Chapter 98

131 19 57
                                    

Chapter 98

JAI'S POV

Two months had passed. At ang two months na 'yun ay naging masaya ako at in the same time malungkot, dahil sa problemang kinikimkim ko. Hindi na nagtatampo si Evan sakin ngayon at ang sabi niya 'wag na daw akong sumali sa underground fight at baka tuluyan na siyang magalit sakin.

Si Caleb ay niligawan na rin si Riva, si Luke may niligawan na rin. Masaya ako para sa mga pazzo dahil unti-unti na silang nakahanap ng taong mamahalin nila.

Two months na nga ang nakalipas pero hindi ko parin masabi-sabi kay Kaizer 'yun. Tinutulongan niya parin ako makaalala, he always bring me at the place kung saan kami madalas noon.

Napatigil ako sa aking iniisip ng biglang umingay ang crowd. Nang dito kami ngayon sa basketball court, may laro kasi sina Kaizer at kalaban nila ang kabilang school.

"What happend?" Tanong ko kay Caleb.

"Nanalo tayo!" Masaya niyang sabi.

Sa Section Five sina Kaizer, Felix, at Vince ang mahilig sa basketball kaya varsity player sila sa aming school. At ang captain ng grupo ay si Kaizer.

Nakita kong papalapit si Kaizer sa puwesto namin, nakangiti.

"We won, love!" Masay niyang sabi.

Kinuha ko ang towel at pinunasan ang kanyang pawis.

"E pano kayo hindi mananalo eh ng dito ang inspirasyon mo." Singit ni Caleb.

Kaizer chuckled.

Kinuha ko ang water bottle niya at binigay ko yun sa kanya, agad niya naman yun kinuha at uminom.

Agad lumapit si Felix at Vince at narinig ko ang pag-congrats nila sa dalawa pati narin si Kaizer.

Pagkatapos siya magpasalamat sa bumati sa kanya ay tumingin siya sakin.

May malapad na ngisi sa kanyang labi. "Siguro naman hindi mo nakalimutan ang bet natin, hindi ba?"

Patay!

"O-oh, that..."

"Walang bawian, love." Sabi niya at nagnakaw ng halik sa aking mga labi.

"Meron pa akong natitirang apat na halik." Aniya at kumindat pa. Inirapan ko nga.

After naming mag-celebrate sa pagkapanalo nila ay nagsi-uwian na ang kagrupo nila sa basketball. Halos lahat sa mga pazzo ay lasing na. At mabuti nalang nang dito kami ng mga pazzo sa condo ni Kaizer nag-celebrate, at kung hindi baka nahirapan na ako sa pag-alalay sa kanila.

Ang iba ay nakahiga na sa sahig at tulog na sa sobrang kalasingan, ang iba naman ay nakaupong nakatulog at may hawak pang bote nang beer.

Napailing nalang ako at inalalayan ko si Kaizer patungo sa kwarto niya dahil lasing na lasing na ito, may sinasabi pa siya pero hindi ko maintindihan 'yon. Agad ko siya hiniga sa kama. Pumasok ako sa banyo niya at kumuha ng palanggana at bagong bimpo.

Pinatong ko ang palanggana sa kama niya. Pinunasan ko ng basang bimbo ang mukha niya, sinunod ko naman ang kanyang leeg. Hinubad ko ang kanyang t-shirt at putek may abs ang boyfriend ko. Apat na pandesal iyon. Mierda! Agad kong pinunasan ang kanyang dibdib patungo sa abs niya, halos hindi na ako makahinga habang pinupunasan ko iyon.

Kinalas ko ang sinuturon niya at agad kong bikusan ang bottones ng kanyang pantalon, binaba ko ang zipper at hinubad ko na ang kanyang pantalon. Bumungad sakin ang itim niyang boxer. Malim akong bumuntong hinga at saka umiling. Agad kong pinunasan ang isang binti niya at sinunod ko naman ang isa.

Agad akong kumuha ng t-shirt niya sa closet pagkatapos ko siyang punasan, agad kong sinuot yon sa kanya. Agad akong pumasok sa banyo para binuhos ang natitirang tubig sa palanggana sa toilet bowl. Nilabhan ko rin ang bimpong ginamit ko at sinampay ko iyon.

Agad akong lumabas sa banyo at pinulot ang mga damit niyang hinubad ko kanina. Nang dinampot ko ng pantalon niya ay may bigla nalang nahulog galing sa bulsa ng pantalon niya, wallet niya iyon at naka bukas iyon. Agad kong pinulot iyon at napatigil ako ng makita ko ang baby picture ko sa lalagyan ng picture sa wallet niya.

Napakunot ang noo ko sandali. Kaya pala kulang yung picture ko dahil nasa kanya pala. Napailing nalang ako at nilagay iyon sa bedside table niya.

After kong maligo ay nagbihis ako bago tinuyo ang aking buhok gamit ang blower. May blower dito dahil naalala ko yung time na dito lagi akong natutulog sa condo niya at bumili talaga siya ng halos pambabae na gamit para may magamit daw ako kapag pupunta ako sa condo niya.

Pagkalabas ko galing sa banyo ay lumapit ako sa kanya at inayos ang pagkamot niya. Aalis na sana ako may biglang may humawak sa pulso ko at hinatak ako pahiga sa kama. Tatayo na sana ako kaso hinigpitan niya ang pagyakap niya sakin.

"Stay, love." He whispered.

Wala akong nagawa kundi tabihan siya ng higa, hindi rin ako makaalis dahil sa higpit ng yakap niya. Unti-unti kong pinikit ang aking mata ng makaramdam ako ng antok, bago pa ako lamunin ng antok naramdaman kong may lumapat na malambot sa aking nuo at narinig ko pa ang bulong ni Kaizer.

"I love you, love. Dream of me."



A/N: 'Yan lang muna guys!
Stream Rosé "On the ground" on YouTube🌹💜
Stay safe!

I'm Just For You (Book One) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon