Yeah, you're so wild. You and everyone else!

169 5 1
                                    

SCENE: Isang clubhouse na kailangan nang i-renovate. 65th birthday ni lola Gertrude Esmeralda D. dos Pordos at nawalan na siya ng sigla at kakayahang maaliw sa mga bagay na dating nagpapasaya sa kanya (in other words, ang kanyang disco ay napalitan ng slipped disc)The venue isn't helping much—there are cobwebs under the tables and the cake is sprinkled with dust and debris. Sinusubukan ng kanyang panganay na anak at ng kanyang manugang na pasayahin siya through one big joke of a program. It is 4:25 PM at oras na para sa dance number ng kanilang unica hija.

Unica hija enters and the guests don't give a shit. Fragile unica hija's ego is not appeased. She sits on the ground and starts crying.

Nanay at tatay: ANAK, HINDI BA TINURUAN KA NAMAN NAMING SUMAYAW NG "WIGGLE WIGGLE" NANG MAAYOS? SINO BANG NAGTATRABAHO PARA MAY MAKAIN KA ARAW-ARAW? ANO PUTANG INA GUSTO MONG MAGULPI? (Hindi na-realize ni nanay na tinatawag niya ang sarili niyang "putang ina," or worse—minumura ang nanay niya sa sarili niyang birthday. Walang binatbat ang Jollibee birthday program dito.)

Unica hijang nakasuot ng tutu at tiara: [umiiyak sa ilalim ng table sabay lamon ng hotdog na may marshmallow.]

.

Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa mga batang pinapagawa ng shit na ganyan sa harap ng mga kamag-anak nila. Kung consensual at walang perang involved then okay lang siya, I guess. Wala naman akong talent kundi magpakatanga at magmukhang lutang kaya hindi ako isinasali sa mga talent show tulad ng "Mahalimuyak na Bulaklak ng Bgy. Bagongregla," "Reyna ng Pasig River," "The Annual 'Oh Beybe' Giling Princess Contest," o "Little Miss Pink ang Kulangot." Gusto akong isali ng tito ko sa santacruzan noong 7 years old ako, kaso may sinabi yata ako sa kanyang 'di angkop sabihin ng mga batang nasa edad ko kaya 'di na niya tinuloy.

Isang beses lang ako napilitang magpakita ng "talent" kuno. Noong 4 years old ako, pinakanta ako sa harap ng school kasama ng lola ko tapos gamit namin 'yung minus one niyang naabutan pang buhay si Emilio Aguinaldo. If anyone's wondering about how bad it turned out, gusto ko lang sabihing kaboses ko si Miranda Sings. In our own special way, na-disrupt siguro namin ang electromagnetic field ng Earth that day.

===

Tumitingin-tingin ako sa news feed ko sa Facebook kanina. Syempre hindi mawawala 'yung mga bulilit na nag-po-post ng "huhuhu I fell in love the way you fall asleep, slowly and then all at once, HASHTAG INFINITY" at "only your smile can mend my broken heart, bhebhe qouh if you live to be 100, I hope to live 100 minus 1..." [sinara ang tab]. Kasama na rin 'yung mga nag-po-post ng mga baby nilang mukhang tiyanak, picture ng lasingan session, mga nagbebenta ng buko shake at nagbebenta ng viagra, at mga nag-po-post ng "like for God, ignore for Satan." But recently, mayroong influx ng mga post na ganito:

"omg walang kwenta mga bata ngayon, wala na akong faith in humanity, I don't want to live in this planet anymore, ito na lang ba ang kahahantungan ng henerasyon natin, ang landi niyo, Lord kunin mo na lahat ng teenager sa mundo at ibalik mo lang sa amin si Tupac Shakur"

Kadalasan, ang mga nag-po-post ng ganito ay hindi pa ipinanganak noong namatay (or according to conspiracy theorists, tumakas at nagtago sa remote island katulad nina Elvis, Kurt Cobain at John Lennon) si Tupac, which says a lot.

I don't get why they give the kids so much flak, for all I know baka ganyan din ang iba sa kanila noong bata pa sila. I guess ayos lang mabwisit pero kung iisipin mong isa kang highbrow being dahil nabwibwisit ka sa mga teenager ngayon, gusto ko lang sabihing [1] Hindi ka special snowflake, and [2] The kids are going through a phase, man. Tsaka ka na lang magduda kung ganyan pa sila umasta hanggang sa pagtanda. Pizawt. Kung nakasasama na talaga ang behavior nila, educate them—sa maayos na paraan.

-x-

HippopotomonstrosesquipedaliophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon