Chapter 115

119 20 26
                                    

Chapter 115

JAI'S POV

"Jai, narinig ko ang usapan ni Kaizer at Evan." Natapakan ko ang break ng kotse sa sinabi niya.

"Ano ang pinag-usapan nila, Caleb?" I asked seriously.

"They have a plan."

"Plan about what?"

"Plan about—Riva! You didn't tell me na pupunta ka pala dito sa bahay!"

"Uhm.. I just want to surprise you." Rinig kong sabi ni Riva sa kabilang linya.

"Na-touch naman ako!" madamdaming sabi ni Caleb.

"Caleb." I called his name.

"Ay—teka, Riva! Kakausapin ko lang si Jairah sandali." Rini ko ang pag 'okay' ni Riva.

"So, what's their plan?"

"Plano nila'ng pasokin bukas ang hideout ng Ti-ti—ano nga ba 'yung pangalan no'n?"

"Tiger Gang."

"Ah—oo! Tiger Gang. 'Yon nga, narinig ko ang usapan nila na papasukin nila ang hideout ng Tiger Gang bukas ng gabi."

"Ano pa ang narinig mo?" I asked.

"'Yun lang naman ang pinag-usapan nila."

"Sumali ba kayong lahat?" I asked seriously.

"No, sumali ang lahat maliban sa akin."

"Kingina." Mahinang mura ko.

"Sige, Jai. I have to go, ng dito kasi ang pinakamamahal kong babae eh."

"All right." I said at pinatay na ang tawag.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto sa salas, hudyat na umalis na si Evan. He thought na tulog na ako but he was wrong. Hindi niya alam na alam ko ang plano nila. Dinampot ko ang black na bag pack at sinuot 'yon. Naka black akong t-shirt at nakasuot din ako ng leather jacket, naka black pants din ako at black boots.

Agad akong lumabas ng unit at tinungo ang elevator. Pagbukas ng elevator ay agad akong sumakay, at wala sumakay na iba hanggang makarating ang sa parking lot ng condo building.

Pagbukas ng elevator ay  tinungo ko ang Ducati ko na katabi ng sasakyan ko. Agad akong sumakay at sinuot ang helmet. Pinaandar ko na ang Ducati, pinaiinit ko muna ang makina bago ko pinausad 'yon.

Pinarada ko ang Ducati ko sa dilim na parte ng daan. Pinatay ko ang makina ng Ducati at hinubad ang helmet.

"I'm already here." Bulong ko sa earpiece nang masuot na 'yon.

"All right. Madaming bantay sa unahan ng hideout nila, sa likod may limang lalaking bantay, so mag-ingat ka." Wika ni Silas.

"Copy." Bumaba na ako sa Ducati ko.

Walang ingay akong nag-lakad. Dumaan ako sa damuhan dahil aakyat ako sa pader ng hideout nila sa likod.

Walang ingay akong tumalon papaba sa loob ng hideout nila. Nakakita ako sa madilim kaya nakita ko ang limang lalaking walang malay na nakahiga sa lupa. Walang ilaw dito sa likod at hindi ako makita dahil naka all black ako.

"Naka pasok na ako. Walang malay ang limang bantay dito sa likod." I whispered at the earpiece.

"Okay. 'Wag kang dadaan sa bintanang dinaanan mo dati dahil may tao diyan. Dumaan ka sa katabing bintana dahil 'yan lang ang walang bantay o tao." He said.

"Copy." Walang hirap na inakyat ko ang bintana. Dahan-dahan kong binuksan ang bintana na sinabi ni Silas. Madilim at walang tao gaya ng sabi niya.

Niluwagan ko ang pagka-bukas ng bintana at maingat akong pumasok sa loob. Hindi muna ako gumalaw sa puwesto ko at pinikiramdaman ko muna ang paligid. Tumingala ako sa kisame at nakita kong merong puwestuhan do'n.

Agad kong inakyat do'n at saktong bumukas ang pinto. Nakita ko ang pagkapa niya ng switch sa gilid ng pinto. Halos nanlaki ang mga mata ko sa nakita nang bumukas ang ilaw.

I'm Just For You (Book One) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon