Everything is a Copy: The Fine Line Between Replication and Duplication

314 9 9
                                    

cli·ché - noun -/klēˈSHā/

: a phrase or expression that has been used so often that it is no longer original or interesting

: something that is so commonly used in books, stories, etc. that it is no longer effective

Here in Wattpad, laging present ang mga cliché. Of course, this is common knowledge by now. Although it seems like everything is a copy of a copy, most of the time it's still fun to read these "cliché" stories (sinabi ko lang 'yun para hindi n'yo ako sapatusin). Depende 'yan sa trip mo. At malamang, sikat sa audience ang mga kwentong ganito dahil kadalasan dito sila nakaka-relate. Sabi nga ng bantog na manunulat at founder ng Wattpad na si William J. Wattpad, "The only things that matter are the interests of the consumers and chicken nuggets, but not in that order." Hindi siya nagkakamali roon.

Currently, you might be under the impression na naiirita ako sa mga cliché na kwento. Au contraire, enjoyable sila... para sa ibang tao, dahil kadalasan love stories lang sila at wala akong love life o imaginary boyfriend kaya hindi ako maka-relate. Later in this chapter, makikita ninyo ang sinubukan kong gawing titles at "Wattpad stories" gamit ang kakapiranggot kong creativity kuno. Most of the examples to be cited later may have already been published by someone else, so disclaimer lang: I did my best to be general about it all pero kung na-exhaust na lahat ng topic na pwede mong makuha galing sa isang formula, ewan. You're welcome na lang sa libreng promotion.

[EDIT: Pagkatapos kong mag-proofread ng chapter na ito, na-realize ko na karamihan sa mga sinulat ko rito ay hindi gaanong cliché.]

-x-

Kung pangit ang title ng isang kwento, minsan nakaka-turn off sa readers. Sabi nila, "don't judge a book by its cover." May cover shop naman daw para sa ganoon. Next item: Sa Wattpad, kasama ang titles sa usapan; thus, the battle ensues amongst contestants decked in piZap, bokeh, gradients, and DaFont.

1. Mr. Angas meets Ms. Sensitive, Mr. Sungit meets Ms. Bait, Mr. Bobo meets Ms. Talino, Mr. Barumbado meets Ms. Conservative, Mr. Uptight meets Ms. Malandi, Mr. Amoy Bawang meets Ms. Vampire, Mr. Gentleman meets Ms. Kerengkeng, Mr. Bantot meets Ms. Bango, Mr. Conyo meets Ms. Jejemon. Ito 'yung tipo ng kwentong nagpapatunay na "opposites attract." In real life hindi naman talaga ganoon lagi, pero romanticized naman halos lahat pagdating sa fiction, 'di ba?

2. Nainlove ako sa best friend ko, Nainlove ako sa best friend ko tapos na-friendzone ako, Nainlove ako sa basketball player, Nainlove ako sa chickboy, Nainlove ako for real kahit chickboy ako tapos binasag niya ang puso ko, Nainlove ako sa member ng Chicser, Nainlove ako sa teacher ko, Nainlove ako sa professor ko, Nainlove ako sa boss ko, Nainlove ako sa lalaking taken na, Nainlove ako sa ibang lalaki kahit taken na ako, Nainlove ako sa lalaki kahit lalaki rin ako, I accidentally married a K-pop idol. Ito naman 'yung tipo ng kwentong mag-uumpisa sa "Ew, hindi ako ma-i-inlove sa hampaslupang 'yan" tapos magpapakasal na sila sa Boracay pagdating sa epilogue.

===

PLOT. Sa panahong ito, mahirap na maging "original." Nagkaroon na nga ng plurality sa pag-aral ng lipunan dahil natuto na ang mga taong mag-question sa dating gawi, nagkaroon ng bagong trends sa interes ng lipunan dahil sa globalization, "McDonaldization of Society," at iba pang yadda yadda. That being said, halatang-halata pa rin na mayroong mga pattern na mahirap pakawalan pagdating sa... pagsulat ng plot. Segue success! Eka nga, we all draw from a pool of metaphors using the same kind of nahubad na underwear. Dito rin pumapasok ang concept ng independent creation, pips. (Kung nakaw at copy-paste sabay palit ng pangalan ng characters ang laro, ibang usapan na 'yan.)

Ang unang uri ng tema (o paminsa'y plot device) na tatalakayin natin ay ang "Kunwari Wala Kaming Pake But This is God's Plan." Kahawig niya ang plot noong lumang kwentong kumakalat sa GM na tungkol sa magkaibigang "fake couple" na naging real couple, unsurprisingly enough. Ganito ang flow ng kwento, kasama ang plot twists mula sa germs sa ilalim ng kuko ni M. Night Shyamalan:

HippopotomonstrosesquipedaliophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon