Here's Johnny!

47 4 0
                                    

I hate being home alone. I know a lot of people beg to differ dahil sa mga bagay na may kinalaman sa lotion at talong, pero ako kasi 'yung tipong mag-iisip na may kriminal sa labas ng bahay tuwing mayroon akong naririnig na nag-do-doorbell, kumakatok, o sumisigaw ng "Tao po".

Tulad kanina. May putang paulit-ulit na sumisigaw ng "Tao po" sa labas ng bahay. Normally hindi ko lang i-a-acknowledge 'yung existence ng mga estrangherong sumisigaw ng "Tao po" hangga't magsawa sila sa pagsayang ng laway at saka umalis, kaso naisipan ko na baka iyon 'yung nangongolekta ng bayad ng cable o 'di kaya 'yung ipinatawag kong hitman. Kaya nagbukas ako ng bintana at nakisigaw din.

"TAO PO......... TAO PO......... TAO PO!!!1!!111!" sigaw ni estranghero.

"Ano po 'yun?" I asked.

"Mag-so-solicit lang." (Uso sa amin 'yung mga nag-so-solicit para sa basketball... mukha ba akong potential benefactor? Shit.)

I closed the damn window afterwards.

Pagkatapos ng ilang minuto, dumating na 'yung kapatid ko sa bahay. Kaso bago noon, may narinig muna akong nagsisigawan. Apparently, mayroong patay na ibon sa harap ng bahay namin. To quote the great poet Bob Confucius, "What goes up must come down. May limang araw ka to atone for your sins. 7 ang iyong lucky number." Now, why would there be some big ol' bird carcass in front of our house? Baka pinatay ng pusa. Baka nalaglag lang 'yung ibon at na-deds. But according to every crime TV series ever, iisa lang ang potential suspect—'yung huling taong napalapit sa vicinity bago makita ng eyewitness ang ebidensya.

So, kagagawan ba ito ni "Tao po?" Mukha ba siyang mamamatay-ibon?

Probably. Kaso napag-isip-isip ko rin, hindi namang tamang tawaging "mukhang pumapatay ng ibon" agad 'yung tao kasi sabi ni Jesus bad 'yun.

Damn right. Happy holidays, everyone!


HippopotomonstrosesquipedaliophobiaWhere stories live. Discover now