Money Can't Buy Me Charisma (Welcome to Hell!)

124 3 0
                                    

Tonight 12:30 am to 3:30 am cosmo rays entering Earth form Mars. So switch off your mobile at night. Source: BBC News.

What in the world are "cosmo rays?" Anyway, nakakajirits 'yung mga text na ganyan kahit alam mo namang hindi totoo. Para mo na ring sinabing "Tonight 6:00 pm to 5:59 am we will be blowing dust out of the phone lines. So put your phone in a sack until it's done. Source: Barack Obama." o "Today 3:00 am darating ang mga alien galing sa planetang Yokek, kailangan ninyong ialay ang panganay niyong anak kasama ng isang kalabaw para hindi nila pasabugin ang planet earth. Source: Pope Francis."

Ganyan tayo, basta may sikat at respetableng isinasangkot, mauuto na ang masa. Joke time lang ang gamit ng appeal to authority sa mga halimbawa sa taas, but more important matters can be found beyond that horizon—specifically, matters concerning things I wouldn't want to cover in this journal as of now dahil wala pa siya sa intellectual capacity ko. Among those are politics, or kung bakit malansa lahat ng mesa sa Mang Inasal.

At times like these, gugustuhin mo na lang na dumating ang isang spaceship na puno ng alien zombies o spaceship na puno ng mga Kokey para walang choice ang mga tao para magtulungan. Tapos boom, world peace. Hangga't sa susunod na panahon na mag-away ulit sila.

===

Ang title ng susunod na kwento ay "How To Kill a Socially Awkward Child: Trap it in a room full of Communication majors and make it introduce itself." Mag-uumpisa na ang enrollment at gusto ko nang magtago sa ilalim ng bato!

Kahapon ginanap 'yung dental at physical exam para sa incoming freshmen sa uni ko. Sa sobrang kupad ng proseso, naisipan nung mga freshman block coordinator na pilitin kaming magpakilala sa isa't-isa. Eh leche, puro magaling magsalita 'yung kasama ko tapos ako 'yung hunghang na may social anxiety shit. It would not end well.

So ayun, nagpa-intro ang mga leche. Pangalan, edad, course, paboritong cartoon character. "Hi, ako si Unprettier, piss me off and I will knock you unconscious. Favorite characters ko sina Jigsaw at Charles Manson pero, uhh... hindi nga pala sila cartoon."

Nakaka-drain ng powers at sana talaga pwedeng matulog habang naghihintay (shoutout dun sa kaklase ko noong high school na natutulog sa floor tuwing recess). Gusto ko na talagang mahiga roon sa malaki, malambot, at... kumportableng couch sa waiting room kaso maraming tao, baka mapag-tsismisan pa nila ako.

Noong kakaunti na lang ang tao, nakapagsasalita na akong matino. Buti na lang mabait 'yung ate kong freshman coordinator at saka 'yung coordinator sa kabilang degree program. Nakasundo ko naman sila. Ewan ko lang kung may makakasundo ako sa mismong block...

Kaya, ayun. Kumain na lang ako ng Chicken McDo.

---

12 May 2014

So, enrollment namin kanina. Ang aga kong nagising at sa sobrang pagpapamadali sa akin ng mga tao sa bahay, nakalimutan kong magdala ng vitress at powder. Expectedly, mukha akong demonyo sa ID picture ko. 'Yun lang naman. Nakilala ko na ang blockmates ko, ewan, nakakatakot 'yung isa kasi inirapan yata ako. (Masyado pang maaga para makipagsampalan so I just let it slide.)

Nakakatawa lang na hindi prerequisite sa enrollment ang certificate of good moral character. Parang, "Alam kong kasinghaba ng grocery receipt ang criminal record mo, enjoy your stay in the university!" Sa totoo lang, mayroon naman akong certificate of good moral character dahil mabait ako noong high school. Elementary is a whole different story, mas masama pa ang record ko sa principal's office kumpara sa mga record nung mga gagong lalaking kunwari hardcore pero tatakbo naman kapag sinubukan mong upakan. 

---

13 May 2014

Orientation kanina, in-explain sa amin 'yung sandamukal na yadda yadda. Nag-tour din kami sa campus, kaso nga lang walang pumasok sa utak ko kaya siguradong maliligaw pa rin ako sa pasukan. In retrospect, wala namang over-the-top na nangyari noong umagang iyon. Ang alam ko lang, ang tanging hinihintay ko ay 'yung block lunch—hindi dahil sa gusto kong makipag-chika sa mga ka-block kom kundi dahil isang baso ng tubig lang ang almusal ko. Nagtanong-tanong 'yung coordinators kanina kung ano'ng kinain naming almusal at 'yan ang sinagot ko, akala nila nantitrip lang ako kaso tinatamad lang magluto ang mga tao sa bahay.

Pagdating ng lunch, awkward. Siksikan kami sa Mang Inasal. Pumunta 'yung freshman coordinator ng block ko sa table namin, kinausap niya 'yung isang lalaki (tawagin nating "boy", for convenience) at sinabi ni coordinator na manlilibre raw siya ng lunch kapag nakain ni boy 'yung isang buong sili. Ako naman, ungas at kuripot (at medyo KSP kasi ako lang hindi kinakausap ng kalapit ko pero who cares*), kinuha ko 'yung isang sili sa table at nilamon ko. 'Yan, mga bata, ang paraan kung paano ko natutunan na dalawang beses lang pala dapat nguyain ang sili bago lunukin. Unless you want to die early.

Pagkatapos ng shit na 'yun, ni-reiterate ni boy na dapat five times or fewer lang nguyain 'yung sili unless dysfunctional ang taste buds mo o isa kang malaking gago. Dahil nga wala na akong coke at masyado akong asocial para manghingi na lang ng coke sa blockmates ko, ngumuya na lang ako ng yelo. Ayaw pa ring mawala nung anghang. Kumuha na lang ako ng dalawang mentos at sinaksak ko sa bunganga ko. Tapos wala ring nangyari.

The end.


===

Iniulat ng isang artikulong mula sa science part ng interwebs na kailangan 2-3 times a week lang ginagawa ang pagligo. Bakit daw? Kasi nababakbak ang protective..."other skin" ng balat kapag wagas maligo at pagkatapos kumain at kailangan munang maghintay ng approx. 30 minutes bago mag-toothbrush dahil sisirain ng acid galing sa kinain mo 'yung enamel sa ngipin.

While sumasang-ayon ako sa ikalawa, hindi ko lang alam kung applicable sa mga Pinoy at this point in time 'yung una unless hippie ka. It's safe to say na pwede kang maging dehin goli for a week sa mga lugar tulad ng France at Antarctica; however, the same cannot be said pagdating sa Pilipinas lalo na kapag summer - good luck na lang sa pagpapasikat sa chix kung tatlong araw ka nang 'di naliligo at tinutubuan na ng amag at masamang espiritu 'yung kilikili mo. Mmm, delicious.

-x-

* Almost a year later, the same blockmate told me: "tumitingin na ako at gusto kitang kausapin kaso 'di ka naman kumikibo."

Nonverbal communication. Learn it, kids!





HippopotomonstrosesquipedaliophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon