iWant2Believe: When Pigs Fly (no, 'di mo pwede isakay 'yung baboy sa helicopter)

94 4 0
                                    

Naisipan kong mag-update para mapatunayang hindi pa ako patay.

Binabasa ko 'yung "Predictably Irrational" ni Dan Ariely sa Fully Booked noong isang araw kaso sumuko ako; binili ko na lang at binasa sa bahay. Hindi kasi ako naka-concentrate sa pagbabasa dahil may punyetang babaeng nakikipagharutan sa tiyanak na baby niya. Sa loob ng bookstore.

Dumadagundong 'yung boses niyang parang kukong kinakaskas sa blackboard – I swear, hindi na siya makakasabi ng "clap clap baby, a is for apple b is for bulbol c is for chugi fun fun fun" kapag bumaba ako at inilaglag ko sa kanya lahat ng librong nasa estante ng "young adult" genre. Gusto ko sanang mag-moonsault mula sa 2nd floor papunta sa kinalalagyan nila, kaso baka ako pa ang palayasin sa bookstore.

Hindi nagbasa, tumingin, o bumili ng libro si aleng punyemas at si punyemas junior. Naki-aircon lang sila, which wasn't much of a surprise.

--x--

Ang lungkot naman ng intro na 'yun. Kaya ito, I'll talk about another book I've been reading this summer. The book with the iconic cover, 'yung may apple na orange ang laman. Sinabi ko na iconic siya pero #opinyon ko lang 'yun, kasi memorable naman talaga lahat ng sabihin ng utak at kalyo ko sa paa ngayong sumisikat na lahat ng tao for 15 minutes, 'di ba.

The aforementioned book is none other than Freakonomics, by Stephen J. Dubner and Steven D. Levitt. Confession time muna: binili ko lang 'to dahil binili 'to nung idol ko. Kung in-endorse 'to nang bonggang-bongga ni idol, siguro ma-e-enganyong magbasa at ma-educate 'yung ibang fans niya, para dumami pa lalo 'yung bilang ng mga taong nagkukunwaring may alam sila sa economics. Parang ako lang. Baka tumalino rin ang fanbase by a few notches! It's up to you to determine what kind of intelligence they possess, though.

Hindi nag-fo-focus ang Freakonomics sa pag-plot ng supply and demand curves at pag-compute ng gross domestic product--this book's principal argument is that economics exists as a tool to study society. Tangina, malamang... halatang hindi ko pinagnilayan nang maayos 'yung binasa ko. We can infer from this na bulok ang deductive reasoning skills ni Unprettier. Aside from focusing on behavioral economics, this book also takes you to a journey into the wondrous world of data science dahil hindi lang ornament 'yung nakakalulang statistics, computations and experiments, yo!

Freakonomics, by Stephen J. Dubner and Steven D. Levitt... hindi ko pinagsisisihang bilhin. Kung may balak kang bumili, revised edition na ang kunin para lalong maliwanagan at matuto. Since bobo talaga akong mag-explain, BILHIN NIYO NA LANG!

- Unprettier, enjoying her last few days in limbo.  28 May 2014.

--x--


HippopotomonstrosesquipedaliophobiaWhere stories live. Discover now