Chapter 62

161 26 69
                                    

Chapter 62

JAI'S POV

Nag-lalakad kami ngayon ng mga pazzo sa dalampasigan dahil ipapakita ko sa kanila ang kabuoan ng isla namin.

"Ang ganda ng dagat." Manghang sabi ni Caleb.

"At white sand." Dagdag ni Kent.

"Jai, kanino ang isang islang yun?" Biglang tanong ni Tan, nakaturo siya sa isang isla na medyo kalayuaan sa islang 'to.

"Ah, that's my brother island." I answered.

"Sa kapatid mo yun?" Singit ni Caleb. I nodded.

"Eh kaninong isla naman yun?" Tanong naman ni Jake sabay turo sa katabi ng isla na malayo sa islang to pero kita pa din.

"Hindi ko alam eh." Tumango siya.

"May isla ka din ba Jai?" Caleb asked.

"Wala akong isla." I answered.

Napahinto kaming lahat sa paglalakad ng may tanaw kami bangka na papalapit samin.

"Papunta ang bangka dito. Kilala mo ba siya Jai?" Rin asked. Umiling ako.

I was surprised when Kaizer suddenly wrapped his arm around my waist.

"Remove your arm around my waist." Sita ko pero hindi niya ako pinansin nakatingin pa din siya sa lalaking sakay ng bangka.

"Hi Leigh!" Masayang salubong ng lalaki pagkababa niya sa bangka.

"Hi?" Naiilang na bati ko.

"Hindi mo pa din ako naalala?" May lungkot sa kanyang boses. Napatingin siya sa kamay ni Kaizer sa bewang ko. "Wag kang mag-alala I will help you to remember me." Hinigit na niya ang aking pulso pero nagulat nalang akong may isang kamay na humawak sa isang kong pulso. Si Kaizer.

"Let go." Utos ni Kaizer, masamang tingin ang pinukol niya sa lalaki.

"Ikaw ang bumitaw." Inis na sabi nung lalaki, hinatak niya ako pero hinatak din ako ng Kaizer papalapit sa kanya.

"She's mine kaya bitawan mo na siya bago ko pa basagin ang mukha mo." He said in a cold voice. Hindi parin binitawan nung lalaki ang pulso ko, masama ang tingin nila sa isa't isa.

"'Tol kung ako sayo bitawan mo si Jairah." Singit ni Caleb, seryoso siyang nakatingin sa lalaki.

"Dapat 'yang kaibigan mo ang sabihan mo, hindi ako." May halong inis sa boses nung lalaki.

Susugurin na sana ni Kaizer ang lalaki pero umawat ako.

"Teka nga!" Awat ko. Napahinto siya. Ako na mismo nag tanggal ng pulso ko sa pagkahawak nila. "Ano ba ang problema niyo?"

"Nothing." Inakbayan na ako ni Kaizer at naglakad, sinadya niya banggain ang lalaki sa balikat.

"I saw that Kaizer." Hindi niya pinansina ang sinabi ko.

"Sino ba yun?" Tanong ni Jake. Sumunod pala ang mga pazzo samin.

"Not important." Ikling sagot ni Kaizer.

Bumalik na kami sa mansyon before lunch. Nag-paalam ako sa mga pazzo na pupunta ako sa kusina. When I entered the kitchen I saw the guy earlier helping Manang Cora to cook.

"Oh, hija, ikaw pala. May kailangan ka?" Manang Cora asked.

"Ahm, Manang can I excuse him?"

Tumango si manang na nakangiti. "Oo naman, hija."

Sinenyasan ko ang lalaking sumunod sakin. Pumunta kami sa graden. Umupo kami sa upuan.

"Sorry for that earlier sa inasal ni Kaizer." Wika ko.

"Okay lang yun. Sanay na ako sa kanya."

Tumango ako. "What is your name?"

"I'm Kael." Nakangiting sabi niya.

"Are we that close? Pasensya na sa tanong pero i'm just curious because you called me in my second name earlier."

He smiled. "Yes, we're very closed."

"Can you tell me kung gaan tayo ka close?"

"Baka mawalan ka ng malay kapag sinabi ko sa iyo."

"Promise hindi 'yan." I assured him.

He sighed pero kinuwento niya parin. "Since bata pa lang tayo ay close na tayo. Madalas kasi kayo bumibisita dito kaya tayo naging close. Nung nag highschool ka ay madalang nalang kayo umuwi dito. When I heard the news from my mother that you got into an accident, sobrang nag-alala ako kasi ayaw kung mawalan ng kaibigan. Gusto ko, kami ni Mama na lumuwas sa Manila nung nalaman naming umuwi na kayo galing New York pero sabi ni Tita ay wala kang maalala at kapag sinabi namin sayo kung sino kami sa buhay mo baka ma triggered ang utak mo at baka babalik na naman sa umpisang wala kang maalala." Kwento niya. "When my mother told me na pupunta ka ngayon dito ay masaya ako kasi ilang years na tayong hindi nagkita."

I smiled. "Sorry if I can't remember you but my doctor said that after two months my memory will came back. I will try my best to remember you as soon as possible."

"Don't force yourself to remember, Leigh." Paalala niya.

"I can't promise you that."

I'm Just For You (Book One) | ✓Where stories live. Discover now