Chapter 9

231 27 18
                                    

Chapter 9

Plan Gone Wrong


JAI'S POV

Hapon ngayon at hindi dumating ang prof namin kaya maingay na naman ang mga Pazzo at may mga sariling mundo. Habang may sari-sariling mundo kami ay bigla na lang may kumatok sa pintuan ng classroom namin, sina peste no.1 at no.2

"Kailangan niyo?" Maangas na tanong ni Alex sa kanila.

"We are here for that bitch!" Maarteng sagot ni pestecide no.1 sabay turo sa akin.

Did she call me bitch? Baka siya 'yung bitch!

Napataas ang isang kilay ko, tumayo ako. "May I remind you that my name is Jairah not Bitch." Suplada kong sabi.

Inirapan ako ni pestecide no.2. "Sumama ka sa amin,"

"And why?" I asked.

"Basta! Sumama ka na lang sa amin." Inis na sabi niya.

"Jai 'wag kang sumama," Pigil ni Luke.

Liningon ko siya. "Sasama ako sa kanila, sayang naman ang pag-hahanda nila ng parusa sa akin kung hindi ako sasama." I smiled sweetly.

They all sighed.

Binalik ko ang tingin ko sa dalawang pestecide. "Buona fortuna." Good luck.

Kumunot ang nuo nila.

"What did you say?" Takang tanong ni pestecide no.1

Nginitian ko lang sila ng matamis at nauna ng maglakad.


"Anong gagawin natin dito?" Bored kong tanong nang nasa field na kami.

Ngumisi si pestecide no.1 at puamalpak ng dalawang beses, bigla na may sumulpot na pamilyar na lalaki sa aking harapan.

"J-jairah?" Gulat na sabi nung lalaki.

"You're a student in FIS?" I asked. He nodded

Kaya pala pamilyar.

"Y-yes doon ako n-nag-aaral." Kinakabahang sabi niya.

"So what are you doing here then? Wala ka ba'ng klase?"

"M-meron akong class p-pero pinapapunta nila a-ako dito." Tinuro niya sina canvas no.1 at no.2.

"Bakit ka nila pinapunta dito? What is your name?" Sunod-sunod kong tanong.

"M-may ipapagawa sila sa akin. I'm Maxon Jax Perez, mag-kakilala na tayo noon pa."

"Oh, I remeber you now. Kaano-ano mo ba silang dalawa?" Tinuro ko ang mga pestecides.

"K-klea is my c-cousin."

I nodded. "I see."

KAIZER'S POV

Sumunod kaming lahat kina Jairah dahil baka kung ano pa ang gagawin ng dalawang babaeng 'yun sa kanya.

Nandito na kami ngayon sa field at binabantayan namin ang bawat galaw ng dalawang babae. 

"Teka nga?! Simulan mo na ang gagawin mo sa kanya, Maxon!" Singit ni Klea. "At bakit ka ba nauutal at kinakabahan dyan? Don't tell me natatakot ka sa babaeng 'to?!"

"Nasan na kasi ang paparusahan niyo para magawa ko na ang utos mo!" Inis na sabi nung Maxon.

"Stupid! Eh di 'yang sa harapan mo!" 

Halatan nagulat si Maxon sa sinabi ng pinsan niya. "S-siya?" Pagsigurado niya, tinuro niya pa si Jairah.

"Oo, siya nga!"

Napakurap-kurap si Maxon. "Kilala niyo ba kung sino ang kinakalaban niyo, Klea?"

"Oo! Siya lang naman si Jairah ng Section Five," pa-irap na sabi ni Klea.

"Hindi niyo siya talaga kilala." Sabay iling ni Maxon. "Sabagay puro paganda lang naman ang inaatupag niyo. Hindi ko gagawin ang utos mo because Jairah is my friend."

The fuck?! Magkaibigan sila?!

"Sino ba talaga si Jairah?" Singit ni Caleb.

Halos lahat kami ay napasinghap na magkakaibigan nang biglang sumingit si Caleb sa eksena.

Binalingan siya ni Maxon. "I respect my friend, so hindi ko sasabihin sayo."

Nag fist bump muna sila ni Jairah bago siya umalis.

"S-so ikaw si L-leigh, ang e-ex ni Radli?" Kinakabahang tanong ni Mila.

Ngumiti ng matamis si Jairah. "Remember me now? Ssssss." Ginaya niya ang tunog ng ahas.

Her sweet smile was not sweet, it's was frightening.

"O-oh my gosh." Napatakip si Mila sa kanyang bibig.

Nang-aasar na tumawa si Jairah. "Oh my gosh talaga. Sineryoso ka ba niya? Hindi diba? Kawawa ka pala." Mapanuya ang boses niya at tinalikuran na si Mila.

"So ikaw pala?" Tanong ni Klea kay Mila, hindi makapaniwala. Tipid na tumango si Mila tila hindi pa na-proseso sa isipan nito ang sinabi ni Jairah. "What the hell, Mila?!" she exclaimed.

"Ipaliwanag niyo nga sa'kin kung ano ang nagyayari, kung bakit ginaya ni Jairah ang tunog ng ahas?" Singit ni Caleb, nag-tataka sa nangyayari.

Tsismoso talaga ang isang 'to!

Hindi nila pinansin ang tanong ni Caleb. "Mabuti at hindi siya gumanti sayo, Mila." Pagpatuloy ni Klea. "Kaya pala ang familiar ng mukha niya, akala ko nasa New York siya?"

"Hindi ko maintindihan!" Nalilitong sabi ni Caleb. "Pwede ba'ng i-share niyo sa'kin ang buong kwento? Hindi ko ipagpakalat, promise." Tinaas niya pa ang kanang kamay niya na parang nanunumpa.

Inirapan lang siya ni Klea at hinila na paalis si Mila.

"Tsismoso ka kahit kailan, Cal." Komento ni Tan, natatawa.

"Sa nalilito ako eh!" He pouted.

"'Wag na tayong mangialam. Problema na nila 'yun," I said.

Sumang-ayon naman sila.

Bumalik na kami sa classroom at nandoon si Jairah nakaupo sa kanyang upuan na parang may malalim na iniisip. Napukarap-kurap siya nang pumasok kami sa room, she smiled to us.

I sighed secretly.


I'm Just For You
(Book One)
underthegalaxy01


I'm Just For You (Book One) | ✓Where stories live. Discover now