Chapter 28

200 26 15
                                    

Chapter 28

CALEB'S POV

Nung nakita namin si Jairah na umakyat sa building kung nasan ang room ng section one to four ay agad kaming sumunod. Pag-akyat namin ay nakita namin si Jairah na bumaba sa kabilang hagdan kaya agad kaming tumakbo papunta doon.

Bago pa kami makapunta dun ay biglang tinawag si Riva ng kaklase niya.

"Riva! Pumasok ka na dito dahil maya-maya time na!" Sabi ng classmate niya.

Tumingin naman sakin si Riva. "Cal, mauna na ako dahil mag ta-time na."

Ngumiti ako. "Sige, Riva, magkita na lang tayo mamaya."

Tumango siya. "Sige, habolin niyo na si Jairah." Sabi niya samin at pumasok na sa room niya. Kumaway naman ako.

"Tara na!" Aya ni David kaya nagpatuloy na kaming tumakbo.

Pagdating namin sa baba ay hindi na namin makita si Jairah.

"Nakalayo layo na siya. Tsk. Hindi pa naman yun kumain ng lunch niya"

"Bakit ka ba nag-alala? May gusto ka na ba sa kanya?" Takang tanong ko. Malakas naman siyang natawa pati na din si David.

"Woi! Ano ba ang nakakatawa sa tanong ko?" Inis na tanong ko.

"Shit ka, Caleb! Hindi ako makakagusto sa pinsan ko." Natatawang sabi ni Seth.

Teka?

"Pinsan?!" Gulat na tanong ko.

Tumango siya. "Yup. She's my cousin pero hindi niya ako naalala. Kahapon ko lang din kasi nalaman na nakauwi na pala sila sa Pilipinas at dito siya nag-aral" Sagot niya.

"Paano?"

"Magkapatid yung mother ko at father niya."

Tumango tango ako. "E ikaw, David? Bakit tumawa ka?"

"Sinabi niya kasi sakin." Sagot niya.

Ngumuso ako. "Ang sama mo, Seth. Eh sino ang mas matanda sa inyo?"

"Ako. Isang buwan ang tanda ko sa kanya." Sagot niya. Tumango naman ako. "Secreto lang natin 'to."

Kumunot naman ang nuo ko. "Bakit naman?"

"Baka dumugo ang ilong niya at sasakit ang ulo niya kapag sinabi niyo. Tignan niyo, hindi niya ako naalala." Sagot niya.

"May amnesia siya?!" Halos sabay na tanong ni David. Tumango siya.

Biglan na lang nag ring ang bell.

"Bumalik na tayo sa classroom baka ng dun na yun, ayaw niya talagang kumain ng lunch." Aya ni David. Tumango naman kami ni Seth.

She have a fucking amnesia. Kaya ba hindi niya naalala si Kaizer? Haysss.

Pagdating namin sa room, nakita namin si Jairah na komportableng umupo sa upuan niya. Halos sabay kaming bumuntong hinangang tatlo. Agad naman kaming dumiretso sa upuan namin.

"Ang bagal niyo namang tumakbo." Bungad samin ni Jairah.

I sighed. "Kung hindi lang kasi tinawag si Riva ng kaklase niya, e di sana naabutan ka namin."

"Ang sabihin niyo mahina talaga kayo."

"Ang bilis mo naman kasing tumakbo" Sabi ni David. Ngumisi lang si Jairah.

"'Tol baka nakalimutan mo kung sino siya, e natural na mabilis talaga ang pagtakbo niya at mabilis ang kilos niyan eh." Sabi ko.

"Yeah, yeah, I forgot you're the Queen of FIS." Natatawang sabi ni David.

"Tss." Umirap pa si Jairah.

"Tigas talaga ng ulo mo, Lei-I mean Jairah. Hindi ka kumain ng lunch mo." Sabi ni Seth.

"Wala ako sa mood kumain, eh." Sagot ni Jairah. Bumuntong hininga naman si Seth.

Dumating na ang prof namin kaya tumahimik na kami at ganun din ang mga kaklase namin.

I'm Just For You (Book One) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon