Chapter 26

203 26 24
                                    

Chapter 26

IVANN'S POV

Pagkatapos naming bumihis ng P.E uniform ay agad kaming pumunta sa gym.

"P.E class din ba nina Leigh, Ivann?" Tanong ni Faye.

"Ewan ko."

Pinandilitan niya ako ng mata. "Nag-away kayo 'no?"

"Hindi, ah." Tanggi ko.

"Liar! Sabihin ko nga sakin kung ano ang pinagawayan niyo?"

I sighed. "May pruweba na siya na hindi si Belle ang nag sabi na malandi ang girlfriend ko."

"Eh ano ang nangyari?" Takang tanong niya.

"Sinabi ki lang naman na hindi importante yun at matagal na nangyari yun."

She sighed. "Nag pauto ka kasi sa dalawang hinayupak na yun eh. 'Wag mo na nga silang kampihan, malaman at malaman din ni Leigh ang totoo, Ivann."

"Ang gusto ko sina Kuya Matt ang mag sabi sa kanya yun, hindi ang dalawabg yun." Sagot ko. She sighed.

"Babe, si Jairah 'yun diba?" Tanong ni Lauree, sabay turo sa babaeng walang malay na nakahiga sa sahig ng gym.

"Shit!" Mura ko.

"Leigh!" Sigaw ni Faye.

Agad kong nilapitan si Leigh at bunuhat siya at lumabas na gym, sumunod naman agad sina Faye sakin papuntang clinic.

Pagdating namin sa clinic ay agad ko siyang hiniga sa clinic bed. Nasa labas sina Faye dahil hindi pwede na madami ang tao sa clinic.

"Ano ang nangyari sa kanya?" Tanong ng nurse.

"Nadatnan namin siyang walang malay at dumugo na ang kanyang ilong." Sagot ko.

Tumango ang school nurse. "Sige, ako na ang bahala sa kanya."

Agad namang pinunasan ng nurse ang dugo sa ilong ni Leigh, pagkatpos nilinisan ng nurse ang ilong ni Leigh ay nilagyan niya ito ng nose pad.

"Hintayin niyo na lang na magising siya." Sabi ng nurse pagkatapos. Agad naman lumabas ang nurse at sinarado ang kurtina.

Agad akong umupo sa upuan na katabi ng clinc bed kung saan nakahiga si Leigh.

JAI'S POV

Pagakatapos naming mag recess ay agad akong nag paalam sa kanilang tatlo dahil magbibhis ako ng P.E. uniform ko dahil ang next subject namin ay P.E.. Sa gym kami kaklase.

Pagkatapos kong mag bihis ng P.E. uniform ay pumunta na ako sa gym. Agad kong nakita sina Caleb sa bleachers ng gym, agad akong lumapit sa kanila.

"Absent yung teacher natin sa P.E" Agad na sabi sakin ni Caleb.

"Sayang naman kung ganon."

"Section Five! Tumayo na kayo dahil may klase tayo!" Sigaw ni Kaizer.

"May klase pala tayo, eh." Sabi ko.

Agad naman kaming lumapit kung nasan ang mga kaklase namin.

"Find your partner!" Utos ni Kaizer.

"Cal, partner tayo?" Sabi ko kay Caleb, pagtingin ko sa gilid ko ay wala na siya.

Agad akong tumingin sa harap at nakita kong hinawakan sina Seth, Caleb, at David sa magkabilang braso. Si Kaizer at Luke ay may hinahawakang bola.

"Woi! Ano namang kalokohan 'to?" Tanong ko sa kanila.

"Jai! Lumabas ka na sa gym!" Utos ni David.

"Lumabas ka na, Jai, babatohin ka nila ng bola!" Sabi naman ni Seth.

"Jairah! Lumabas ka na ng gym!" Utos naman ni Caleb.

Hindi ko pinansin ang sinabi nila. "Ano naman ba ang problema mo, Kaizer?" Kalmadong tanong ko.

Hindi siya sa sumagot at drinibol na nila ni Luke ang bola. Agad akong binato ni Luke ng bola sa mukha dahilan dumugo ang ilong ko at nakaramdam ako ng hilo, malakas ang pagkabato niya. Mabuti at nabalanse ko pa ang aking katawan.

Sunod namang binato ni Kaizer ang bola at tumama yun sa mukha ko, pero hindi kasing lakas ng pagbato niya keysa kay Luke. Nawalan na ako ng balanse at napaupo na ako sa sahig, dumogo naman ang ilong ko at nanlabo ako paningin ko.

Ang huli ko nakita ay binitawan na sina Celeb, Seth, at David at ang pagsok nina Ivann sa gym ng tuluyan na akong mawalan ng malay.

I'm Just For You (Book One) | ✓Where stories live. Discover now