Chapter 12

224 28 78
                                    

Chapter 12

JAI'S POV

"L-leigh?" he looked shocked.

"Hi Rad, nice to see you again." Nakangiting sabi ko.

He smiled. "N-nice to see you too."

Bigla na lang tumikhim si Kaizer, "can we seat now, Owen?" He said, rudely.

"Sure bro, doon 'yung mesa niyong lahat." Sabi ni Owen, tinuro niya ang mesa malapit sa stage.

Habang nag-lalakad kami patungo sa lamesang tinuro ni Owen ay binati ako ng mga estudyante ng FIS.

"Hello Jairah."

"Hello Queen."

"Welcome back Queen Jairah."

Tumango lang ako sa kanila.

"You're famous, huh." Komento ni Kaizer pagkaupo namin sa upuan.

I shortly smiled.

"Tinawag ka pa nilang 'Queen', Jai." Manghang sabi ni Tan.

"Hindi naman big deal sa 'kin 'yun." I answered.

"Jairah!" May kung sinong tumawag sa'kin.

Napatingin ako sa aking harapan at nakita ko si Maxon na papalapit sa mesa namin. He is smiling.

"Nice to see you here, Jairah." Wika niya.

"Nice to see you again,"

"Nagkita na pala kayo ng boyfriend mo." Ngumiti siyang nakakaloko.

"Ex-boyfriend." Pagtatama ko. Uminom ako ng juice sa aking baso.

"Oh. Yeah, right." Mahina siyang tumawa. "May bago ka na ba'ng boyfriend?" He asked.

"Wala akong oras dyan, Maxon."

"He is still single, so may chance pa ba'ng mag-comeback ang JaiLi?"

"I don't care kung single siya. I came back here because I want to study hindi para balikan siya." Seryosong sabi ko.

"Wala na talagang chance?" pagsigurado pa niya.

Sasagot na sana ako kaso biglang tumikhim si Kaizer. "Can you go back to your table now?"

Lumipat ang tingin ni Maxon kay Kaizer. "Oh, Okay." Binalik niya ang tingin sa'kin. "Jairah, balik na ako do'n." Pagpaalam niya.

I nodded.

"Ang harsh mo masyado." Sabi ko kay Kaizer nang makaalis na si Maxon.

He tsked. "He is noisy." 

Napailing na lang ako.

"Do you still love your ex until now?" bigla niyang tanong.

Napatingin ako sa kanya. "Yes I love him..." sagot ko. Umiwas siya ng tingin at tumikhim. "Dati." Dagdag ko.

Tumingin siya ulit sa'kin at ngumiti. Nakita ko ang tuwa sa kanyang mga mata at hindi ko alam kung bakit.

Nag-desisyon kaming lahat na kumain na. Tahimik lang kaming kumakain.

Nag-enjoy kami sa birthday party ni Owen. Pagpatak ng alas-singko ng hapon ay nag desisyon na kaming umuwi. Agad kaming nag-paalam at nag-pasalamat kay Owen.

"Jai, ihahatid na kita." Pag-prisinta ni Luke ng makaalis na ang mga pazzo.

Tatanggihan ko na sana siya kaso nag-salita si Kaizer. "I'll take her home because we're in the same subdivision." He said, emotionless 

Wala nang nagawa si Luke kundi ang tumango nalang. "Okay. Sige mauna na ako." Paalam niya.

Binuksan niya ang pinto ng shotgun. "Get in." Sabi ni Kaizer ng makalayo na ang sasakyan ni Luke.

"Hindi na. Mag-jjeep na lang ako." Pagtanggi ko.

"Get in." Mautoridad na utos niya.

I swallowed hard. Pumasok na ako sa shotgun seat, agad niya 'yun sinara.

Agad siyang pumasok sa driver seat at sinuot ang seatbelt niya.

"Wear your seatbelt."

Agad ko naman yun  sinuot. Binuhay niya na ang engine ng kotse at pinausad na ang kanyang sports car. Tahimik lang kami buong biyahe.

Paagdating sa tapat ng mansyon namin ay agad akong nag-pasalamat sa kanya bago ako lumabas ng kotse niya.

Agad kong pinindot ang doorbell at bumukas iyon, bago pa ako makapasok ay biglang nag-salita si Kaizer.

"Good night, Jairah." He smiled.

Napalingon ako. "G-good night." I smiled at tuluyan ng pumasok sa loob.

Habang papasok ako ay narinig ko ang papalayong sasakyan ni Kaizer. Hindi ko alam kung bakit may nararamdaman akong kakaiba sa aking puso nang ngumiti siya sa akin. Napailing nalang ako at pumasok na sa loob ng mansyon.

"Saan ka galing, apo?" Bungad ni lola ng makapasok ako sa loob ng mansyon.

"Birthday kasi ni Owen, la. Sorry, I forgot to tell you."

She nodded. "Next time ipaalam mo sa'kin, okay?"

I nodded.

Agad akong umakyat sa tass at pumasok sa kwarto ko. Agad kong tinugo ang banyo para maligo. Agad kong blinower ang aking basang buhok pagkatapos kong magbihis at natulog na.

I'm Just For You (Book One) | ✓Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz