Planet Xerox, or "Everything's broken, everyone's pissed off"

30 2 0
                                    

DISASTER.

Kung gagamitin ang isang salita para ilarawan ang proseso ng enlistment at enrollment sa amin, 'yan ang gagamitin ko. Ano pa ba... haphazardness? Chaos? Disorder? Entropy?

Wala eh, magulo talaga. "Hindi na kayo baby!" sabi nila. "Matuto na kayo!" Inisip ko, preparation lang ba lahat ng gulong ito para sa adult life? Hell, marami akong kilalang nagta-trabaho sa stressful environment (stressful pero orderly)... minsan iniisip ko lang na ginagawa nila siguro ito to cover up for their own incompetence. Then again, hindi naman natin maaring i-conclude agad na incompetent sila gayong sadyang disastrous lang talaga ang latent consequences of pure circumstance sa ating locale.

Nadale rin. Tapos ang finger-pointing.

Dahil sasakit lang ang ulo ng lahat kung gagawa tayo ng poststructuralist-to-prescriptive Socratic analysis ng mga sirang computer at laspag na paa, simulan na lang natin ang kuwento ko sa online enlistment na nangyari noong January *toot.* Wala pa gaanong problema noon, basta naalala ko may pinapanood lang akong reality show or whatever noon tapos biglaang bumulabog sa akin 'yung "100 new messages" sa group chat ng block namin.


[SCENE: Bahay ni Unprettier. Madilim tapos maraming lamok.]

Unprettier (watching some show): WOOOOHOO S***! ANG GALING NINYONG MAGHUKAY NG LUPA! AT MAG-MICROWAVE NG INSTANT SPAGHETTI! AT GUMAWA NG KURTINA! AT...

[Dahil sobrang ikli ng attention span ni Unprettier, nag-login siya sa Facebook, since one can only watch people dig holes for so long. Makikita niyang nag-e-enlist na ang blockmates niya, ma-re-realize niya na ang kanyang hedonist at escapist nature ay walang lugar sa kahabag-habag na mundong ito, cue excessive self-pity.]

Unprettier: PUTAAAAAAANG INAAAAA!!!!!!!!!


Buti na lang tulog na 'yung ibang blockmates ko noon kaya hindi ako naubusan ng slots. Sa totoo lang, isa lang naman talaga ang problema ko sa online shit na 'yun: Mali ang pag-compute nung system doon sa tuition ko. Leche lang. Kawawa nga 'yung isa kong blockmate, biglang dumoble tuition niya. I never knew a computer can be this stupid. Ang nangyari, this small computer glitch would ruin a lot of people's lives the next day.

...

Nabano ako sa enrollment. Hindi ma-settle 'yung account namin dahil doon sa lecheng miscalculation nila. Pinagpapasa-pasahan nila ang burden. "Doon kayo!" "Hindi, dapat DOON!" "Pumunta na ba kayo sa ganyan?" "Dapat pumunta muna kayo roon!" Marami pa akong reklamo, but I'll bite my tongue. Marami na naman kasing naka-experience ng ganito.

At saka mayroon din naman kasing happy moments noong enrollment. Una sa lahat, matagal-tagal din kami hindi nagkita noong blockmates ko so happy-happy reunion shit muna kami bago mag-enroll. Dumaan muna kami sa isang convenience store para bumili ng lunch kasi matagal na rin kaming hindi nalalason ng preservatives. Naganap na 'yung unang tapilok ko sa sidewalk ngayong 2015.

Nakapagbayad na ako ng tuition matapos ang isang linggo. Kahit na mamatay-matay na ako sa init sa mahabang pila, ayos lang dahil cute 'yung katabi ko. The end.


HippopotomonstrosesquipedaliophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon