?"

"'Wag mo ng alamin."

"And why? Wala silang karapatan na gawin yun sayo, Leigh, sinumbong mo na ba sa guidance councilor?"

Umiling ako. "Mabuti na yung hindi alam ng guidance, baka pauwiin na 'ko sa New York."

"Pinatulan mo?" He asked.

Umirap ako. "Syempre hindi."

"Woah. First time mong hindi gumante, ah." Gulat na sabi niya.

"Tss." Umirap ako. Mahina siyang natawa.

Pagdating namin sa ospital ay agad kaming pumunta sa office ng doctor ko.

"Good morning, Ms. Mendoza" Bati ng doctora sakin.

"Good morning, doc" Bati ko pabalik.

"So iche-chek na kita, okay?" Sabi ng doctor. I just nodded.

Pinaupo niya ako sa upuan at sinimulan niya ng icheck ako.

"So, Ms. Mendoza, hindi ba sumasakit ang ulo mo lately? Wala ka bang biglang naalala sa past mo?" She asked.

"Naalala ko po yung na aksidente ako sa New York." Sagot ko.

Tumango siya. "Okay, so yun lang ba? Wala na?"

"'Wala naman, Doc."

She nodded. "So, Ms. Mendoza, the result is good and don't worry babalik na ang memoryang nawala mo after two months."

Tumayo ako. "Sige doc, thank you."

She smiled. "Dont force your self na makaalala ka dahil dudugo yung ilong mo at sasakit ang ulo mo. You're welcome, Ms. Mendoza" I just nodded and smile.

"Kamusta?" Tanong agad ni Evan ng makalabas ako sa opisana ng doctor.

"Babalik ang memerya ko after two months" Sagot ko.

"That's good then." Sabi niya. Ngumiti lang ako.

Pagdating namin sa parking area ay agad niyang pinatunog ang sasakyan niya at pumasok na kaming dalawa. Agad kong sinuot ang seatbelt at ganun din siya. Pinausad niya na ang sasakyan.

"May lakad ka pa ba?" He asked.

"Wala naman, bakit?"

"Samahan mo akong mag grocery. Ihahatid muna natin ang maleta mo sa bahay ni Tita Lynn"

Tumango ako. "Sige."

Gaya ng sabi niya ay hinatid mo na namin ang maleta ko sa bahay ni Tita Lynn bagi kami pumunta sa grocery store. Pagdating namin sa grocery store ay kumuha na ako ng push cart at ako ang tutulak 'non dahil siya ang nakakaalam ng bibilhin niya.

"Wala ka bang bibilhin?" Tanong niya sabay lagay ng mga can goods at biscuit.

"Wala."

"Pili ka libre ko." Sabi niya.

"Talaga?" Tumango siya. "Sige. Dito ka lang, huh?" Sabi ko at tumango naman siya.

EVAN'S POV

Tsk. Ang tagal naman ng pinsan ko. Isang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin siya nakabalik, panigurado madami na manang pinili 'yon. Libre eh.

Habang pumipili ako ng can goods ay may bigla na lang nag lagay ng mga chocolates at mga chichirya. Hindi na ako nagulat kung madami ang kinuha niya. Libre kasi eh.

"Ang tagal mo naman." Naiinip na sabi ko sa kanya.

"Sorry naman, madami kasi akong kinuha, eh" Sabi niya.

Napailing ako. "Ang kuripot mo pa rin hanggang ngayon. Kapag libre go na go ka."

"Tss. Minsan ka lang naman mang libre e kaya nilubos ko na." Sabi niya.

Napailing naman ako.

Pinagpatuloy na namin ang pag grogrocery. Habang pumipili ako ng bibilhin ko ay nakasalubong ko si Radli, umalis saglit si Leigh dahil may nakalimutan siyang kunin.

"Hi bro." Bati ni Radli sakin.

"Oh. Hello bro" Bati ko pabalik.

"Ikaw lang?" Tanong niya.

"Bakit? Sino ba ang inexpect mong kasama ko?" Natatawang sabi ko.

Mahina siyang natawa. "Wala naman. Sanay akong makita na magkasama kayo ni Leigh mag grocery."

Lagi kaming mag kasama ni Leigh mag grocery dahil kagkasama kami sa isang condo noon. Ayaw niya kasi sa mansyon nila dahil mades ad guards lang naman ang kasama niya dun at medyo nalakihan siya. Nasa New York kasi ang family niya, pinayagan lang siya na dito sa pilipinas siyang mag-aral.

"Actually kasama ko siya."

"Oh. Really? Where she is?" He asked.

"Pumipili ng pagkain na gusto niya. Alam mo na, libre ko eh" Sabi ko at tumawa.

Tumawa siya. "Hindi pa rin siya nag babago." Sumang ayon naman ako.

"Woi! Louise!" May biglang tumawag sakin.

Napalingon ako sa aking likuran at nakita ko si Leigh na may mga dalang solo pack na ice cream.

"Oh. Hi Rad ng dito ka pala." Sabi ni Leigh at nilagay na sa cart ang mga ice cream.

"Hi Leigh." Bati pabalik ni Rad.

"Parang inubos mo na ang ice cream sa store na 'to, Leigh" Sabi ko.

"Tss."

"Mas madami pa yung kinuha mo sakin, huh."

She smiled. "That's okay, Louise, bawi ako kapag may gilfriend ka na." Sabi niya sabay tapik sa balikat ko. Inirapan ko siya.

"So, sino ang kasama mong mag grocery?" Tanong ko kay Radli.

"Ako lang."

May biglan na lang pumasok sa isip kong kalokohan. "Ah, saktong sakto may kasama ka na ngayon" Sabi ko. Taka niya akong tinignan. "Sasamahan ka ng pinsan kong mag-grocery" Sabi ko at mabilis nag lakad, hatak ko na ang cart.

Napanga-nga naman si Leigh sa sinabi ko.

Alam kong minumura na ako ng paulit-ulit ni Leigh sa isip niya ngayon hahahaha, pero wala akong pake.

Σ>―♡→

Stay Safe!💓

I'm Just For You (Book One) | ✓Where stories live. Discover now