Chapter 22

208 26 32
                                    

Enjoy reading!❤

Chapter 22

JAI'S POV

Napawi ang ngiti ni Manang Matilda sa tanong ko at umiwas ng tingin.

"Manang, kilala niyo po ba si Jaiden?" I asked her again.

"H-hindi ko siya k-kilala, hija." Kinakabahang sagot ni Manang. She's lying.

I sighed. "Manang, I know you're lying. Tell me who he is."

"Kababata mo, hija" Sagot ni Manang

"Saan na siya ngayon kung ganun?"

"Hindi k-ko alam hija" She's lying again

"Sige, Manang, hindi kita pipiliting sabihin sakin kung saan siya nakatira, pero close ba kami?"

"Sobra, hija." She smiled.

I sighed. "Kung ganon isa din pala siya sa nakalimutan ko?"

"Siguro nga, hija, mas close kayo ni Jaiden keysa sa kuya mo"

Tumango ako. "Saan po siya nag-aaral ngayon?"

"Graduate na siya, hija, ang sa pagkakaalam ko nagtratrabaho siya ngayon sa companya ng parents niya. Pareho lang ang edad nila ng kuya mo."

Tumango tango ako. "Kung ganon, nasan po ang parents niya?"

Malungkot na ngumiti si Manang. "Isang taon na ang lumipas ng mamatay ang mga magulang niya. Ang sa pagkakaalam ko nag-aaral ngayon ang kapatid niya sa VIS kung saan ka nag-aaral."

"Alam ko po, si Felix yung kapatid niya diba?" Tanong ko.

She smiled. "Tama ka, hija."

Magtatanong pa sana ako kay Manang kaso narinig ko ang boses ni Lola Leah.

"Nakauwi na ba ang apo ko?" Rinig kong tanong ni Lola.

"Opo, Mam, nasa garden po siya ngayon." Sagot ng isang kasambahay namin.

"Sige, Manang, salamat sa pagsagot sa mga tanong ko." Pagpapasalamat ko. She smiled.

"Wala yun, hija, sige ipagpapatuloy ko na ang paglilinis" I nodded.

Pinagpatuloy na ni Manang ang pagwawalis sa garden at sakto din ang pagdatin ni Lola sa garden.

"Hi, apo." Sabi ni Lola at bumeso sakin.

"Hello, Lola." I greeted her back.

"Kanina ka pa?" She asked.

"Medyo po, hinatid ako ni Evan"

She nodded. "Mabuti naman, sige magbihis ka na dahil maya-maya kakain na tayo ng dinner" Tumango ako.

Gaya nga ng sabi ni Lola nagligo at nag bihis agad ako.

Kinabukasan pinahatid ako ni Lola sa driver namin dahil flat yung gulong ng bike ko. Pagdating sa school agad pinark ni Manong ang kotse sa parking area,

"Mam, susundoin ko po kayo mamaya." Sabi ni Manong.

"Sige, Manong" Sabi ko at bumaba na ng kotse.

Agad namang pinausad ni Manong ang kotse pagkasar ko ng pinto. Aalis na sana ako sa paring area ng mag bigla nalang tumikhim, agad akong tumingin sa gilid ko at nakita ko si Kaizer.

"Kanina wala ka pa dyan, multo ka ba? Bigla ka na lang kaseng sumusulpot, eh" Sabi ko.

Tinuro niya ang kotseng katabi namin. "Kakapark ko lang ng kotse ko. Sabay na tayong pumunta sa room?"

"Sige."

Nagsimula na kaming maglakad ni Kaizer papuntang classroom. May bigla na lang akong naalala kaya tinanong ko na agad sa kanya.

"Ahm, Kaizer, diba lagi tayong naglalaro noon kasama si Jaiden?"

Tumango siya. "Yes, why? Mabuti at naalala mo na ako."

"Sorry, hindi pa kita naalala nalaman ko lang kasi kay Caleb na magkakilala na pala tayo noon. Eh, saan na pala nakatira si Jaiden ngayon?" I asked him.

Malungkot siyang ngumiti. "Its okay if hindi mo pa ako naalala. Ang sa pagkakaalam ko nasa France ngayon si Jaiden"

I smiled. "Ganun ba, uhm, tuwing kailan pala siya uumuwi sa Pilipinas?"

"Depende kung kailan ang free niya"

"Nagkikita pa rin ba kayo?"

"Nung New Year ang huling pagkikita namin"

I sighed. "Mabuti ka pa"

"Dont worry, gusto ka nga din niya makita pero abala siya sa kompanya niya"

Tipid akong ngumiti. "I understand, but it's okay baka soon magkikita ulit kami"

"Yeah." He smiled.

"Naks, nakangiti ka ngayon Kaizer, ah, lakas talaga kapag in love" Biglang sabi ni Caleb ng makapasok kami ni Kaizer sa pinto.

"Good mood ka ngayon, Kaizer" Sabi ni Vince at tinapik tapik pa ang balikat ni Kaizer.

"Sabay talaga kayong maglakad papuntang room natin, ah" Nakangising wika ni Jake.

Nakikiasar na din ang mga pazzo.

"Yieee, new love team na bayan?"

"Aba dumadamoves si Kaizer"

"Gagraduate na si Kaizer sa NBSB, guys"

"Fuck y'all" Tanging sabi ni Kaizer.

Dumiretso na lang ako sa aking upuan habang inaasar pa din si Kaizer ng mga pazzo. Bigla na lang lumapit si Caleb sakin.

"Uy, Jai, papalitan mo na ba si Radli? Eight months na kayong hiwalay diba?"

Aba! Hindi halata na tsismoso 'to ah. Update sa relasyon ko noon.

"Napaka-tsismoso mo talaga, Cal. Eh ano naman kung walong bwan na ang makalipas nung maghiwalay kami?"

"Eh, di nakamove on ka na sa kanya."

"Natural. Hindi ba halata? I set him free" I smiled.

"Nays, may pag-asa pa si Kaizer" Bulong ni Caleb pero hindi ko narinig.

"Binubulong mo dyan?" Tanakng tanong ko sa kanya.

"Ah, wala, wala" Napakamot siya sa ulo.

Tumahimik na ang mga pazzo dahil dumating na ang prof namin, agad silang umupo sa kanilang mga upuan.

I'm Just For You (Book One) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon