Chapter 19

197 27 25
                                    

Chapter 19

JAI'S POV

"Naiiyak ako sa love story niyo ni Seth." Komento ko habang pinunasan ang luha ko.

"Yeah, it really hurts" She smiled weakly.

"Love hurts. Nag paubaya ka kahit mahal mo, yung iba kasi gumagawa talaga sila ng paraan para mapasakanila ang taong mahal nila."

She smiled. "I'm not like that, gagawa ka nga ng paraan para maghiwalay lang sila pero yung ending hindi ka naman pala mahal. Maging masaya ka kapag naging tagumpay ang plano pero paano na lang kung wala siyang raramdaman sayo kahit one percent, useless. Mahirap talaga kapag nahulog ka sa kaibigan mo dahil natatakot kang sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman mo, dahil yung madalas na iniisip natin yung ma-busted tayo at baka hindi na gaya ng dati yung friendship niyo."

"You're right. Napaghiwalay mo nga pero hindi ka parin niya mahal. Sometimes it's hard to confess your feelings especially to your bestfriend" I sighed.

"Bakit? Naranasan mo na din ba yun?"

"Hindi pa." Pag-aamin ko.

"Naranasan mo na bang nag-confess yung kaibigan mo sayo?"

Tumango ako. "Oo." Tipid na sagot ko.

"Naging kayo ba?"

"Oo. Pero niloko ako."

She smiled sadly.

"Ngayon may nag confess ba sayo? Like kaibgan mo?"

Umiling ako. "Wala naman."

"Torpe talaga." Bulong ni Belle, pero di ko narinig.

"May sinasabi ka ba?" Takang tanong ko.

"Ah, eh, wala, wala" Agad na sabi niya. Tumango ako. "Sige, thanks sa pagsama sakin papuntang room" Sabi niya ng huminto kami sa harapan ng classroom nila.

"Naku wala yun, thank you sa pag kwento ng story niyo ni Seth"

"No problem." Sabi niya.

Nagpaalam na kami sa isat isa. Agad akong umalis at babalik na ako sa classroom. Dumaan muna ako sa cr para kunin ang camerang nilagay ko dun.

When I enter the restroom wala nang nakasulat sa mirror, agad kong kinuha ang camera sa pinagtaguan ko at nilagay ko iyon sa bulsa ng uniform ko.

Malapit na ako sa classroom ay naririnig ko pa ang ingay ng mga kaklase ko. Hindi ingay na nag-uusap, kundi ingay na nag-aaway. Agad kong binilisan ang lakad ko at pagdating ko sa pinto nakita ko si Seth na hinawakan nina Alex at Drei sa magkabilang braso.

"Ano ang nangyayari dito?" I asked them.

*

KAIZER'S POV

Pagkatapos umalis ni Jairah kasama si Belle agad kaming lumapit kay Seth, agad naman siyang binitawan ng dalawang estudyanteng lalaki. Agad naman nagsi-alisan ang mga estudyante.

Susundan sana ni Seth si Belle kaso pinigilan namin siya ni Jake.

"'Wag ka nang sumunod pa, Seth, she'll be fine. Si Jairah na ang bahala sa kanya." I said.

"Bitawan niyo akong dalawa! Siya ang rason kung bakit inaapi ngayon si Belle ng mga estudyante!" Sigaw ni Seth.

"Hindi siya ang may kasalanan kundi yung Klea na yun. Dahil si Belle yung tinuro niya nun kaya inaapi siya ngayon." Medyo inis na sabi ko.

"Tsk. Bitawan niyo ako, I want to check if she is okay." Inis na sabi niya.

"Wag kan ngang mag-alala dahil si Jairah na ang bahala sa kanya." Sabi ni Jake.

"Bumalik na tayo sa classroom." Seryosong sabi ko.

Agad kaming bumalik sa classroom pero makulit pa din si Seth, pumipiglas siya sa pagkahawak namin ni Jake dahil gusto niyang puntahan si Belle. Kaya pinahawak na namin kay Alex at Drei.

Alam naming lahat na may gagawin siyang hindi maganda kay Jairah kaya sinisigurado naming hindi siya susunod doon at hindi siya makalapit kay Jairah.

"Ano ba?! Palabasin niyo nga ako?! I want to see Belle!" Inis na sigaw ni Seth.

"You can see her later, Seth." Mahinahon na sabi ko.

"But I want to see her now! Hindi niyo ba nakita na may sugat siya sa tuhod kanina?!"

"Nakita pa namin na lumakad siya eh, at sigurado akong nakita mo din yun. Wag kang magalaka dahil okay siya." Sabi ni Tan.

He glared at Tan. "Shut the fuck up!"

"Kumalma ka nga." Mahinahong sabi ni Vince.

"Tama si Kaizer, Seth, you can checked her later." Sabi ni Felix.

"Gusto ko nga ngayon na eh, buksan niyo yung pinto at wag kayong humarang dyan!" Inis na sabi niya.

"Kumalma ka nga! She is okay dahil dinala na siya ni Jairah sa clinic!" Inis na sigaw ko.

Hindi ko na mapigilan eh. Tsk.

Pumipiglas siya sa paghawak nina Alex at Drei sa kanya, after a seconds natagumpayan niyang makawala sa paghawak nina Alex at Drei. Agad naman tumipon ang mga kaklase namin sa pintuan para hindi siya makalabas.

"Tangina, sabing tumabi kayo!" Inis na sigaw niya.

"Okay nga lang si Belle, Seth. Wag mo na siyang puntahan dun" Inis na sabi ni Lee.

"But i want to see her!" Inis na sabi niya sabay suntok kay Lee.

Agad naman hinawakan nila Drei at Alex si Seth. Pinunasan naman ni Lee yung dugo sa gilid ng kanyang labi.

Matalim kong tinignan si Seth. "Hindi kaba nakakaintindi sa salitang 'okay'? Dinala na nga siya ni Jairah sa clinic eh! Ano?! Gusto mong sumunod dun?!" Tumingin ako sa mga kaklase namin. "Tumabi kayo dyan sa pintuan." Utos ko sa kanila.

"Kaizer, hindi pwede." Sabi ni Jake.

"Tumabi kayo dyan." Seryosong sabi ko. Tumabi naman sila sa pintuan.

Agad akong lumapit sa pintuan, pabalibag kong binuksan yun.

Tumingin ako sa kanya. "Gusto mong puntahan siya? Sige puntahan mo na" Sabi ko at bumalik sa pwesto ko kanina na malapit sa kanya. "Bitawan niyo siya." Utos ko kila Alex at Drei.

"Alam mo kung ano ang gagawin niya kapag bibitawin namin si Seth" Sabi ni Alex.

Sasagot na sana ako kaso narinig ko ang pamilyar na boses ni Jairah.

I'm Just For You (Book One) | ✓Where stories live. Discover now