Lip Service: Strawberry Jam + Pineapple Juice, feat. Lusaw na Tsokolate

84 4 0
                                    

Hindi ko lang talaga alam kung bakit ang daming nangyari sa school na may kinalaman sa napkin noong high school student pa ako.

Isa na roon 'yung time na may pumasok sa 3rd year HS CR tapos may napansin siyang nakadikit na duguang... sanitary pad sa bathroom door. Afterwards, the teachers got pissed since there's no easy way to find out who was behind that very creative exhibition (mahal ang DNA test), just like that time noong may tumae sa tangke ng toilet noong CR ng mga 3rd year. Hindi ko lang alam kung may personal vendetta ang mga tao sa CR na 'yun o mahilig lang talagang maglaro ng bodily fluids/excretions(?) ang 3rd year students.

The end.

At, saludo ako kay napkin girl. 'Yun na siguro ang ikatlong pinaka-hardcore na nangyari sa school, right after that time when may gumawa ng mural sa CR gamit ang menstrual blood pati noong sumigaw ng "shit, putang ina n'yong mga gago kayo" 'yung kaklase ko in close proximity ng isang madre. Nakuhaan kaming magkakaklase ng ID dahil sa kanya, at siya pa ang may ganang magalit sa amin. Pizawt!

--x--


HippopotomonstrosesquipedaliophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon