Bittersweet Migraine: Dumplings at Kangkong ang Susi sa Tagumpay

54 4 0
                                    

Sabog na update, because apparently somebody here can't form coherent paragraphs anymore. Yata.

[1] It's 3 AM and my roommate's goddamn alarm rings at a teen-making-her-gurlfrans-listen-to-bieber-songs frequency for 30 minutes straight and I'm the only one waking up?!? This has got to be a sick, cruel joke. Buti pa si Unprettier, naka-MyPhone. Kailangang mag-MyPhone ang buong Pilipinas. Or 'yung roommates ko na lang. *Saleslady voice* kung gagamit ka ng MyPhone, ikaw lang ang makakarinig ng alarm kung naka-earphones ka. Walang magigising kundi ikaw... baka pati ikaw 'di magising. Naglagay na rin kami ng Mobile TV at F1 Race, kung gusto mong magmukhang may textmate ka para walang mag-small talk sa 'yo sa inattendan mong reunion.

[2] Naisip ko lang... mas masahol ba talaga ang ipis kumpara sa plaster bagworm? Nakapatay ako ng maliit na ipis sa dorm noong isang araw (WOO) dahil bawal ang mga ipis na walang titulo sa loob ng cabinet ko. Cabinet. Alam kong hindi mabantot ang cabinet ko, hindi ko lang alam kung ano'ng nahithit ng gagong 'yun at naisipan niyang pumasok doon sa lecheng cabinet. Gayunpaman, bwisit pa rin ang plaster bagworm. At least makakatulog ako nang mahimbing sa dorm dahil wala akong pinoproblemang plaster bagworm na epal sa pader. Dapat maging extinct na ang mga hinayupak na lecheng pesteng ito. Sana pwede silang hanapan ng kapalit sa food web.

[3] Naisip ko rin... kung sumali ako ng Mr. and Ms. Freshie contest chenes at naging ka-partner ko 'yung crush ko (na nakasali roon), hindi kaya ako magiging plebeian nutjob ngayon? I mean, kahit hindi niya ako maging partner, mapapansin pa rin ako. Tapos baka maging crush din niya ako. Tapos magiging kadiring couple kami na nagsusuot ng couple shirt na may Comic Sans at nagsusubuan ng ice cream sa Robinsons. At magpapakain ng pizza sa mga pusa. Tapos meron na rin akong guardian angel who'll watch over me para hindi ako linggo-linggong nadadapa sa sidewalk. Alam kong kapag sinabi ko 'to, para na rin akong nagtawag ng quasi-kulto league of angry netizens na iikot sa akin sabay chant ng "aral muna bago landyot HUNGHANG!" 520 times. Ba't ba? Nag-aaral naman kasi ako! At nag-eenjoy ako sa pag-aaral! Right..?

P.S. Yes, they did consider making ME the block's representative sa Mr. and Ms. Freshie contest at one point in time (please stop laughing). Buti na lang hindi ako ang isinali. Magmumukha lang akong longganisang may shades sa photoshoot at ang stage presence ko ay negative five. 'Di hamak na mas matino sa akin 'yung isinali ng block dahil na-realize na rin nila na magmumukha lang kaming kaawa-awa kapag ako 'yung pinasuot ng gown at pinasayaw sa auditorium.

P.P.S. Kay crush nga pala... mayroong Great Wall. But... I'm like 3/32 Chinese, hindi ba counted 'yun?




HippopotomonstrosesquipedaliophobiaWhere stories live. Discover now