★ I'm a landmine filming my own fake death: Going on a feel... field trip

61 5 0
                                    

Hi, ako si Unprettier and I'm here to talk about mah field trip, yow. Quite frankly, "Lakbay-aral" ang tawag nila rito kaso who in the world would sit in an office chair and reminisce about that time when he went to some travel destination and learned about... things instead of remembering a drunkathon and a sleepless night?*

--x--

Alas-dos ng madaling araw ako gumising upang paghandaan ang ~*big day*~ at puta ang lamig ng tubig noong naligo ako. Gusto ko sanang mag-net kaso wala nanamang wifi sa dorm. At least may constant sa buhay ko, 'di ba.

Dumating ako sa school at 4:30 AM. Nawawala ang blockmates ko. Panic mode, commence!

.

.

.

Dumating naman 'yung blockmates ko pagkatapos ng ilang minuto kong pag-drama kina manong guard. Bumili pala ng hotchix sa Mini Stop mga blockmate ko, leche kung alam ko lang e inubos ko na stock nila. To kill time, pinaglaruan muna namin 'yung bubbles, bola, at handheld mist electric fan na dala namin dahil ang tagal ng bus, kaso andun na pala 'yung bus at hindi lang namin alam... kaya pumasok na kami sa bus! Masikip (welcome to dapilipins), tapos naagawan na kami ng upuan noong mga non-block.

Moments later, nag-start na ang byahe at nagdasal kami (utos ng facilitator). Eventually nakatulog ang iba kong blockmates, but not before... SsTaRhHbHuCkSsZz!

---

Ang una naming ginawa sa lakbay-aral na ito ay... nag-aral! Kami ay pumunta sa mga simbahan at museo. Wow, much learning. Very intellectual. Pagkatapos noon, pumunta kami sa malaking tulay na kulay sunog, and fittingly enough, nasunog din pagkatapos ng store clerk sa 7-eleven 'yung sandwich ko (nasa instructions daw sa packaging. Ano na namang abnormal na food trend 'to?) at nakatanggap lang ako ng bagong sandwich dahil naamoy ng manager nila 'yung sunog na sandwich. Divine intervention 'yun dahil hindi talaga ako magkakaroon ng guts magsumbong kung 'di naamoy ng manager.

Pagkatapos noon, dumating na kami sa most anticipated part of the trip. Ito na talaga 'yung destination na nakaka-enhance ng learning experience: gawaan ng lambanog. Ewan ko lang if selling lambanog to minors is totally illegal, but it is best for business. Pagkatapos ng isang milenyong pag-aral at pag-inom ng free taste ng lambanog ('di ako uminom, blockmates ko lang), nakarating na kami sa resort! ANG GANDA!!! MAY SIX-PACK 'YUNG STATWA SA ENTRANCE! SWIMMING POOL!!!

Ewan ko lang kung ano'ng sumapi sa akin at naisipan kong hawakan 'yung abs ng statwa sa entrance (santo ang peg). Pumasok ang block namin somewhere at kumain ng pancit habhab – and in line sa personal brand ko, binigay ko sa kaibigan ko lahat ng gulay sa pancit. Pagkatapos kumain, nag-ayos na rin kami ng gamit sa room.

Mayroong reception ng kasal (or blood offering ng virgin sacrifice, malay ko) na hindi ko nanakawan ng cupcake dahil kasama sa field trip ang adviser namin, kaya nagtakbuhan na lang kami ng blockmates ko sa grass fields nang parang bida sa commercial ng Anlene.  Ginamit na rin ng blockmates ko lahat ng bubble machines nilang 'di pa nasira bago kami makabiyahe.

Bandang alas-singko ng hapon, nag-swimming ako kasama ng ilan kong blockmates. Wow, ang saya! Ang lamig! May pinulikat! Nabagok ang tuhod ko sa semento!

*ahem* In all seriousness, ngayon lang ulit ako nakapag-swimming so this is a big deal for me. Medyo bwiset dahil hindi buong block ang nag-swimming, not that I was waiting for someone anyway... *cough cough* kakaunti lang kami kaya medyo tahimik, pero masaya pa rin dahil naglaro kami ng pool games gamit ang beach ball, parang mga sea lion sa Ocean Adventure. Pustahan mas marami pa sa aming nakaalalang magdala ng mga bola at bubbles kaysa notebook at bolpen.

HippopotomonstrosesquipedaliophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon