Chapter 72

164 22 56
                                    

Chapter 72

JAI'S POV

"Love, pansinin mo na ako." Pangungulit ni Kaizer sakin, ng dito kami sa classroom nakabalik na kami dito sa VIS.

Hindi ko pa rin siya pinansin.

"I'm just worried about you kaya hindi ko agad sinabi sayo dahil hindi mo pa ako naalala." Sabi niya pa.

"Palagi tayong magkasama sa New York, Kaizer. I know worried ka sakin dahil mag-ti-triggered ang utak ko pag may nabanggit kayo na hindi ko pa naalala. Sana nung paglipat ko dito ng school sana sinabi mo sakin na ikaw pala yung Kaizer na palaging kong kasama sa New York." Hindi ko na mapigilan kaya nag-salita na ako. "Hindi na kita matandaan dahil halos dalawang buan kanang hindi nakadalaw sakin dun sa New York at naging busy na din ako dun."

He pouted. "Sorry na, love. Promise babawi ako. Hindi na ako nakadalaw sayo dahil may malaking problemang dumating."

"Babawi ka talaga?" Pagsisigurado ko.

"Yup. Babawi ako."

"Malapit na 'bang matapos ang isang minuto?" Tanong ko kay Caleb. Ng dito kami ng mga pazzo sa field.

"Five seconds left." Ani Caleb.

"Four! Three! Two! One!" Sabay-sabay na bilang ng mga pazzo.

Hinihingal na huminto si Kaizer sa harapan namin. Pinatakbo ko lang naman siya sa field nang isang minuto.

"Sasali ka ulit sa underground fight?" Tanong ko sa kanya, nakataas ang isang kilay.

Umiling siya. "H-hindi na." Hinihingal na sabi niya. I wipe his sweat. Nagkantiyawan naman ang mga pazzo.

"Yieeee!"

"Sana all may taga punas ng pawis!"

"Kinikilig si gago!"

Napailing na lang ako. Bumaling ako sa mga pazzo after I wipe Kaizer's sweat. "Kapaga sumali din kayo sa underground fight papatakbuhin ko din kayo sa field."

"Bakit tayo ng dito sa park?" Takang tanong ko kay Kaizer. Naka-upo kami ngayon sa bench dito sa park. Sabado ngayon kaya wala kaming pasok.

Nakangiti siyang bumaling sakin. "Dito kitang una na kita at dito mo rin ako sinagot. Dito mismo sa kinuupuan natin." He smiled. "Nung una kitang nilapitan sinulyapan mo lang ako saglit at saka binalik mo na ulit ang tingin mo sa binabasa mong libro."

Parang pamilyar ang kunukwento niya sakin. I think napaniginipan ko 'to.

Saglit kong sinulyapan ang lalaking huminto sa harap ko at binalik ko na ulit ang aking paningin sa binabasa ko.

"Kamusta kana, Jairah?" Wika nung lalaki pagkalipas ng ilang segundo.

Napaangat ako ng tingin dahil nagtaka ako kung bakit niya alam ang pangalan ko. Matagal kong tinititigan ang lalaki bago mag-pruseso sa isipan ko kung sino siya. "Kaizer?"

Ngumit siya. "Ako nga. Akala ko hindi mo na ako na-aalala." Umupo siya sa tabi ko.

Sinara ko ang libro. "Sorry hindi kasi kita na mukhaan agad eh dahil tatlong taon na tayong hindi nagkita."

"Oo nga eh. Dito na ba kayo ulit titira sa Pilipinas?" He asked.

Tumango ako. "Oo. Mabuti at napilit ko sina mommy't daddy."

"Mabuti naman kung ganon." He smiled. "May boyfriend ka na ba?"

"Oo." Ikling sagot ko.

Napaayos naman siya ng upo. "Ilang months or years na kayo?"

"Two months palang kami. Ikaw, may girlfriend ka na?"

Umiling siya. "Wala akong girlfriend since birth."

"Oh. So you're NGSB, huh?" Natatawa kong sabi.

"Hmm-mm."

"Bakit hindi ka pa naghanap ng girlfriend?"

"Actually may nagustuhan–no, may mahal na ako kaso may boyfriend na." Malungkot siyang ngumiti.

"Alam mo ba kung ano ang sinabi mo sakin nun? "'Wag kang mag-alala kung para talaga kayo sa isa't-isa—"

"—gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana."" Pagpapatuloy ko sa sasabihin niya.

Nanlaki ang mata niya. "You remember?"

Tumango ako. "Uh-huh. Napaniginpan ko kasi yan eh. This past few days ikaw at ako ang nakikita ko sa aking panaginip,"

He hugged me tightly. "Unti-unti mo nang na-aalala, love." Masaya niyang sabi.

I hugged him back. "Yup. Kaya konting tiis na lang babalik din ang memorya ko."

"And gumawa nga ang tadhana para mapasakin ka," sabi niya pagkuwanan.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Oh gosh! I love him.




A/N: 'Yan lang muna guys. Hindi ako sure kung makapag-update ako bukas :)

I'm Just For You (Book One) | ✓Where stories live. Discover now